Nandito ako at nag-iintay ng bus na sasakyan papunta ng school. Ilang minuto lang ang makalipas ay may dumating na kaagad na bus.Medyo madami na ang laman ng bus pero di pa naman ito puno. Humanap ako ng maaari kong upuan. At kung sinuswerta nga naman ako katabi pa ng long time crush kong si Daniel.
Di ko na pinalagpas ang pagkakataon at agad akong umupo sa tabi nya. Natutulog sya at may nakasalpak na earphone sa kanyang tenga. Pinagmasadan ko sya. Kahit na natutulog ay ganon pa rin sya kagwapo sino naman ang di magkakagusto sa lalaking ito na ubod ng gwapo.
Matagal na akong may lihim na pagtingin sa kanya. Simula ata ng makilala ko sya ay naging crush ko na agad sya. Habang pinagmamasadan ko sya ay may naisip akong gawin.
Aamin ako sa kanya. Since na di ako katulad ng ibang babae na kayang magconfess sa kanya ng harapan ito na lang ang gagawin ko magcoconfess ako sa kanya habang tulog sya. Sasamantalahin ko na ang pagakakataong ito.
"Ahmm.. Daniel?" Tawag ko sa kanya. Tinitingnan ko muna kung talaga bang tulog sya mahirap na at baka pumalpak pa ako. Ng masiguro kong tulog nga sya ay agad ko ng isinagawa ang binabalak kong pag-amin.
"Uhmm.. Hi Daniel... Ako nga pala si Nica Padilla isa sa mga babaeng humahanga sayo.. Actually matagal na akong may gusto sayo di ko lang maamin kasi nahihiya ako sayo... Since na tulog ka naman ay sasamantalahin ko ana ang otas na ito para umamin sayo.. Daniel matagal na kitang gusto.. I love you Daniel", pag-amin ko at hahalikan ko na sana siya kaso bigla naman syang nagising.
Naiwan sa ere ang mga labi ko na handa ng humalik. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. At dahil sa kahihiyan ay agad akong bumaba ng bus.
"MANONG DITO NA LANG PO AKO!" sigaw ko.
Agad namang tumigil ang bus bago pa makapagsalita si Daniel au agad na akong bumaba ng bus. Huli na ng malaman ko na malayo pa sa school ang binabaan ko. Wala pa yaa ako sa kalahati. Mukhang malayo pa naman ang sususnod na bus station.
Bigla namang may tumulo sa akin na patak ng tubig. Agad akong napalingon sa taas at nakitang makulimlim na at mukhang uulan pa.
"Aish bakit kasi ang bobo bobo mo Nica", sabi ko sa sarili ko..
Ito na ata ang pinaka nakakahiya at malas na araw ko. Hinalughog ko ang bag ko para maghanap ng payong pero sa kasamaang palad ay wala rin.
Bumuhos ang ulan di ko alam kung saan ako susukob dahil wala namang mapagsisilungan dito at puro halaman at damo ang makikita sa paligid. Napaupo na lang ako sa kalsada dahil sa lungkot.
Ilang sandali lang ay naramdaman kong wala ng ulan ang tumutulo sa akin. Agad akong lumingon sa taas at nakita kong may payong na nakapayong sa akin at laking gulat ko ng makita na si Daniel ang may hawak ng payong.
"Da-Daniel", nauutal na sabi ko.
"Tsk.. Bakit ka nagpapaulan? Nasaan ang payong mo?" Tanong nya sa akin.
Sa halip na sagutin ko ang tanong nya ay inignore ko ito.
"Bakit ka nandito? Diba kanina nasa bus ka pa bago ako bumaba? Don't tell me bumaba ka ng bus?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Tsss.. What do you think?", malamig na tanong nya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kasi di ko hahayaan na iwanan ako ng babaeng gusto ko lalo na at nalaman kong matagal na nya pala akong gusto. Hindi ko rin hahayaan na maulanan ang taong gusto ko I mean mahal ko pala..Matagal kong pinaghandaan ang araw na ito Nica at sa tingin ko ay ready na akong umamin sayo dahil nalaman ko na may mutual feelings pala tayo.. Kaya Nica Padilla I like you no I already love you.. So give your permission to court you Nica.. Ipinapangako ko na hindi masasayang ang pagakakataong payagan mo akong ligawan ka Nica." Pag- amin nya sa akin.
Medyo nalito pa ako kasi paano nya naman na laman na umamin ako sa kanya eh kitang-kita ko na tulog sya at nakaearphone pa. At unti-unti ko ng naintindihan.
"Hindi ka tulog noong umamin ako sayo?! At wala ring tunog ang earphone mo?!" Gulat na tanong ko.
"Yup Nica noong makita kasi kita ay nagpanggap ako na tulog at nakikinag ng music kahit di naman.. Di ko ksai lam kung paano haharap sayo", nahihiyang sabi nya.
"So Nica... Huwag na nating pahabain ito.. Can I court you?" Muli nyang tanong sa akin. Tanging tango lamang ang naisagot ko havang unti unti pang naglloloading lahat ng nangyari sa utak ko.
Ps. Sorry sa typos, wrong grammar and wrong spelling.. Kung pangit man ang istorya na nagawa ko ay pasensya na ito lang kinaya ng powers ko. Sorry at ngayon lamang ulit ako nag update medyo busy kasi eh.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories