Chapter 8- Inspector Dela Cruz

47 4 2
                                    

*****Rosing’s POV*****

                “Ang hyper mo kanina sa audition,” ani ni Gryn sa akin. Kasama pa rin namin ang taksil naming kaibigan, si Pauline. Panay ang buntot niya sa amin simula kanina.

                “Ganun talga kapag genius,” sabi ko naman kay Gryn.

                “E, ba’t ba kasi masyadong madami ang sinalihan mo? May declamation, Kundiman, Extemporaneous speaking, Chorale at Hiphop?” tanong ni Pauline sa akin ngunit hindi ko lang siya pinansin.

                Agad namang kinuha ni Gryn si Pauline at itinakbo.

                “Bumalik ka dito Gryn. Baka…,” hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Baka kasi malaman rin ni Pauline at baka mapaano rin si Gryn o baka, magkasabwat rin silang dalawa. Hay, ano ba ‘to?

                Pumunta na lang ako sa canteen. Gutom lang siguro ‘to dahil na rin sa audition.

*****Gryn’s POV*****

                Kaming dalawa lang ni Pauline sa classroom. Nagsiuwian na rin kasi ang iba pagkatapos ng audition. Dumudilim na rin kasi. Malapit na sigurong gumabi kaya pinaandar ko ang mga ilaw pero bakit ayaw umandar?

                “Brown-out ba?” tanong ko.

                “Ewan,” sabi rin ni Pauline.” Nakakatakot naman nito. Ang lamig-lamig na nga wala pang ilaw.”

                Totoo naman ang sinasabi ni Pauline. Ang malala lang ay dahil may tunog pang ginagawa ang hangin.

                “Lumabas na lang tayo,” sabi ko sa kasama ko.

                Pagkalabas naming ay nakita naming wala ng tao sa canteen, wala na rin si Rosing. Dumudilim na rin.

                “Bukas na lang kita kakausapin. Gabi na rin kasi,” sabi ko kay Pauline.

                “Pilipino ka nga talaga. May mañana habit ka rin. Sige bukas 

                Nakakatakot rin ang pagsigaw niya.

                “Umuwi na kayo!” galit na sabi sa amin ng guard. Agad naman siya naming sinunod.

                Habang nasa labas na humuhintay ng tricycle ay biglang tumawag sa akin si P/Insp. Dela Cruz.

                “Hello po,” sabi ko sa telepono.

                “Mauna na ako, Gryn,” ang epal ni Pauline.

                “Nasaan ka ngayon, Gryn?” tanong ng nasa telepono.

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon