Nauuso na naman ngayong yung post na 'I am a victim of' na yan kaya I try. Kasi alam nyo na pag nauuso makijoin na pang tayo parang bandwagon. So yung nga pinost ko na yung own version ko ng I am a victim of.I am a victim of your promises and sweet talks.
Like|Comment|Share
Pagkapost ko non ay agad akong naglog out ng facebook account ko at ginawa ang mga assignments ko. Pagkatapos kong gawin yung mga gawain ko ay agad akong nag open ng facebook ko at nagulat ako dahil andaming nagnotif saakin. Pero iisa lang ang nakaagaw ng pansin ko.
Kleo commented on your post.
Agad ko itong tiningnan. Di naman sa sya yung pinaparinigan ko pero parang ganun na nga. Alam nyo kasi napakapafall ng lalaking iyan.
Kala mo m.u kayo as in mutual understanding pero malanding ugnayan lang pala. Matapos kong mafall iniwan nya na lang ako.
Kleo Alfonso
Usap tayo bukas
Like|ReplyTssss usap usap his face. Paasa syang kutong lupa sya. Noon napakasweet nya talaga sakin alam yung parang kami pero walang label hanggang dumating yung araw na di nya na ako pinansin.
Nakita ko rin yung ibang notif at tungkol lahat yun sa pagmemention ng magagaling kong kaibigan sa kanya. Nakita ko rin ang message nya.
Kleo Alfonso
Active 4m ago👦🏻: Bukas ng umaga pagdating mo sa school iintayin kita sa may gate.
Tsss as if namang sisiputin ko sya manigas sya dyan neknek nya. Dahil sa puro na lang sya ang laman ng fb ko ay agad ko na itong ni log out at natulog na lang.
Pero sa kasamaang palad hanggang pagtulog ba naman ay nandon sya. Sya ang napanaginipan ko kainis. Agad naman akong gumising sa bangungot na iyon.
Kinabukasan papasok pa lang ako ng gate ay agad ko syang nakita sa harap ng gate na parang may inaantay. Tss di ba may bago na yan asa namang may gusto pa yan saakin pinaaasa nya na naman ako. Ako naman ting eng eng umasa. Nakakabaliw ano?
Papasok na sana ako ng gate ng bigla na lang nya akong hinarangan at hinila kung saan kaya naman nagpumiglas ako.
"Ano ba saan mo ba ako dadalhin... Tama na nga Kleo", pagpupumiglas ko habang diretso lang sya sa paghila saakin hanggang na punta kami sa garden at doon kami tumigil.
"Jane.." Tawag nya sa pangalan ko.
"Tama na Kleo kung iyang sasabihin ay puro walang kwenta wag munang sabihin. Ayaw ko ng umasa at lalong mafall sayo." Paliwanag ko.
"No let me explain first Jane promise last na to", sabi nya.
"Fine! Yan ka na naman sa promise mo eh! Nakakainis ka na alam mo yun! Lalo na yang mga promise mo na napapako!" Sabi ko sa kanya na paiyak na kaya naman agad nya akong yinapos.
"Sorry Jane kung nasasaktan ka na. Sorry kung akala mo pafall ako at pinapaasa lang kita sa mga walang katuturan kong pangako. Sorry for all the damages Jane. Lahat ng mga chat, sinasabi at pinapakita ko sayo noon lahat yun totoo. May gusto ako sayo Jane no mali mahal kita Jane.Pero may isa kasing mahalagang tao na pinangakuan ko eh", paliwanag nya.
"Sino ba yan at mukhang mas mahalaga pa saakin?" Tanong ko habang naiyak.
"Ang Daddy mo", sagot nya na nagpalito saakin.
"At ano naman yun?" Tanong ko habang yakap yakap nya pa rin.
"Sabi kasi ng Daddy mo saakin tsaka na daw kita ligawan pag tapos na tayong mag-aral pag may mapapatunayan na daw ako. Huwag daw ako mag-alala kasi pag dumating na ang time na yun sisiguraduhin daw ng Daddy mo na rayo ang magkakatuluyan sa huli kahit anong mangyari. Kaya naman nagako ako sa kanya at nilayuan muna kita. Sorry Jane pero kailangan eh. Pero di ko alam kung matutupad ko ba ang pangako ko sa Daddy mo kasi sa tuwing may lumalapit sayo na lalaki naiinis ako feeling ko kayang kaya ka nilang agawin sakin. Kaya ewan ko kung matutupad ko kasi gusto na agad kitang itali saakin at itago para ako lang ang makakita sayo kaso tuwing naiisip ko yung naiisip ko rin yung pangako ko sa Daddy mo. Di mo alam kung gaano ako nagpigil para lang matupad ko ang pangako ko sa Daddy mo. Hindi ko naman dapat sasabihin ito sayo kasi makulit ka at natatakot ako nakagalitan mo ako to the point na mawala na yang feelings mo para saakin. Handa naman akong mag-intay Jane sana ganon ka din", paliwanag nya saakin.
At dahil doon ay lalo nya akong pinahanga at lalao akong nahulog sa kanya.
"Oo Kleo aantayin ko yang tamang panahon na yan. Pero sana samahan mo ako habang nag-iintay. Sabay tayong mag-intay", sabi ko sa kanya.
"Oo sasamahan kita.... I promise love", sabi nya.
Ps. Sorry sa typos, wrong grammar and wrong spelling.. Kung pangit man ang istorya na nagawa ko ay pasensya na ito lang kinaya ng powers ko. Sorry at ngayon lamang ulit ako nag update medyo busy kasi eh.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories