******Rosing's POV*****
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa naging resulta. Bakit wala ako sa Top 10?
"Hindi mo ba nakita ang pangalan mo sa Top 10?" nabigla ako kay Dane. Nababasa niya ba ang isip ko?
Tiningnan ko na lang siya. Agad siyang yumuko.
"Bakit wala pa ang first honor natin? Hindi naman siya nalilate at tsaka bakit naman siya aabsent?" narinig kong sabi ni Gryn.
Nakita ko namang malungkot si Pauline. Ngayon ko lang siya nakitang malungkot, umiiyak. Hindi naman siya ganito noong Grade 7 kami. Ngayon lang yata e. I feel pity on her.
"Okay ka lang ba? Anong problema?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin siyang umiiyak.
"W-wala 'to. Paba-baya-an mo muna ako," utal-utal niyang sagot dala ng kanyang pag-iyak.
Hindi ko na nga siya pinansin.
"Parents 'yun ni Carlo 'di ba?" tanong ni Gryn sa aming dalawa ni Pauline.
Tumingin ako sa labas at nakita kong kausap ni Ms. Cortez ang mga magulang ni Carlo.
Ano naman kaya ang gagawin nila dito? Ah, wala nga pala si Carlo ngayon. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
"Bakit ka naman umiiyak diyan?" nagtatakang tanong ni Gryn kay Pauline na mas lumala pa ang pag-iyak.
Gusto ko na siyang sampalin! Hindi na maganda ang gingawa niyang tunog! Umiiyak nang walang dahilan!
"Pabayaan mo na muna siya!" napataas ang boses ko nang sinabi ko ito kay Gryn.
Pagkatapos ko siyang sabihan ay pumunta siya agad sa tapat ng pintuan ng aming classroom.
Para siyang chismoso dahil nakikinig pala siya sa usapan nina Ms. Cortez at mga magulang ni Carlo, sina Marites at Paolo.
Ngunit nabigla kami nang sinabi niyang:
"Nawawala raw si Carlo!"
Ha? Paano at bakit? Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Sana maayos lang siya ngayon...
=================
*****Carlo's POV*****
Hindi ako makapaniwala. Nasaan na ako?
*FLASHBACK*
Tumingin kami sa Top Ten ng First Grading Period. Nakita kong nabigla si Rosing. Siguro nakita niyang wala siya sa listahan. Umaasa naman siya siguro. Self-proclaimed genius kasi!