Chapter 7- Pauline Mae M. Reyes

46 3 0
                                    

*****Rosing’s POV*****

                ‘Kring! Kring! Kring!’

               

                Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Nakakainis nga e. bakit ngayon lang siya gumana. Sana kung kahapon siya nag-alarm, hindi pa sana ako nasuspend.

                Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang napaniginipan ko. Si Pauline nga ba talaga? Taksil ba siyang kaibigan?

 

                Naghanda na ako para mag-community work. Parang typical school day lang ang paghahanda ko, ang nag-iba nga lang ay dahil hindi ako naghanda para mag-aral kundi para maglinis.

                Nakarating na ako sa paaralan at nakita kong nasa tapat ng gate si Ms. Cortez, naghihintay siguro sa akin.

                “Rosing, halika dito,” sabi niya sa akin.

                Lumapit naman ako sa kanya.

                “Maglilinis na ba ako?” saad ko.

                “Hindi,” nabigla ako. “Nasabi ko lang ‘yun dahil sa matinding damdamin pero sa ngayon, warning ka lang muna. Pero sa susunod ay dapat hindi ka na malate nang ganun at magrerespeto ka na.”

                “Opo,” first time kong gamitin ang salitang ‘Opo’.

                “Sige, pumunta ka na sa classroom. Susunod lang ako soon,” si Ms. Cortez din po kasi ag first class namin.

                “Sige po,” nasambit ko. Hahaha! ‘Po’ and ‘Opo’ invasion na ‘to!

===============

*****Pauline’s POV*****

                “Palagi na lang nalilate si Ms. Cortez,” ani ni Gryn.

                “At si Rosing,” dagdag ko pa. wala pa siya kasi ngayon.

                “And speaking sa kanilang dalawa, ano kaya ang pinag-usapan nila kahapon?” tanong sa akin ni Gryn.

                “At bakit umiiyak si Rosing pagkalabas niya? Siguro pinagalitan siya dahil nalate siya,” sabi ko.

                “Hindi naman siya siguro iiyak dahil lang sa ganyan,” ani naman ni Gryn. Pero may point rin siya.

                “Sa bagay,” nasambit ko. “Nandyan nap ala siya,” dagdag ko pa nang makitang pumasok si Rosing at agad naman akong tumayo para salubungin at kausapin siya.

                “Okay ka nab a?” tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin at parang galit siya sa akin. Ano nab a ang nangyayari sa kanya?

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon