APRIL FOOLS

4 0 0
                                    


APRIL FOOLS

April fools na naman. Paniguradong maglalabasan na naman ang mga manloloko. At dahil isa ako sa manloloko ay agad kong hinanap ang phone ko.

Binuksan ko ang messenger ko at naghanap ako ng maloloko. Sakto namang nakita ko ang name ng ultimate crush kong si Nathan. Nag-isip ako ng pwede kong sabihin at ng makaisip na ako ay inistalk ko muna sya.

Mahirap na baka may jiwa na sya at maging dahilan pa ako ng break up nila at dahil ako ang magiging dahilan ng break up nila kamumuhian nya ako ng todo-todo as in todo na to!! Kaya kailangan nating mag-ingat. Ayaw kong kamuhian nya ako.

Nakita ko naman na mukhang walang sabit kaya push tayo sa panloloko or panloloko nga ba? Balak ko kasing umamin tas pag naging negative or di pumasa yung pag-amin ko ay sasabihin ko na april fools ngayon. O di ba di ako mapapahiya.

Nathan Buenaventura
Active Now

me: Hi

him: Hello

Matagal ko na talaga syang crush kaso di ako makaamin bukod sa nakakahiya magmumukha pa akong desperada. Ayokong majudge ng iba.

me: May sasabihin nga pala ako sayo.
him: Ano yun Krisha?
me: OMG! Kilala mo ako?!
him: Malamang andyan ang pangalan mo ah tsaka schoolmate kita.. Ikaw yung tatanga-tangang babae ng kabilang section.
me: Awwts.. Grabe ka di nemen mesheket yeng mge nesebe me :'<
him: Nagsasabi lang ako ng totoo
me: Ok change topic... So ayun nga maysasabihin ako.

Hooo sana makaya ko ito at sana naman di mesheket yung magiging reply nya bigla tuloy akong kinabahan pero nasimulan ko na edi tatapusin ko na ito.

him: Ano ba kasi yung sasabihin mo?
me: Hmmm.. Crush kita... Gusto kita matagal mo na akong admirer simula noong unang pasok pa lang. Araw-araw kitang sinusulyapan ng palihim. Isa ako sa mga stalker mo.. Sana may pag-asa tayo.
him: Huh? Sa panahon lang may pag-asa.
me: Joke lang.. Happy April Fools!
him: Ay akala ko totoo kasi kahit di tayo panohon may pag-asa tayo. Akala ko may mutual understanding na tayo.. Joke lang pala ang lahat ang sakit ha.
me: Ha? So you mean may gusto ka saakin?

Ha? May gusto din ba si Nathan saakin OMG... Geezz im so happy. Kaya naman nagtatalon ako sa kama dahil sa tuwa pero agad din itong napawi noong magvibrate ang cellphone ko at mabasa ang reply nya...

him: Joke... Happy April Fools din Krisha.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon