Tahimik akong nakatanaw sa isang lalaki at babaeng naglalampungan sa di kalayuan. Base sa nakita ko ay magkasintahan sila at mahal na mahal nila ang isa't isa. Ilang sandali lamang ay umalis na ang lalaki para bumili ng makakain nila.
Nang maghiwalay sila ay agad ko nilapitan ang lalaki.
"Ibigay mo ito sa kanya... Sabay nyong amuyin yang bulaklak pagkabigay mo sa kaniya at paniguradong tatagal ang inyong relasyon", sabi ko sa lalaki sabay bigay ng isang bulalak.
"S-sigurado ka?" Tanong ng lalaki.
"Oo naman.. Marami na yata akong nabigyan nan at lahat sila ay nauwi sa kasalan", pagmamalaking sagot ko.
"Salamat", pasasalamat nya.
"Mauna na ako", pagpapaalam ko.
"Sandali pwede ko bang makita ang pagmumukha mo?" Tanong nya.
"Hindi", mabilis na sagot ko sabay alis.
Nang makalayo-layo na ako ay hinubad ko ang hood ko. Agad naman akong humanap ng lugar kung saan makikita ko ang lalaking binigyan ko ng bulaklak.
Ginawa nya lahat ng sinabi ko. Sabay nilang nilanghap ang amoy ng bulaklak. Napangiti na naman ako sa sumunod na nangyari.
Parehas silang di na makahinga ng babae at unti-unting namimilipit sa sakit ng kanilang dibdib. At may lumalabas na ding madaming dugo sa kanilang ilong. Pinanood ko sila hanggang sa sila ay mamatay.
Isang napakagandang araw na naman ito. Dalawang tao na naman ang nadagdag sa mga listahan ng mga nalalason ko. Mga uto-uto kasi sila.
"Achlys", tawag ng isang boses.
Agad naman akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago", sabi ni Zuedon.
"Kilala mo ako Zuedon.. I'm Achlys the goddes of misery. So what do you expect na matutuwa akong manood ng mga masasayang tao?" Sabi ko at tuluyan ng umalis para humanap ng bagong mabibiktima.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories