Chapter 4- Sobre

68 7 3
                                    

*****Gryn's POV*****

                Ibinigay na naming kay P/Insp. Dela Cruz ang envelope na nakita naming sa ilalim ng mesa.

                Ano kaya ang ibig sabihin ng 'Makakaganti rin ako sa inyo'? Sigurado akong may masa malalim pa itong ibig-sabihin.

                Ganti? Sa inyo?

 

                Sino naman kaya ang gaganti sa amin?

          Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming kaaway. Hindi lang ako sigurado kung may naiinggit ba  sa amin.

               

                Pero parang alam ko kung sino...

                Bakit ang sama ng tingin sa amin nina Ellen, Raychelle at Xienna, 'yung 4th, 5th at 6th sa First Grading?

*****Antonio Dela Cruz's POV*****

                'Makakaganti rin ako sa inyo. - MNFJ'

 

                'Yan ang nakasulat sa loob ng sobre na ibinigay nina Gryn sa akin.

                Sino kaya itong si MNFJ?

=============

                Pumunta ako sa paaralan.

                Pagkadating ko doon ay naabutan ko si Ma'am Cortez.

                "Antonio, bakit ka nandito?" tanong niya sa akin nang makita niya ako.

                "May itatanong lang po sana ako," sabi ko.

                "Tara, sa loob tayo mag-usap," ani niya rin.

                Sabay kaming lumakad papunta sa faculty room.

*****Pauline's POV*****

                "Nandito na naman si Mr. Dela Cruz," ani ko nang makitang kasama ni Ms. Cortez ang pulis.

               

                "Asahan mo nang nandito siya palagi," ani ni Gryn.

               "Bakit ka naman tahimik diyan , Rosing?" pag-iiba ko ng usapan nang makitang nakatulala si Rosing na para bang malalim ang kanyang iniisip.

                "Siyempre si Carlo na 'yan," pang-aasar ni Gryn.

                Tumawa pa ako ng saglit.

                "Hoy, Rosing. Baka mapaano pa si Carlo sa kaiisip mo sa kanya!" sabi ni Gryn.

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon