FANGIRL

14 1 0
                                    



"Bilisan mo Jovelyn Eliseo baka di na natin maabutan yung limited edition na t-shirt ng paborito nating banda", Pagmamadali saakin ng kaibigan ko.

"Heto na at nagmamadali na nga ho", sagot ko habang inaayos ang porma ko.

Simple lang naman ang porma ko naka blue tshirt ako na pinaresan ng maong at rubber shoes.

"Tara na Kylie at baka maunahan na tayo", Aya ko sa kaibigan ko.

Nagmadali kami sa pag-alis ayaw naming maunahan sa pagbili ng limited edition na damit ng kinababaliwan naming banda. Unti lang ang inilabas nila na damit at gagamitin daw yun tuwing mayroon silang concert. Syempre ako bilang fangirl ay todo bili at support lang sa kanila.

Nakadating kami sa nasabing mall na pinagbebentahan ng tshirt agad naming hinanap ang shop na mapagbibilhan. Nakita agad ito ni Kylie kaso sobrang daming nakapila at nabili ng damit na gusto namin.

"Hay naku Jove sabi ko naman sayo bilisan mo sa pagkilos mo at mauunahan tayo eh", iritadong sabi ni Kylie.

"Sorry na", paghingi ko ng pasensya.

Di na ako inaway ni Kylie inuna na muna namin ang pagbili sa tshirt. Luckily may dalawa pang natitirang damit. Agad na kinuha ni Kylie ang isa at dali daling tumakbo sa cashier para bayaran ang damit.

Habang ang isang damit naman ay dinampot ng isang lalaki. Pupunta na sana ng cashier si kuya pero hinarangan ko ito. Di mo mapagkakaila na gwapo si kuya plus the fact na ang bango nya.

"Done smelling me miss?" Tanong ni kuya.

"Huh? Pasensya na", agad naman akong napayuko dahil sa kagagahan na aking nagawa.

"What do you need?" Tanong nya.

"Uhm.. Kasi kuya andito ko para magmakaawa na akin na lang ang damit na yan pleaseeee kuya", pagmamakaawa ko.

"Ah sorry to say pero ayoko", sagot nya.

"Kuya naman eh... Alam mo bang pangarap ko ang magkaroon ng limited edition na damit ng favorite boy band ko kaya please kuya..." Patuloy na pagamamakaawa ko sa kanya.

"Miss, di lang ikaw ang may pangarap nan as a fanboy ganyan din ang pangarap ko", sabi nya.

"Kuya naman eh... Gagawin ko ang lahat ng gusto mong ipagawa ibigay mo lang saakin ang damit na yan." Pagmamakaawa ko ulit but this time ginamitan ko na ng charm ko.

"Lahat? You mean kahit ano?" Tanong nya.

"Yep, basta mapasaakin lang ang damit na na yan", nangingislap na matang sabi ko.

"Makukuha mo pa ito ng libre kung papayag ka sa iuutos ko." Sagot nya.

"Kahit ano pa yan kuya para sa damit na yan kakatanin ko." Matapang na sabi ko.

Oo desperada na akong makuha ang damit na yon sa kanya.

"Be my girlfriend then." Malinaw na utos nya na ikinalaglag ng panga ko.

"Really? Eh di pa nga kita nakikilala kuya eh. Tsaka ngayon pa lang kita nakita malay ko ba kung mabait na boyfriend ka." Sagot ko.

Grabe di porket gwapo ka kuya oo na agad ang isasagot ko sayo kuya.

"Then di ko na ibibigay itong damit sa iyo." Pagbabanta nya saakin.

Hala namerns kaulangan ko ng damit na iyon baka ilang years pa ulit bago sila maglabas ng bagong damit.. Tsaka ayokong palagpasin ang limited edition na gamit nila.

Agad namang umalis si kuya at nagpunta sa cashier tsaka nya binayaran yung damit. Palabas na sya ng botique ng habulin ko sya at tawagin.

"Kuya.. Kuyang pogi na mabango." Sigaw ko.

Agad naman syang lumingon at tumigil. Naglakad naman ako papunta sa kanya.

"Joke kuya papayag na akong maging girlfriend mo basta amin na yang damit." Sabi ko

Agad nya naman akong niyakap at ibinigay ang damit.

"Thank you Jove at pumayag ka." Masayang sabi nya.

"Huh? Wait paano mo na laman ang name ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Magpapakilala muna ako sayo.. I'm Luke Motefalco your stalker and boyfriend.. Matagal na kitang kilala Jove.. Matagal na rin kitang gusto no I mean mahal. Simula noong malaman ko na fan ka ng bandang iyonn at maglalabas sila ng limited edition na damit ay dali dali akong gumawa ng paraan para mapansin mo at maging tayo.. And happily it works. So thank you and I love you Jove..Now you are my official girlfriend", Paliwanag nya naikinapula ng pisngi ko.

Ps. Sorry sa typos, wrong grammar and wrong spelling.. Kung pangit man ang istorya na nagawa ko ay pasensya na ito lang kinaya ng powers ko.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon