Chapter 11- Palengke

34 3 0
                                    

*****Gryn's POV*****

Sabi nga ni Ms. Cortez, i-enjoy ko na lang daw ang buhay ko ngayon. Maging masaya lang daw ako. E, paano 'to? Sa nalaman ko kagabi, paano pa ako magiging masaya? At exam pa pala bukas...

*****Pauline's POV*****

"Nakapag-review ka ba, Rosing? Tanong ko kay Rosing. Hindi ko na pinansin si Gryn. Alam ko naming nakapag-aral siya.

"Hindi na kailangan," sagot niya naman sa akin. Ang yabang talaga.

Maya-maya'y dumating na si Ms. Cortez upang bantayan kami sa pagkuha ng exam.

"Magsisimula na ang exam natin. Umupo na kayo," sabi niya.

===============

"Grabe kanina si Rosing," ani ko.

"Ano naman ba ang ginawa niya?" tanong ni Gryn.

"Siyempre, nangopya na naman. May iba pa ba siyang alam gawin maliban sa pangongopya kapag exam?" saad ko.

"Akala ko ba nakapag-aral ka. Sabi mo 'di ba?" asar pa ni Gryn.

Gaya ng dati, masama ang tingin sa amin ni Rosing.

================

*****Gryn's POV*****

Hay, natapos na rin ang exam pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko...

*FLASHBACK*

Tinawag ako ni Ms. Cortez...

"Ano po ba 'yun?" tanong ko kay Ms. Cortez.

"Tungkol kay Antonio," sabi naman ng guro.

May ipinakita siya sa akin na isang text message at nabigla ako.

Totoo ba 'tong nakita ko?

'Patay na po si Antonio. Nakita na po namin ang bangkay niya.'

 

'Yan ang ibinigay na mensahe kay Ms. Cortez. Galing ito sa isang pulis.

*End of FLASHBACK*

Tinawagan ko muli si Ms. Cortez.

"Hello po. Good evening," pagbabati ko kay Ms. Cortez.

"Ano 'yun, Gryn?" sabi niya sa akin.

"Alam niyo po ba kung saan ang bangkay ni Inspector Antonio?"

===============

Agad akong pumunta sa kung saan naroroon ang bangkay ni Inspector Dela Cruz na sinabi sa akin ni Ms. Cortez.

Pagkatapos ng halos sampung minute na pagsakay sa tricycle, nakaabot na rin ako sa isang mataong lugar. May nakita akong may maliwanag na ilaw. Alam ko na na may nakahayang patay dito. Agad naman akong pumasok.

"Hello po. Ako po si Gryn Salas," sabi ko sa isang babae.

Masama ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. 

"Sino po ba kayo? Bakit po ganyan ang tingin niyo sa akin?" sunod-sunod kong tanong sa babae.

"Asawa ko si Antonio," sabi niya. Nagsimula na rin ang kanyang pag-iyak. "Namatay siya na puro pangalan mo lang ang sinasabi!"

"Ibig sabihin po ba niyan, nagseselos po kayo sa akin? Naiinggit?" saad ko.

"Meron ding araw na pangalang Carlo naman ang sinasambit niya. Meron ding Marites, Paolo, Grenda, Randy, Max, Rose, Josuel at Cherry. Hindi ko talaga malilimutan 'yun," dagdag pa ng asawa ni Inspector Antonio.

Hindi na ako nagulat na iniisip ni Inspector Dela Cruz si Carlo. Pero... Grenda, Randy? Mama't Papa ko 'yun. At 'yung iba, parang familiar din.

===============

"Congrats, Gryn," nakangiting bati sa akin ni Pauline. Kabaliktaran naman ang mukha ni Rosing.

"Ano ba'ng meron?" tanong ko kay Pauline nagtataka kasi ako kung bakit niya ako binati.

"Ikaw 'yung first honor sa Second Grading!" sigaw sa akin ni Pauline. Na-excite siguro.

Pero... ako 'yung first honor? Familiar ang pangyayaring ito. Nangyari na rin ito kay Carlo!

===============

Galling ako sa paaralan. Nasa tapat ng bahay ako ngayon. Pumasok na ako na parang, wala lang. agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis.

Lumabas na ako upang mag-merienda. Nakalimutan ko na nga na first honor pala ako. Dahil siguro gutom na gutom na ako.

"Anak, sasama ka bas a akin? Manggo-grocery ako," saad sa akin ni Mama.

"Sige po," agad akong tumayo at sumama kay Mama.

===============

Pagkadating namin ni Mama sa grocery store ay agad akong namili ng gusto ko.

Pumunta na kami sa counter pagkatapos mamili.

₱ 1,276.65- 'yan ang total ng mga pinamili namin. Depende kung mauubos ba naming 'to.

Lumabas na kami sa grocery store at pumunta na sa palengke.

"Bumili ka muna dun ng sibuyas at kamatis, anak," sabi sa akin ni Mama.

Agad naman akong sumunod sa pakiusap niya pero masyadong malayo pa ang pupuntahan ko.

Madilim ang nilalakaran ko kasi walang tao doon nang naramdaman ko ang lamig ng hangin. Saan ba galling 'to?

Pero mas kinabahan pa ako nang naramdaman ko rin na may parang... sumusunod sa akin.

Walang takot akong lumingon at nakita kong wala naming tao, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Malapit na sana ako sa bibilhan ko nang biglang may naririnig naman akong footsteps. Nilingon ko ito ulit.

"Sino ka?" nasambit ko pero agad niya ring tinakpan ang bibig ko at naramdaman ko na lang na nanghihina na pala ako.

======================================

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon