Nandito kami nakatunganga sa room habang iniintay ang ipapagawa ng subject teacher namin sa english."Ok since alam ko na di kayo papayag pagpinagsulat ko kayo magpakilala na lang kayong lahat", sabi ng teacher namin.
"Maam kilala na naman natin ang isa't isa... Magtatapos na ang klase imposibleng hindi", sagot ng president namin.
"Magapapakilala kayo kasama ang dream nyo. Tulad ng nauso na hi i'm say your name your future say your dream.. Got it?" Paliwanag ni maam saamin.
"Ah ok po maam game kami dyan basta di nyo kami pagsusulatin", pagsang-ayon ng mga kaklase ko.
"So let's start simulan natin sa unahan", paninimula ni maam.
Hala paano yan anong sasabihin ko eh andami dami kong pamgarap gusto ko na mag engineer,teacher,psychiatrist,artista kung papalarin atgusto kong maging jowa ni crush hihihi landi ba?... Tinignan ko ang crush kong si Louie... Matagal ko na syang crush simula pa lang noong elementary hanggang ngayong high school na kami. Tingin mo pa lang alam mo na matalino sya at masipag isa sa mga katangiang gusto ko sa kanya.
"Ok ms. Montecarlos ikaw na", tawag ni maam saakin.
"Uhmm.. Hi i'm Pewila Montercarlos Louie's future ex jowa", pakilala ko na ikatawa ng lahat.
"Bakit naman ex agad di ka naman nya jowa?" Pagttanong nung isa kong kaklase.
"Sobrang advance ko mag-isip alam kong pag naging kami maghihiwalay rin naman kami." Paliwanag ko.
"Hooo the best ka talaga Pewila", hiyaw ng isa kong kaklase.
Bigla namang tumayo si Louie na ikinagulat ko dahil papalapit sya saakin.
"At sino namang may sabing future ex jowa kita?" Seryosong tabong nya saakin.
"A..ko ka..kasabi ko lang ah", nagpuputol-putol na sagot ko.
"Mali ang conclusion mo Pew", seryosong sabi nya.
Bakit mali? Kasi ba hindi talaga magiging kami? Hayss alam ko na naman eh..
"Alam ko hindi naman talaga magiging tayo", mahinang sagot ko.
"Mali kasi.... Future wife na kita", sabi nya kasabay ng hiyawan ng mga kaklase ko..
"Yieeee boooomm.. Lampo", sigaw ng mga kaklase ko.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"Haylabyu.." Sabi nya na ikinapula ng dalawa kong pisngi.
"Matagal na kitang gusto Pew simula noong elementary pa lang tayo.. Natatakot akong umamin sayo kasi.. Kasi baka ireject mo lang ako.. Pro since na alam ko na may mutual understanding tayo gaamitan ko na ang oras na ito para umamin.. Pewila Montefalco I really really like you no I love you... So Pew can I court you?" Tanong nya kasabay ng malakas na hiyawan ng mga walang hiya kong kaklase na sinamahan na ang aming guro... At dahilan kung bakit ako kinililig ngayon..
"Hi I'm Louie Fernandez, Pewila's future husband".
Sorry sa typos, wrong spelling, wrong grammar and sorry kung di sya ganon kaganda di tulad ng gawa ng ibang writter.. Ito lang talaga ang keri ng powers ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories