"Dad Salutatorian po ako!" Masaya kong sabi kay Daddy.
"Mas mataas ka lang ng bahagya sa amin ng Mommy mo," sabi niya.
"Ano po ba ang honor mo noong elementary ka?" tanong ko.
"Wala, pero Third Honorable Mention ako at 4th Honorable Mention ang Mommy mo noong High School kami. Bale, 5th at 6th," sagot niya sa aking tanong.
"At tsaka madami rin kaming mga happy memories especially sa mga friends naming noon," dagdag pa ni Mommy na may dala-dalang juice at chips.
"Ah, oo. Natatandaan mo pa noong nahuli tayo ng adviser natin na nagche-cheat noong 1st year tayo? Kinabahan talaga ako noon," natatawang saad ni Daddy.
"Eh kasi grabe kung tumanong si Cherry, ang lakas ng boses! At pati na rin si John Felix kung makaagaw ng papel! Hahaha!" malakas ang tinig ni Mommy habang sinasabi niya ito, naexcite siguro.
"Eh, tayo ba? Parang Hari at Reyna ng CHEATING! Kaya nga nagkatuluyan tayo, 'di ba? Bagay kasi tayo. Hari ako, reyna ka," biglang seryosong sabi ni Daddy.
"Ang corny mo Daddy, ah. At ito naming si Mommy, parang lamok kung kiligin," pagpuputol ko ng kanilang usapan. Ang killjoy ko.
"Lamok talaga?" ani ni Mommy.
Tumawa pa kami ni Daddy.
"Eh sino naman po 'yung mga kaibigan niyo?" bigla kong tanong sa kanilang dalawa.
===============
First day ko ngayon sa high school. Excited na ako.
Agad kong hinanap kung saan ang kwarto ng Grade 7- A.
Ito, nahanap ko na. Kaagad naman akong pumasok at kumuha ng pwesto para umupo.
Maya-maya’y dumating na ang adviser naming at agad rin siyang nagpakilala.
“Introduce yourselves, now,” biglaan niyang sabi sa amin.
Isa-isa naman kaming nagpakilala at pagkatapos nun ay may nakaagaw sa akin na pansin na tatlong apelyido. Familiar kasi.
Kaylangan ko silang maging kaibigan. Baka importante sila sa pamilya naming.
==================================================
Huwag pong kalimutang mag-comment. Thank you po.