Chapter 10- Blue Notebook

33 3 0
                                    

*****Pauline's POV*****

'Ang matibay na samahan, ‘di dapat pag-aksayahan

Ito’y magandang regalo na dapat nating ingatan.

Magkakaibigang tunay na siya rin ang gumagabay,

Upang mas maging Masaya ang ating mga pamumuhay.

 

Simula pa noong una hanggang sa oras na ito.

Hinding-hindi magbabago ang pagtrato ko sa inyo.

Kayo’y aking mga regalo na siyang handog ng Maykapal,

Upang mas pagbubutihin ang aking mga itatanghal.

 

Sa lahat ng mga problema, hatid niyo pa rin ay ngiti,

Kaya ang dagok sa buhay, madali nang isantabi.

Sa bawat ninyong pagtawa, dulot sa akin saya

Na siyang naging inspiration sa paggising ko sa kama.

 

Kaya salamat sa inyo, sa pagdating sa aking buhay.

Sa magandang nangyaring nakapagwala ng lumbay

Magkakaibigang tunay na siya rin ang gumagabay,

Upang mas maging Masaya ang ating mga pamumuhay.'

‘Yan ang nakasulat sa likurang bahagi ng notebook ni Carlo na nakuha raw ni Gryn galling kay Inspector Dela Cruz. E, nawawala ‘yun ah.



“Ang corny talaga ni carlo,” ani ni Rosing matapos niyang mabasa ang ginawa ni Carlo.



“Baka ang pagka-corny niya pa nga ang magpapaibig sa iyo,” asar ko sa kanya. “Hindi mo masasabi.”



“E bakit ang tahimik mo ngayon Gryn? Himala, hindi mo yata trip na mang-asar ngayon,” pag-iiba ng usapan ni Rosing. Napakamisteryoso kasi ngayon ni Gryn. Bakit kaya?



“Saan mo ba nakuha ang notebook na ‘to ni Carlo?” tanong ko sa tahimik ngayong si Gryn ngunit hindi pa rin niya ako sinagot. Hay, naku…


*****Gryn’s POV*****
“Ano po ba ang gagawin mo kung alam mo na na mamamatay ka?” tanong ko kay Ms. Cortez.

“Tungkol ba ‘to sa sinabi sa iyo ng misteryosong lalake na sumagot sa tawag mo kay Antonio?” tanong rin ni Ms. Cortez.



“Opo. At meron ring ibinigay sa akin si Inspector Antonio na isang sobre at notebook. Nakalagay sa sobre na mag-iingat daw ako at ako na raw ang susunod.”



“E, nasaan na ‘yun?”



“Nasa akin po ang sobre pero… hahanapin ko lang po ang notebook.”


*****Rosing’s POV*****
“Saan nab a pumunta si Gryn? Ba’t wala pa siya ngayon?” tanong sa akin ni Pauline.



“E, ba’t ako ang tinatanong mo? Secretary niya ba ako?” saad ko naman sa kanya. “Buksan na lang natin ang notebook ni Carlo.”



“Huwag! Alam mo naman na napakaayaw niyang buksan o galawin man lang ang mga gamit niya,” saad ni Pauline.



“Pero bakit kaya nakalagay sa likod ng notebook niya ang poem na ‘to?” pagtataka ko.



“At paano kaya nakuha ‘to ni Inspector Dela Cruz?” pagdududa rin ni Pauline.



Maya-maya ay pumasok na sa classroom na nakangiti si Gryn. Napaka-weird.



“Nakita niyo ba ang notebook ni Carlo?” tanong niya sa amin ni Pauline. Nakakapanibago. Kanina hindi ‘to kumikibo ah.



“Oo. Nandito sa amin,” sagot naman ni Pauline.



“Pwede bang buksan ‘to?” tanong k okay Gryn.

“Akin na nga ‘yan” sabi ni Gryn sabay kuha kay Pauline ang notebook.

*****Gryn’s POV*****

“Punta tayo sa faculty room,” sabi ko sa dalawa kong kasama.

“Ano naman ang gagawin mo doon?” tanong sa akin ni Rosing.

“Basta,” matipi kong sagot sa kanya.

Wala silang magawa kung hindi samahan ako papuntang Faculty Room.

Pagkadating ko doon ay agad akong pumasok.

===============

“Saan na ‘yung notebook ni Carlo?” tanong sa akin ni Rosing.

“Inilagay ko na kung saan siya nababagay,” sagot ko naman sa kanya.

“Saan? Sa basurahan ba?” tanong niya ulit.

“Bakit kung nandoon ba sa basurahan, kukunin mo para malaman lang ang laman ng notebook?” asar ko sa kanya.

“Ano ka ba Rosing?” saad ni Pauline.

“Genius!” sagot niya naman.

Napatawa kami ng  saglit ni Pauline.

“Hindi mo pa ba nage-gets ang ibig sabihin ni Gryn? Genius pa ba ‘yan?” tanong ulit ni Pauline kay Rosing ngunit sinungitan pa siya ni Rosing.

“Gryn, halika muna dito,” narinig kong sabi ni Ms. Cortez.

Agad akong tumayo dahil sa sinabi ng aming guro at pumunta sa kanya.

“Ano po ba ‘yun?” tanong ko kay Ms. Cortez.



“Tungkol kay Antonio,” sabi naman ng guro.



May ipinakita siya sa akin na isang text message at nabigla ako.

Totoo ba ‘tong nakita ko?

====================================

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon