Bored na bored ako ngayon dito sa bahay. Kaya naman naisipan kong magbukas ng facebook. Nag scroll-scroll lang ako. Hanggang sa maagaw ng pansin ko ang post ng bestfriend ko.
Achlys Lorence
Depress:'<
haha 54|15comments|Share
Nagreact na rin ako ng haha at nag comment pa.
Juvie Lamine
Ano bessy nakikiuso ka na?Madami pa ang ibang nagcomment kadalasan ay mga classmate namin. Paano ba naman sya made-depress eh ang jolly-jolly nya sa room. Napakahyper pa ng babaeng yan.
Kinabukasan ay pumasok kami sa school. Bumungad agad saamin ang madaming gawain. Puro pasahan. Kaya naman lahat kami ay nagkukumahog gumawa.
Lahat kami ay busing-busy. Sa kasagsagan ng kabusyhan ko ay nilapitan ako ni Achlys.
"Bessy pwede ba tayong mag-usap. Wala kasi akong mapaglabasan nito. Hindi ko kayang sarilihin. Nadedepress ako", malungkot na sabi ni Achlys.
"Jusko bessy andaming gawain wala pa ako na gagawa miski isa. Tsaka ano na namang arte yan. Nakikiuso ka ba? Bessy mamaya na ang arte madami pa tayong ginagawa", sabi ko sabay talikod sa kanya.
Magaling kasing actress yang best friend ko lagi yang best actress sa anumang dramang sinasalihan nya. Tsaka mahilig din yang maki inn kaya hindi ako masyadong naniniwala dyan. Tsaka depress daw sya eh nagagawa nya pa ngang tumawa dyan.
Lumipas ang mga araw at puro kadramahan ni bessy ang laman ng news feed ko. Ewan ko ba kung depress talaga ang babaeng ito.
Hanggang sa nagsunod-sunod na ang pag-absent nya na ipinagtaka naming lahat. Hindi kasi sya pala absent hanggang kaya nyang pumasok ay pumapasok sya.
"Hoy Juvie! Asan na ba si Achlys bakit laging absent ang babaeng iyon?" Tanong ng isa naming kaklase.
"Ewan ko nga din don pupuntahan ko na lang sya mamaya", sagot ko.
Matapos ang klase ay dumiretso ako sa bahay nila Achlys.
"Iha hindi nya nga binubuksan ang kwarto nya kagabi ba mabuti pang akyatin mo na lang sya at katukin pag di ka nya pinagbuksan ito ang susi buksan mo na lang ang kwarto nya", sabi ng yaya nila sabay abot ng susi.
Agad ko namang pinuntahan ang kwarto ni Achlys.
"Hoy bessy.. Buskan mo ang pinto ako ito ang kaibigan mo si Juvie", savi ko sabay katok sa kwarto nya.
Patuloy lang ako sa pagkatok hanggang umabot na ako ng sampung minuto sa labas ng kwarto nya kakakatok. Kaya naman napagpasyahan kong buksan ang kwarto nya.
Pagkabukas ko ay laking gulat ko sa nakita ko. Agad nagbagsakan ang mga luha ko kasabay ng malakas na pagsigaw ko.
"BESSYYYY!" Sigaw ko.
Agad namang naglapitan ang kanilang mga kasambahay kaya naman nagulat din sila sa kanilang nakita. Walang buhay na nakabigti si Achlys sa loob ng kanyang kwarto.
May nakita naman akong maliit na piraso ng papel sa kanyang kama. Agad ko namang kinuha yun at napansin kong may nakasulat doon.
Manang maari nyo po bang ibigay ito kay Juvie. Huwag nyo po sana itong basahin hayaan nyo pong si Juvie ang magbasa.
Hi Juvie! Patawad at di man lang ako nakapagpaalam sayo. Baka kasi maabala kita alam ko namang busy ka dahil sa dami ng requirments natin. Noong panahon na nagpopost ako sa facebook ng kadramahan ay totoo lahat ng iyon. Hindi ko na nakayanan kaya naman nagpakamatay na lang ako. Feeling ko ang dumi-dumi ko na dahil sa walang hiya kong ama-amahan. Paulit-ulit nya akong pinagsamantalahan. Halos araw-araw nya akong ginagamit. Hindi ko na nakayanan lalo na ng madiskubre kong nagbuga ang pananamantala nya saakin. Sobra-sobra na sya. Patawad bessy. Hayaan mo na lang sana akong mamatay dahil hindi ko na kaya. Ayoko na. Patawad talaga. Paalam na bessy salamat sa lahat.
Maganda mong kaibigan,
AchlysAgad naman akong napahagulgol sa nabasa ko. Sana pala naniwala ako sa kanya edi sana hindi pa umabot sa ganito ang lahat. Sising sisi ako sana pala pinakinggan ko na lang sya. Tama nga sila nasa huli ang pagsisi. Patawad Achlys... Patawad..
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories