Chapter 14- Lumang Bahay

17 3 0
                                        

*****Pauline’s POV*****

“Ano ba kasi ang kaylangan mo sa amin?” tanong ko kay Jonathan na siyang kumakalakad sa amin ni Rosing.

“Huwag na ngang marami pang tanong. Sumama na lang kayo,” sabi niya sa amin.

“E, baka naman ikaw ang dumukot kina Carlo at Gryn? Isusunod mo ba kami?” tanong ni Rosing sa kanya. Agad naming kinuha ni Rosing ang kanyang kamay, at ako na rin.

“Wala ba kayong tiwala sa ‘kin?” tanong ni Jonathan sa aming dalawa. Wala rin kaming magawa. Mabait rin naman siya. Hindi niya naman kami siguro sasaktan kaya sumama na lang kami sa kanya.

Lumalakad na kami nang bigla na lang kaming huminto sa isang funeraria.

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ko agad kay Jonathan ng huminto siya.

“Magpapa-embalsamo, gusto mo?” tumingin sa akin si Rosing. “E, ano ba talaga ang ginagawa natin dito,  Jonathan?”

“Ang totoo niyan, nagpahinga lang muna ako. Hindi pa dito ang pupuntahan natin, doon pa,” sagot ni Jonathan sabay turo sa malayo.

“Ang layo naman,” reklamo ni Rosing. “Hindi ako pwedeng mapagod. Baka mabawasan ang IQ ko.”

“Edi huwag ka na lang sumama,” saad ni Jonathan. Nakita kong sumimangot si Rosing.

“Dapat pala nag-tricycle na lang tayo,” ano ko naman.

“E, bakit ba nagta-tricycle lang kayo? Mayaman naman kayo, ‘di ba?” tanong sa amin ni Jonathan.

“Gusto kasi ng mga parents namin kapag nakikita kaming sumasakay sa tricycle,” sabi ni Rosing.

“Tara na doon,” saad ko.

“Lalakad ba tayo?” tanong ni Jonathan.

“Oo,” sagot ko.

===============

Nakarating na rin kami sa isang bahay, isang lumang bahay.

“So, ano na ang gagawin natin?” ani ni Rosing.

“Nakikita niyo ba ‘yan?” tanong sa amin ni Jonathan na nakaturo sa bahay.

“Siyempre, hindi naman kami bulag,” si Rosing.

“Papasok tayo diyan,” saad ni Jonathan. Nagtaka nga ako. “Huwag kayong mag-alala, walang may nagmamay-ari nito.”

Agad naming binuksan ang blue na gate at pumasok. Masasabi mo ring matagal nang nakatayo ang bahay dahil makikita mo ring luma na ang mga materyales na ginamit.

Nasa tapat na kami ng bahay. Pagkabukas namin ng pinto ay lumiwanag kaagad ang loob dahil sa ilaw na nagmula sa labas. Pormal na kaming pumasok at lumibot sa lumang bahay. Teka lang pala, ano naman kaya ang gagawin namin dito?

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon