Chapter 5- The Search for MNFJ

62 3 4
                                    

*****Gryn’s POV*****

                “Hahaha! Ang galing mo kanina, ah,” pang-aasar sa akin ni Rosing. Hay, buhay nga naman. Kanina ako sa kanya ang nang-aasar pero, ngayon siya naman.

                “’Yan talaga ‘pag hindi ka nakikinig,” saad naman ni Pauline.

                               

                “Oo nga. Mabuti pa ako, attentive. Kaya nga nagging genius ako, ‘di ba?” sabi ni Rosing. Nagsisimula na naman siya. Walang araw na hindi siya ganito, nagfe-feeling genius.

                “Pero ano ba talagang iniisip mo kanina?” tanong sa akin ni Pauline.

                “Si MNFJ,” sagot ko sa kanya.

                “Ah,” nasambit ni Pauline.

                “Sino kaya si MNFJ? Let me think,” ani ni Rosing. “According to my observation, MNFJ has 4 letters so, ibig sabihin…,” naputol ang kanyang pagsasalita.

                “Ano!?” sabay naming sigaw ni Pauline.

                “Hindi ko rin alam. Kayo na lang ang mag-isip. Top 10 naman kayo, ‘di ba?” ani niya. Sa totoo lang, medyo mataas ko pero ganyan naman talaga, walang kang may mapapala kay Rosing kundi pagmamayabang lang.

                “Mabuti pa nga kayo, Top Ten. E, ako, bakit wala? I did my best naman pero wala talaga. Ano bang problema sa akin? Sa pag-aakala ko nga, nagkamali lang sila ng pag-compute ng mga grades ko. Genius naman ako, ‘di ba?” nasabi ni Rosing habang pinipigilan ko lang ang sarili sa pagtawa. Ganun rin si Pauline.

                “Hay, marami ka naman bang nakain kaya ganyan ka na naman?” saad ni Pauline.

                “Medyo konti nga lang, e. nagda-diet na kasi ako,” sabi ni Rosing.

                “Ang mapapayo ko lang sa iyo, huwag ka munang magdiet. Hindi ‘yan maganda ‘pag bata pa,” ani ko.

                “Oo nga. I-enjoy mo lang ang mga pagkain mo at baka mabawasan pa ang IQ mo dahil sa gutom,” dagdag pa ni Pauline.

                “Talaga? Sige, susundin ko ‘yan para mas tumaas pa ang IQ ko,” ani ni Rosing. Gagawin niya talaga ang lahat para mas tumaas daw ang IQ niya. Hindi pa nga siguro nakaabot ng 100 ang IQ niya, kung sino na siya kung magmayabang.

                “Pero makabalik nga tayo kay MNFJ. May kilala ba kayong ganun?” tanong sa amin ni Pauline.

 

                Ikaw, may kilala ka bang MNFJ?

*****Antonio Dela Cruz’s POV*****

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon