THE WOMAN WHO CAN'T BE MOVED

8 3 0
                                    


🎶🎵'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving🎵🎶

Hanggang ngayon ay nandito pa din ako. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat sa amin. Alam kong wala na kami pero ito pa rin ako at iniintay siya. Tatlong buwan pa lang naman ang nakalipas nang maghiwalay kami kaya umaasa ako na baka naman kasi hanapin niya ako at balikan. Baka magbago pa ang isip niya at ako ang piliin niya. Ako ang balikan niya at iwan ang babaeng ngayong kapiling niya.

Baka lang naman. Wala namang masamang mag hintay 'di ba? Oo na tanga na ako. Ako na ata ng pinakatangang babae dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako. Umaasa pa rin ako. Wala eh mahal na mahal ko siya. Hulog na hulog kasi ako. Di ko alam kung paano ako babangon. Nasanay akong dumepende sa kanya. Ang hirap at ang sakit.

Pero baka isang araw ay muli niya akong balikan. Baka marealize niya na mas mahal nya ako. Kaya heto ako hindi pa rin nagmu-move on. Baka kasi pag nagmove on ako ay balikan niya ako at muli akong mahulog sa kanya sayang lang ang effort kong kalimutan siya.

"Uhm.. Maam magsasara na po kasi itong mall kailangan nyo na pong lumabas at baka hindi na kayo makalabas kasi nasarado na ang mall."

"Ah wala na po bang extension?" Naluluha kong tanong.

"Pasensya na po maam pero kailangan na po talagang magsara", tumango na lang ako at ngumiti ng mapait bago tumayo.

"Sige po salamat. Basta po kuya sabihan nyo po ako pag dumaan ang lalaki ng ito at itanong ko nasaan ako ituro mo na lang yung lugar kung saan lagi akong nakaupo", sabay pakita ko ng picture ng lalaking mahal ko at umalis na ako.

Isa na namang araw ang na sayang ko sa paghihintay ko sa kaniya. Pero sige push lang baka bukas ay balikan nya na ako. Kaya patuloy pa rin akong maghihintay. Hihintayin ko sya hanggang balikan niya ako.

Bago ako lumabas ng mall ay sumulyap muna ako sa lugar na pinaghintayan ko at ngumiti ng mapait.

Naalala ko kung paano kami unang nagkita. Parehas kaming sawi noon sa pag-ibig kasi parehas kaming pinagpalit ng mga jowa namin. Nakita ko ang  isang bench doon na  wala masyadong nakaupo sakto namang nandoon sya at kumakain ng ice cream habang tahimik na umiiyak.

Iniabot ko ang panyo ko tiningala nya naman ako bago tangganpin ang inaalok kong panyo.

"Salamat",

"Welcome",

Umupo ako sa tabi nya at inumpisahang tanungin siya.

"Bakit ka naiyak? Grabe lalaki ka pa naman feel ko tuloy beki ka."

"Nakakabakla ngang umiyak pero di ko mapigilan ang sakit eh. Ang sakit ipagpalit ng taong mahal mo sa iba",

"Bakit pinagpalit ka?"

"Oo",

"Hayaan mo naiintindihan kita. Parehas lang tayo ng sitwasyon. Pinagpalit din ako ng magaling kong boyfriend",

At parehas na kaming naiyak mabuti na lang at may tissue ako kundi mag aalaelevator ang ilong ko dahil sa kakasinghot sa sipon.

Parehas naming cinomfort ang isa't
isa. Nagpalitan din kami ng pangalan at number para naman daw maging magkaibigan kami. Naging magkaibigan nga kami hanggang naging kami. At ngayon wala na kami. Ang saya balikan ng masasayang alaala namin pero kada babalikan ko iyon ay bumabalik din ang alaalang pinagpalit nya ako.

Ang sakit isipin na ipagpapalit niya ako para lang sa ex nyang ipinagpalit sya. Oo yung babaeng naging dahilan ng pag-iyak niya sa mall ang pinili nya kaysa saakin. Binalikan kasi siya nung babae kaya ayun iniwan at pinagpalit niya ako ng ganon kadali lang.

Lagi na lang ako ipinagpapalit. May kulang ba saakin? Ano bang problema?

Pero think positive dapat tayo. Baka magising na siya sa katotohanang ako talaga ang mahal nya at maisipan nya akong balikan. Di ko pa nga tinatapon ang mga binigay niya pinepreserve ko ito. Lagi kong sinasariwa ang mga alaala naming dalawa. Lagi din akong nagpupunta sa mga memorable place para saamin. Baka kasi hinihintay niya ako kaya nagpagdesisyunan ko na hindi ako magmu-move on kasi umaaasa ako na dadating ang araw na muli niya akong babalikan at tatanggapin ko ulit siya ng walang pag-aalinlangan.
So I'm not moving.

🎶🎵'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving🎵🎶

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon