CHANGE

8 0 0
                                    


"Para sayo nga pala Andrei", sabi ko sabay abot ng cupcake at sulat.

"Salamat", bored na sabi ni Andrei.

Tinanggap nya iyon agad naman akong umalis at nagtago sa locker. Nakita ko na binigay nya sa mga kaibigan nya yung cupcake at tinapon ang letter.

Psh. Di pa ba ako nasanay araw-araw ko syang binibigyan ng love letter at mga pagkain pero anong ginagawa nya? Tinatapon yung love letter tapos pinapamigay yung cupcake.

Hayss bakit ba di pa ako natuto? Lagi na pang gano ang senaryo tuwing magbibigay ako sa kanya.

"Ano basted?" Nang-aasar na tanong ni Eve.

"Heh?! Tigilan mo ako. Palibhasa maganda ka at di mo nararanasan ang nararanasan ko", naiiyak na sabi ko.

"Hala, loka ka joke lang naman", pag-aalo ni Eve saakin.

"Ganito tutulungan kitang mag make-over. Pagagandahin kita at once na gumanda ka na dedmahin mo na si crushie... Im sure hahabulin ka non", sabi ni Eve napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa kanya.

"Sa tingin mo may igaganda pa ako sa lagay na 'to?" Medyo naiiyak kong tanong.

"Oo naman.. Ako pa trust me bessy", sabi ni Eve.

Noong matapos ang klase ay agad akong dinaan ng kaibigan ko at dinala ako sa salon.

"Oh, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Edi ano pa... Ipapaayos natin yang buhok mo", sagot nya sabay hawak sa buhok ko.

Pumasok kami sa loob at agad namang bumati ang mga tao at mga empleyado ng salin.

"Good afternoon ma'am! How can we help you?" Masiglang tanong ng bakla.

"Gusto kong pagandahin nyo itong kaibigan ko yung tipong di ko sya makikilala sa ganda nya", masayang sagot ni Eve.

"Okay ma'am mag-intay na lang po tayo", sabi ng bakla sabay assist kay Eve.

Agad naman akong pinaupo ng bakla at sinimulang ayusin ang buhok ko. Kung ano-ano ang nilagay nya sa buhok ko . Bukod kasi sa kulot at buhaghag ang buhok ko ay isa rin itong alambre na mahirap suklayin.

Natapos ang ilang oras na pagaayos ng buhok ko ko sinamahan ako ng bakla na nag-ayos saakin sa isang salamin. Halos di ko makilala ang sarili ko dahil sa ayos ng buhok ko. Gumanda ito at tumuwid.

Sumunod naman naming pinuntahan ay ang botique. Binilhan ako ni Eve ng mga dress sya lahat ang namili pati mga sapatos sya din ang namili.

Bago umuwi ay bumili na rin kami ng contact lens para daw di na ako magsalamin kulay itim pa rin naman ang contact lens na binili namin.

"Salamat Eve", pasasalamat ko bago kami umuwi.

"Ano ka ba kaibigan kita kaya dapat tinutulungan kita", sabi ni Eve.

"Oh basta pag nagkita ulit kayo ni fafa Andrei wag mo syang papansinin para makita nya yung sinayang nya", paalala ni Eve.

"Oo sige di ko kakalimutan yan", sabi ko bago humiwalay sa kanya.

Kinabukasan ay marami ang humanga saakin lahat sila ay di makapaniwala na ako ito si Isha ang nerd napatay na patay kay Andrei.

And speaking of Andrei nakita ko sya kanina pero dedmabells sya saakin. Simula ngayon di ko na sya hahabulin kung ayaw nya edi ayaw nya. Ano bang magagawa ko?

"Ano kamusta?" Bungad na tanong ni Eve.

"Ayun di makapaniwala. Hahaha", sagot ko kay Eve.

"Buti naman", sabi ni Eve.

Nagsimula na ang klase at marami pa rin ang di makapaniwala sa pagbabago ko. Napansin din nila na di ko na pinapansin si Andrei.

Nagdaan ang mga araw at hanggang ngayon di ko parin pinapansin si Andrei. Padami na din ng padami ang mga admirers ko sa school.

Hanggang isang araw naglalakad ako sa hallway papunta sa room namin ng biglang..

"Isha let's talk", seryosong sabi ni Andrei.

"Ayoko", pagtanggi ko.

"Sa ayaw mo at sa gusto mo sasama ka saakin", sabi nya sabay hila saakin.

"Ano ba Andrei nasasaktan ako!" Galit na sabi ko.

"Bakit ako ba hindi nasasaktan?!" Sigaw na tanong ni Andrei.

Dinala nya ako sa likod ng school kung saan wala masyadong tao o let me say na wala talagang tao kundi kaming dalawa lang.

"Hindi ba ako nasasaktan Isha?! Bakit bigla kang nag bago", naiiyak na sabi nya sabay pating ng ulo nya sa balikat ko.

"Ang sakit Isha sa tueing nakikita ko na ibang lalaking lumalapit sayo.. Sa tuwing may nagbibigay sayo ng mga flowers at chocolate." Naiyak na sabi nya.

"Kasalanan mo lahat ng ito kung bakit ako nagpaganda at kung bakit ako nagbago. Para sayo lahat ng ito. Para mapansin mo ako", naiiyak na sabi ko.

"Hindi mo kailangang magpaganda dahil noong unang kita ko pa lang sayo gusto na kita. Gustong gusto.. Lahat ng binibigay mong letter na akala mo ay tinatapon ko kinukuha ko lahat ng iyon pag umaalis ka na at tsaka yung mga cupcake kinakain ko lahat ng iyon pag di ka na nakalingon binabawi ko sa kanila yun", paliwanag nya.

"Bakit?*sob* Bakit?" Tanong ko.

"Dahil GUSTO KITA. Ayokong ipakita yun sayo kasi ayokong maging sagabal sa pag-abot ng mga pangarap mo gusto kong magfocus ka sa academics at hindi saakin tsaka ayoko ng ikaw ang nanliligaw saakin. Gusto ko ako mismo ang nanliligaw sa isang babae. Kasi babae ka at ang babae ay pinaghihirapan muna bago makuha. Gusto kong magfocus ka sa study mo kasi ngayon pa nga lang ay napapabayaan mo na ang pag-aaral mo paano ba kaya pag naging tayo na baka di ka na mag-aral nyan", mahabang paliwanag nya.

"Sorry", tanging nasabi ko.

"Now gusto kog bumalik ka sa dating ikaw sa nerd na ikaw Isha. Gusto kong ako lang ang nakakkita ng ganda mo ayoko ng may mga kaagaw sayo. Gusto ko saakin ka lang kahit na wala pang salitang tayo.. Dahil iintayin pa kitang makatapos sa pag-aaral bago maging tayo. Handa akong maghintay sana ganon ka din Isha", sabi nya.

"Oo Andrei babalik na ako sa dating ako basta akin ka lang din at oo handa akong maghintay.." Sagot ko habang magkayakap kami.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon