Chapter 15- Recollection

19 3 0
                                    

*****Pauline’s POV*****

Bumaba na kami pagkatapos naming mag-usap ni Rosing. Kasama pa rin naming si Jonathan.

Agad kaming pinatipon sa isang session hall.

“Nakikita niyo ba ang wall na ‘yan?” ani ni Ma’am Cortez. “Matagal nang naming ginagawa na maglagay na kahit ano sa freedom wall na ‘yan.”

Lumingon ako sa sinasabi niyang wall. Nakita ko kaagad ang puting pader na may mga sulat na.

“Pwede na po ba kaming sumulat doon?” tanong k okay Ma’am Cortez.

“Oo,” sagot naman niya.

Kaagad kaming tumayo nina Rosing at Jonathan.

“Ano’ng isusulat natin dito?” tanong ni Rosing.

“Ito. May nakasulat na MPGRMRJCFA. Siguro mga initials ‘to ng mga pangalan nila,” sabi ko.”Ilagay na lang natin ang pangalan ng grupo natin.”

Sinulat ko naman ang grupo namin, ang The MindMasters. Namimiss ko naman tuloy sina Gryn at Carlo.

“Pwede ba akong sumali sa grupo niyo?” singit ni Jonathan.

“Pwede rin, pero may qualifications,” saad ni Rosing.

===============

Naglalakad kami sa hallway para sa isang activity.

Nang nasa room 22 na kami ay bigla akong kinabahan dahil sa isang nakayukong babaeng nakaitim ang lumabas mula sa room. May biglang nagtakbuhan, may sumigaw, at meron ring mga malalakas ang loob, pero ako hindi makagalaw. Unti-unti siyang lumapit sa amin, mas lalo pa akong gininaw.

Ngunit mas lumala pa ang lahat nang nasa harap na siya naming at may ibinigay siya sa aking isang black na envelope. Marami na agad ang pumasok sa isip ko pero nabuhayan ako ng kaunti  nang naisip ko na baka parte lang ito ng activity. Agad na umalis ang black lady. Agad nagsialisin ang mga matatapang kanina.  Binuksan ko naman ang sobre.

===============

*****Gryn’s POV*****

“Aray…,” nasambit ko habang nakahawak ako sa balikat ko. Masakit kasi at maraming mga pasa.

Pero nag-aalala pa rin ako kay Carlo. Saan na kaya siya dinala ng lalaking ‘yun? At sino naman ‘yung lalaki?

Matitiis ko ang mga pasa kong ito pero hindi ko siya mapapatawad kung saktan niya ang mga kaibigan ko. Tapos sasabihin niya pang may isusunod pa raw siya. Sigurado akong sina Pauline at Rosing ‘yun. Pero paano ko naman sila mapoprotektahan?

“Gising ka nap ala,” nagulat ako nang bigla na lang siyang sumulpot.”You’re next…”

“ANO’NG GINAWA MO KAY CARLO?” hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Baka kasi may ginawa na siya kay Carlo.

“Pinatay ko na siya. Para mabilis, hindi ba?” sabi niya at bigla na lang tumulo ang luhako nang nakita kong may hawak siyang kutsilyo at may dugo ang kamay niya.

“Walang hiya ka!” sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin akong umiiyak.

“Wala talaga,” sabi pa niya. “Gusto mo ikaw ang sunod?”

===============

*****Pauline’s POV*****

Bakit kaya biglang pumasok sa isip ko sina Gryn at Carlo? Sana okay lang sila ngayon.

“Sino ang nakakuha ng Black na envelope?” tanong sa amin ng facilitator nang patipunin kaming muli sa session hall. Nakakainis talaga!

“Ako po,” sabi ko naman habang nakataas ang kamay at nakasimangot.

“Halika ditto,” tumayo naman ako at pumunta sa tabi niya. “Ano’ng nakasulat sa sobre, Pauline?” nalaman niya ang pangalan ko dahil may mga name tag kami.

’Congratulations! You’ve passed!’”  naiinis kong ani. “Ano po ba ang ibig sabihin nito? Niloloko mo po ba ako? Matapos mo kaming takutin, ito pa ang gagawin mo sa amin?”

“Hindi naman sa ganoon, ang gusto ko lang malaman ninyo na dapat ay harapin natin ang mga kinatatakutan natin. Face all your fears, ika nga,” sabi niya. Nakakinis na nga, dadagdagan pa niya ng nakakairitang pangaral. “At si Pauline lang ang may lakas ng loob na gawin ‘yun,” at agad na nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng palakpakan nila.

“Umupo ka na,” agad kung sinunod ang sabi ng facilitator sa akin.

“Ang galling mo kanina,” natatawang asar sa akin ni Rosing na katabi ko lang. “Ano ba ang sikreto mo at nagawa mo ‘yun?”

Biglang tumahimik ang mundo ko dahil sa sinabi ni Rosing. Sikreto? Marami nap ala akong sikreto na hindi naibabahagi sa kanila. Pero sikreto nga, ‘di ba? Ikaw lang ang nakakalam. Makakagiba ba ang mga sikreto sa isang pagkakaibigan?

“Speechless ka?” nagulat ako kay Rosing nang kinalabit niya ako.

“Ha? A-ano, hindi ako nakaalis kanina dahil sa sobrang takot. Alam mo na, hindi ako makagalaw kapag kinakabahan ako,” wika ko.

===============

*****Gryn’s POV*****

Palapit siya nang palapit sa akin habang may hawak ng kutsilyo. Naramdaman ko rin na bumilis ang tibok ng puso ko.

“Maawa po kayo,” mangiyak-ngiyak kong sambit.

“May gusto ka pang sabihin?” tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. Hindi ko pa gusting mamatay.

Ngunit nawalan ako ng pag-asa nang itinutok na niya ang kutsilyo sa akin.

“Pauline…,” napapikit ako pero patuloy pa ring lumalabas ang luha mula sa mata ko.

Bigla na lang may sumakit sa balikat ko at naramdaman ko rin ang likidong dumadaloy mula sa balikat hanggang sa braso ko. Pagkatapos noon ay nawalan na ako ng malay…

================================

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon