Kinakabahan ako hoooo. Enebe nemen kese eh. Kailangan kong kunin ang number ni crushie para saaming project. You know para makapagplano sa future charot para pagplanuhan ang project namin sa A.P keme kese eng megkepertner eh.
"Uhm... Llyod" nahihiyang tawag ko.
"Oh bakit Eunice?" Tanong nya.
"Kese ene eh.. Kukunin ko sana yung contact number mo para mabili kaming makakapagcommunicate sayo para sa gagawin nating project." Sagot ko.
"Ah ok.. Hmmm ano nga ulit yung number ko.. Ah ito 09*********" Sabi ni Lloyd.
"Ah sige salamat.. Text or tawagan na lang kita pag kailangan", nahihiyang sabi ko.
"Kahit hindi naman kailangan", mahinang sabi nya kaya naman di ko narinig.
"H-huh?" Nauutal na tanong ko.
"Wala ang sabi ko any time you can call or text me", sagot nya sabay gulo ng buhok ko.
Kaya naman ng mag-uwian ay may nhiti ako sa labi ko. Agad ko din namang sinave yung number sya na may pangalang 'Best C' pero dapat best crush kaso baka may makakita mabuking pa ako.
Si Lena lang naman ang may alam na crush ko si Llyod the rest wala.. Wala silang alam.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagpaload at tinawagan si Lena di ko kayang kimkimin ang kilig na ito. Kyaaaaaah.
Hinanap ko ang name nya best f kasi ang name nya sa phonebook ko at ng may makita agad akong best ay agad kong tinawagan. Alam ko naman na lagi syang una pag sa phonebook ko.
Tinapat ko agad yung cellphone ko sa tenga ko. At noong sandaling sinagot ng kabilang linya ang tawag ko ay agad na akong nagsalita.
"Kyaaaah... Lena di ka maniniwala sa sasabihin ko kyaaaah. Binigay ni Lloyd saakin yung number nya.. Kyaaaaah. Siya talaga ang best crush forever ko", kinikilig na bungad ko kay Lena. Inantay ko syang magsalita pero wala kaya nagsimula ulit akong nagsalita.
"Alam mo napakafriendly nya pala oh may gosh.. Tapos tapos ginulo nya pa yung hair ko kyaaaaa.." Kinikilig pang sabi ko.
"Di ko alam pero di ko na lang ata sya crush baka more than pa doon.. Kyaaaah I can't take it anymore para akong sasabog sa tuwa for the first time nalaman ko ang number ni crush.kyaah", dagdag ko pa.
"Hello Lena? Hanu na bakit wala ka atang side comments ngayon? Andyan ka pa ba? Hello?" Tanong ko. Kanina pa kasi sya walang imik nasanay kasi ako na madami syang side comments pero iba ata ngayon.
Tiningnan ko kung tama ba ang number na tinatawagan ko kasi baka mali. At laking gulat ko ng mali nga si LLOYD ang tinatawagan ko gosh super nakakahiya.
"Uhm.. Hehehehe.. Sorry wrong number", nahihiyang sabi ko. Papatayin ko na sana kaso bigla syang nag salita.
"Don't worry the feeling is mutual", sabi nya. Pagtapos nyang sabihin yon ay agad ko ng pinatay ang tawag.
Nagpagulong-gulong naman ako sa kama ko.Anim na salita lang iyon pero nagdulot ng saakin ng sobrang kilig kyaaa.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories