*****Gryn’s PO V*****
Kinakabahan pa rin ako sa kalagayan ni Inspector Dela Cruz. Sana buhay pa siya. Mawawala na rin kasi ang lahat ng clues kung mawawala na rin siya. Kaylangan niya pang mabuhay.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tinext na pala ako ni Ms. Cortez. Binasa ko agad ito.
FROM: Ms. Cortez
‘Nakausap mo na ba si Antonio?’
Tinawagan ko na lang siya para mas magkaintindihan kami.
Calling Ms. Cortez
09876543210
“Hello, bakit ka tumawag? Pwede namang text lang,” tanong niya over the phone.
“Para po mas maging maganda ang pag-uusap natin,” sabi ko naman. “Tungkol po kay Inspector Dela Cruz.”
“Oo. Bakit?”
“Tinawagan kop o kasi siya kaninang 6:00 PM.”
“Tinawagan ko rin siya 5:00 PM at sinagot niya naman.”
“’Yan nga po e. may sumagot naman po pero hindi siya, hindi boses niya ang narinig ko,” sabi ko.
“Ibig sabihin ba niyan…,” naputol ang sasabihin sana ng guro.
“May chance po pero huwag naman sana. Mawawalan rin po kasi tayo ng mga clues tungkol sa dumukot kay Carlo kung mawawala rin siya.”
“Hindi ‘yun ang pinoproblema ko. Pero, ano pa ba ang ang ibang rason kung bakit may ibang sumagot ng telepono niya?” tanong ng guro.
“Prank call lang po siguro ‘yun ng mga kasamahan niya sa police station,” natatawa kong sagot sa kanya.
“So masaya ka pa?”
“Sorry po.”
“Pero ano ba ang sinabi niya sa ‘yo?” biglang seryosong tanong ng guro.
“Ako na raw ang susunod,” napanghinaan ako ng loob.
===============
“Anong problema,Gryn?” tanong ni Pauline.
“Si Inspector Dela Cruz kasi,” nasambit ko.