"Uy Ken meet my first boyfriend Carlo. Carlo meet my bestfriend Ken", natutuwang pakilala ko sa una kong boyfriend sa matalik kong kaibigan."Hi bro.. Ingatan mo yang kaibigan ko ha?! Ginto ko yan kaya ingatan mo pag yan sinaltan mo naku makakatikim ka talaga saakin", sabi ni Ken na may kasama pang pagtapik ng kamay sa balikat ng boyfriend ko.
"Makakaasa ka pre", sagot naman ni Carlo.
Simula noong naging kami ay di ko na masyadong nakakausap si Ken.
"Uy Kaila tara sabay na tayong kumain ng lunch nag luto ng masarap na ulam si mommy para saatin", aya ni Ken sa akin na mabilis kong tinanggihan.
"Sorry Ken pero na ngako ako kay Carlo na sasabayan ko sya ngayon eh", pagtatanggi ko sabay labas agad ng room
Nagdaan ang mga araw at unti-unti kaming nagkakalabuan ni Carlo. Paulit-ulit lang kaming nagtatalo sa isang maliit na bagay. Hanggang sa umabot na nga kami sa hiwalayan at dahil si Carlo ang una ko iniyakan ko sya ng iniyakan at si Ken agad ang nilapitan ko.
"Ken bakit ganon ang sakit sakit nagmahal lang naman ako di ba?! May masama ba akong ginawa? May mali ba saakin. May kulang pa ba? Sana naman ipaiintindi nya saakin di ba?!" Naiiyak na sabi ko kay Ken
"Shhhh.. Tahan na Kaila walang kulang at mali sayo sadyang loko lang talaga si Carlo. Tama na sayang luha mo...Kung ako na lang kasi ang minahal mo", sabi ni Len kaso di ko na narinig ang huli nyang sinabi.
--------------------------
Hanggang sa nagkaroon na ulit ako ng bago at agad ko na namang ipinakilala sa bestfriend kong si Ken.
"Sigurado ka na ba sa kanya? Mukhang loko-loko ang isang iyan eh", sabi nya.
"Trust me Ken di yan katulad ni Carlo", pagpapanatag ko ng loob nya.
"Bahala ka ikaw rin basta pinapaalalahanan na kita na sasaktan ka rin nyan mukha pa lang di na katiwala-tiwala", paalala nya na tinanguan ko lang at di pinansin.
Hanggang sa nangyari mga ang sinasabi ni Ken niloko ako ng pangalawa kong boyfriend. Agad na ulit akong lumapit kay Ken.
"Nakakainis na naloko na naman ako ang tang* tang* ko talaga Ken nakakainis bakit ba ang bobo ko", iyak na sabi ko na naman kay Ken.
"Shh.. Tahan na di ba sinabi ko naman sayo", sabi nya.
"Kung ako na lang kasi hinding hindi kita sasaktan", dugtong nya kaso di ko nanaman narinig.
"Huh?" Tanong ko.
"Wala", sagot nya at pinagpatuloy ang pagpapatahan saakin.
----------------------------
At sa pangatlong pagkakataon nagkaroon ulit ako ng jowa at ganon na naman ang nangyari nagloko sya at iniwan ako.
Wala akong ibang nilapitan kundi si Ken.
"Ken, bakit ganon tadhana ko na ba ito ayoko na lagi na lang akong iniiwan at sinasaktan pagod na ako ayoko na", iyak ng iyak na sabi ko.
"Kung ayaw mo na mas ayoko ka na at kung pagod ka na mas pagod na ako, Kaila", sabi nya sa malamig na boses.
"H...huh anong...i...big mong sa...bihin?" Nalilitong tanong ko.
"Ewan ko sayo Kaila kung manhid ka ba o sadyang tang* ka nga lang.. Ako itong nasa harapan mo pero di mo pinapansin. Ako yung laging nasa tabi mo pero laging dedma. Pagod na ako Kaila pagod na akong iparamdam sayo na gusto kita.. Ayoko na suko na ako... Kasi Kaila alam mo ang sakit sakit na ako itong araw-araw na nagpapansin sayo di mo makita. Pero yung iba nakikita mo.. Kaila Mahal kita pero pagod na ako patawad", naiyak na paliwanag ni Ken sabay takbo paalis.
Naiwan akong nag-iisa dito at pinaprocess ang mga sinabi ni Ken kanina saakin.. Oo nga pala si Len ang nagiging takbuhan ko pagluhaan ako.. Si Ken na walang ginawa kundi icomfort ako. Si Ken na laging nandyan para saakin. Si Ken na ginawa kundi ang mahalin ako... Pero bakit di ko nakita agad si Ken?
Ps. Sorry sa lahat ng mali di ko na kasi na checheck eh
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories