******Rosing's POV******
Tulungan mo ako, Rosing, Gryn.
Hindi ko na makaya ang mga pagpapahirap niya sa akin.
Nandito na siya. Aaaaahhh!
================
“Carlo?” sigaw ko. Panaginip lang pala.
“Makatulog nga ulit. Baka may sasabihin pa siya,” sabi ko ulit.
Humiga nga ako at nakatulog.
Pagkalipas ng 30 minuto…
Bumangon ako ulit. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko kasi ulit napanaginipan si Carlo. Nakakainis! Nagsayang lang ako ng oras. And speaking of oras… tumingin ako sa alarm clock.
“7:28 na?” sigaw ko. “Hoy, bakit hindi ka nag-alarm?” sigaw ko ulit na tumutukoy na sa alarm clock. “Mali-late na naman ako tuloy!”
8:02 AM- ‘yan ang oras nang makarating na ako sa school. Dinalian ko lang talaga ang paghahanda ko pero dinamihan ko pa rin ang almusal ko. ‘Yan kasi ang payo sa akin ni Gryn. Natatandaan mo pa ba?
Pumasok na lang ako sa aming classroom na parang walang guro.
“Yes, Madam Ledesma?” tanong sa akin ni Ms. Cortez. Siyempre, nagulat ako. Tawagin ba naman akong “Madam”. It’s a pleasure for me to hear. Pero bakit tinatawanan ako ng classmates ko, excluding Gryn and Pauline?
Hindi ko muna pinansin si Ma’am ngunit nilapitan niya pa rin ako.
“Pumunta ka mamaya sa faculty room, ha?” bulong niya sa akin.
Sinimangotan ko na lang siya at agad siyang nagpatuloy sa pagkaklase.
===============
Nandito na naman kami ulit sa lamesa naming. Bakit kaya hindi na naman nagsasalita sina Gryn at Pauline?
“Alam niyo ba, nanaginip ako kanina?” pagsisimula ko.
“Hindi kami interisado sa panaginip mo,” walang-ganang sabi ni Pauline. Ano kaya ang iniisip nila?
“E, paano kung tungkol ito kay Carlo?” ani ko ulit.
“Ha?” sabay na sigaw ng dalawa. Sa wakas napasalita ko na rin sila.
