<Kristine's POV>
Nagmamadali akong lumabas ng office ni Vincent matapos ang nangyaring argumento. Hindi ako makapaniwala na nakita niya kami kagabi, ako at ang pamilya ko. Yun pa naman ang isa sa mga iniiwasan ko, ang kilalanin ako dahil sa pera ng tatay ko. Mas lalong hindi ako makapaniwala na tinawag niya akong sinungaling sa pagtatago nang kung sino ako..."Sino ba siya sa akala niya sa buhay ko?", naalala ko na naman ang nangyari kagabi, ang mga rebelasyon ng tatay ko. Sa mga dahilan na naging daan kung paano napaikot noon ang buhay namin.
"This will be our new home" sobrang pagkagulat ang nakita ko sa mukha nang lahat nang sabihin ito ni Daddy. Nilibot ko ang paningin ko sa labas ng buong kabahayan. Malaki ito at mataas. Yun bang pang pelikula ang itsura. Mula sa gate na may sensor sa kung sinong ang dadating at kusang bubukas ay malaking lawn ang makikita mo sa gitna. Sa pina ka gitna ay may fountain. Paikot ang driveway papunta sa main door ng bahay. May hagdanan na may baitang na hindi hihigit sa sampu at may mga halaman sa parehong gilid niyon. Sa mga libro, magazines, internet at TV lang ako nakakita ng aktuwal na bahay na ganito. Hindi ko inaakalang makikita ko ito sa personal at mukhang dito pa kami titira.
"Charles hindi pa natin nakakausap ang mga bata sa desisyon nila" ungot ni Mamshie. Alam ko na bago sa lahat mas lalo sa kanya kung dito kami titira at siya ang ituturing na reyna ng bahay na ito. Hindi sanay sa magarbong kagamitan at bagay bagay si Mamshie, at lumaki kami na normal sa amin ang tatlong silid sa bahay, maliit ng sala na nahahati sa kitchen, bathroom na toilet bowl at shower area lamang. Kung iisipin ko ngayon ay baka may mga katulong kami na magsisilbi sa amin jan sa loob, kung kami nga ay titira jan. Baka sampu ang room, malalaki at dala dalawa ang kitchen, dining room pati living room at maaring pati ang malaking bathroom ay may bath tub. "Hindi maikakaila iyon! Parang The Kardashians ganern "
"Ah yeah, let's all go up stairs. We should talk about all of this inside" sumunod kami sa kanya ng ngpatiuna siyang maglakad. Sa pag akyat pa lang namin ay may mga limang kasambahay ang nagsilabasan. May tatlo ding kalalakihan ang nasa hilera ng mga babae.
Ang apat na kasama namin na naka suot ng black suits ay mukhang body guards niya sapagkat lagi silang nakasunod saan man siya magpunta. "Gaano ba siya kayaman? Matagal na ba siyang ganyan at hindi alam ng mamshie?"
" Maring, sila ang sinasabi kong pamilya ko." sabi niya sa pinaka unang babae sa hilera. "Magandang gabi po, Mam Imee" pagbati ng tinawag niyang Aling Maring.
"Sila nman ang mga anak ko, ito si Veronica ang panganay ko. Ito naman si Germaine, second ko at ang pangatlo at bunso sa babae ay si Kristine, at ang nagiisang lalaki na anak ko, si Mark." turo niya isa isa sa amin.
"Magandang gabi po Mam Veronica, Mam Germaine, Mam Kristine at Sir Mark. Sila nman po ang mga kasama ko dito sa bahay, ito si Hena at Jaica sila ang mga nasa kusina. Ito nman po si Lina at Sonia, ang mga taga pag linis. Ako po ang sa mga labahin at sa ibang personal na iuutos sa akin. "
"Ang mga lalaki po na kasama ko ang siyang sa garden at sa swimming pool minsan pati po sa pagddrive ay maari sila." dagdag pa ni Aling Maring.
"Salamat, Maring. Maari na kayong magpahinga kung kayo ay tapos na sa inyong gawain. Dito tayo sa library" sabi nman ni Daddy. Sumunod kami, nalagpasan na min ang parang maikling hallway mula sa pinto, tumambad sa amin ang malaking espasyo na may round table at malaking vase sa gitna. Sa pinaka gitna ay siyang hagdanan papunta sa 2nd floor ng bahay, makintab iyon at may pulang carpet mula sa kinatatayuan ng round table hanggang sa tuktok siguro ng hagdan. Sa kaliwa niyon ay malaking espasyo na may mga sofa at sobrang malaking chandelier sa taas. Marami ding mga estante sa gilid gilid ng natitiyak kong living room. Sa bandang kaliwa naman ay may tatlong pintuan, pumasok si Daddy sa pinaka gitna kaya sumunod kami.
BINABASA MO ANG
A Girl like YOU
Roman d'amourWhat if you found out that the person you are in love with is an EXCEPTION to all the man you can fall in love with? What will you do when you found out that the only girl you love, couldn't love you back? #tagalogenglish #asotpusa #nakakakilig #awa...