"Ok.... Irene at Jacob kayo ang ipanglalaban ng section natin para sa papalapit na Mr and Ms. Intramurals. Wag nyo sanang ipahiya ang section natin ipanalo nyo ang laban", pag-aannounce ni maam.
Agad naman akong nagulat kasi kami ni Jacob ang panlaban e di naman kami ganon kaclose baka magkailangan kami.
"Hi Irene!" Bati ni Jacob.
"Hello", sagot ko.
"Ahmm nga pala malapit na yung intrams one week na lang din. Kailangan nating gumawa ng performance natin ng magkasama... Kaya pwede ko bang makuha ang number mo?" Tanong nya.
"Sure.. Ito itext mo na lang ako 09*********", sagot ko.
"Ok sige text text na lang", sabi ni Jacob na tinanguan ko lang.
Nag-uwian na at agad akong umuwi sa bahay para sabihin kay mama na kasali ulit ako sa intrams. Lagi na akong sumasali sa mga pageant at sa kabutihang palad ay nanalo ako kung hindi ako ang champion isa ako sa mga runner up.
Noong maibalita ko kay mama ay natuwa sya agad naman akong pumunta sa kwarto ko para makapagbihis. Bigla naman tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko agad ito.
From: 09*********
Hi Irene.. Ako ito si Jacob.. I just want to inform you na magsisimula na tayong magpractice bukas. Salamat and good afternoon.
Agad ko namang sinave ang number nya at nireplyan sya.
To: Jacob
Ah ok.. Salamat sa pag-iinform.
Pagkatapos non ay agad naman akong humilata sa kama. Bigla naman ulit tumunog hudyat na may nagtext na naman.
From: Jacob
Tsaka baka may alam ka na pwede nating iperform dalawa magpractice na rin tayo kung paano dapat tayo kikilos.
Agad naman din akong nagreply.
To: Jacob
Dance na lang tayo di ako marunong kumanta eh.
Nagpatuloy-tuloy pa ang pagtetext namin hanggang umabot na ng 11:00 pm. Nag-usap kami tungkol sa pageant at mga random na bagay.
Agad namang napalagay ang loob ko sa kanya dahil hindi lang sya gwapo, gentleman pa sya at caring.
Kinabukasan ay nagsimula kaming magpractice na pagkasunduan namin na hiphop ang sayawin namin kaya ito todo practice kami.
Nagdaan pa ang mga araw at lalo syang sumweet kada umaga ay mag good morning ako sa kanya. Lagi nya rin akong sinasabayan kumain.
"Uy Irene tara sabay na tayo magpunta sa canteen", aya ni Jacob.
"Sige tara na", sabi ko.
Sabay kaming punta ng canteen at bumili ako ng hotdog habang sya ay tinapay lang.
Habang kumakain ako ng hotdog ay di maiwasan na malaguan ng ketchup ang gilid ng aking labi.
"Para ka talagang bata Irene", natatawang sabi nya.
"Ako na ang magpupunas", dagdag nya pa sabay punas sa ketchup na nasa mukha ko gamit ang panyo nya. Marami ang nakakita kaya naman ay marami din ang nagbulungan.
'Sila na?'
'Sweet naman ni Jacob'
'Sana all'
Ilan sa mga bulong na narinig ko.
Hanggang nahulog ako sa kanya. At dumating na nga ang intrams na inaabangan namin.
"Kinakabahan ako Jacob", sabi ko.
"Kaya mo yan nandito lang ako sa likod mo susuporta sayo", pagpapalakas nya ng loob ko.
"Salamat", pasasalamat ko.
"Salamat din at nakilala kita Irene", sabi nya na ikinapula ng mukha ko. Enebe bat ka ganyan Jacob..
Nagsimula ang pageant at naging maayos ang takbo nito. Madami din ang naging supporters namin ni Jacob.
Gumanda din ang performance namin. Maayos din ang sagot namin sa question and answer.
Hanggang sa iannounce na kami nga ang nanalo. Sa sobrang saya at pagkabigla ay nayakap ako ni Jacob ng mahigpit.
"Yesss! Nanalo tayo Irene!" Masayang sabi nya.
"Oo nga.. Congrats aa atin", sabi ko.
"Nga pala may ipapakilala pala ako sayo Irene", sabi nya.
"Sino?" Tanong ko.
"Basta sumama ka na lang", sagot nya.
Bumaba kami sa stage at agad na may sumalubong saaming babae. Magandang babae.
"Babe!! Im so proud of you", masayang bati ng babae.
Teka babe? Bakit sya tinawag na babe?
"Nga pala Irene si Gene girlfriend ko at Gene ito nga pala si Irene kaibigan at kapartner ko", pakilala ni Jacob agad namang naglahad ng kamay si Gene at tinanggap ko na lang iyo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Girlfriend mo sya? P-paano ako? A-akala ko g-gusto mo ako." Naiiyak na sabi ko.
"Gusto?! Kaibigan nga lang kita Itene at si Gene ang girlfriend ko... Tsaka saan mo naman nakuha yang mga sinasabi mo?!" Inis na sabi ni Jacob.
"So ano ying pagiging sweet mo? Yung mga pagood morning at good night mo na may pakiss emoji pa?! Anong ibigsabihin ng mga iyon?! Paasa ka!" Naiyak na sabi ko.
"Gene doon ka muna let me handle this", sabi ni Jacob kay Gene tumango na lang si Gene at umalis.
"Wala akong sinabing umasa ka tsaka di ko naman sinabi na more than friends tayo", sabi nya.
"Pero nagpakita ka ng mga motibo!" Galit na sabi ko.
"Ginawa ko yun para maging close tayo at di na magkailangan para magkapagperform tayo ng ayos. Di ko sinabing mahulog ka saakin." Paliwanag nya.
"So wala lang pala yun? Ako lang pala ang marupok na nagbigay motibo at nahulog" Naiyak na sabi koko.
"Oo walang ibigsabihin ang mga iyon. Kasalanan mo na nahulog ka at di ko na kasalanan kung narupok ka!" Sabi nya sabay walk out.
Habang ako ito naiiwang naiyak at walang magawa. Di pa rin ako makapaniwala. Bakit ba binigyan ko ng mga meaning ang mga ginagawa nya? Bakit ba ako nahulog? Bakit kasi ang rupok-rupok ko. Dapat pala noong umpisa pa lang tinanong ko na kung ano ba talaga kami. Dapat alam ko ang limitation ko para di ako nasasaktan ng ganito.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories