Chapter 3:

7.7K 305 6
                                    

Euclid Astral Gemini

If there are things that I must know as I live in this facility. I think that the most important is that... I must conquer my fear.

Hinawi ko ang bintana sa aking kwarto. Kitang-kita mo ngayon ang napakalaking buwan at ang mga kumukutikutitap na mga bituwin. Hindi naman ako nagsisi ng makita ko ang pinakapaborito kong konstelasyon.

Orion's belt.

For some reason ay ito para saakin ang pinakamagandang pormasyon ng mga bituwin. Lalo na pag nasa tabi ng buwan.

Pinakinggan ko muna ang himig ng kalikasan upang masiguradong kakaunti at madalang na ang taong gising. Malamang ay tulog na nga ang iba sapagkat alas-onse na ng gabi.

Sinuot ko ang bagong uniporme kong panlaban. Isang mala-sinaunang damit na ang mga manggas ay sa papaluwang and nakapaloob sa isang medyo may kakapalang itim na leggings na hanggang dulo ang haba na itinali gamit ang belt na may lagayan ng armas. Bukod doon ay nakabota din ako at may hikaw sa aking tengang nagpapatunay na parte ako ng Elra.

Tinali ko din ang naglandas kong pilak na buhok.

Doon ay tinantya ko ang aking tatalunan mula dito sa ikatatlong palapag. Ngunit nabago iyon ng makakita ako ng isang baging sa may pader. Ipinasok ko ang kaunting parte noon at tiningnan kung matibay.

Ng masigurado, walang pagdadalawang isip ko itong hinigit at saka tumalon sa may pader. Gamit iyon bilang taban.

Napahigpit ang hawak ko sa may vines ng biglang may sumitsit na 'tila ba nanunuway. Sa baba ay nakita ko ang isang gwardia. May kasama itong isang malaking aso at ang kanyang flashlight ay nakatapat saakin.

Mabilis ang ginawa kong pagbaba. At noong mukhang sisigawan n'ya ako at nagpalabas ng batuta sa kanyang kamay ay kinabahan na ako.

Mula sa hangin ay mabilis akong kumumpas. Kumorte and hangin bilang maliliit na mahihinang air bullets. Agad ko iyong pinatama sa kanyang leeg na naging dahilan ng kanyang pagtulog. Ngayon ay nanlilisik na nakatingin saakin ang kanyang alagang aso.

Napangisi nalang ako.

Sa ilang taon kong pangnanakaw ay sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. Kaya naman kumuha ako mula sa isang bulsa ng pakain sa aso at isinaboy iyon sa paligid. Agad na kumalma ang aso. Habang ako, malaya at masayang naglalakad patungo sa gubat ng eskwelahan.

Hindi naman ako nabigo sa paghahanap ng maliit na lawa dito. Noong mga araw kasing lumipas sa t'wing tatambay ako sa mga puno ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig.

Sa isang liblib na parte ng gubat ay nagpalit ako ng damit. Nagsuot ako ng isang bestida mula sa Fathomless Pouch at nilangoy ang pwesto patungo sa gitna ng bato.

Nagindian-sit ako doon at nagmuni-muni, pinagmasdan ko ang mga kumukutikutitap na alitaptap at ang paglagaslas ng tubig mula sa gilid ng ibang bato. Bago kasi makontrol ko ng tuluyan ang kapangyarihan ko ay kaylangan ko munang dumanas ng matinding katahimikan.

Pumikit ako at unti-unting biningi ang sarili sa mga huni ng ibon at tunog ng mga sawa. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at dahan-dahang tinanggal ang pagkakabenda ng aking kamay.

Mariin akong napapikit ng maramdaman ang sakit na nagmula doon. Ngunit ng makontrol ko ang nararamdaman ay unti-unti akong nagmulat.

Isang tatak ng yin and yang ang nasa aking kamay. Isang puti, isang itim. Ngunit ang kanilang mga mata ay ginto at pilak.

Ito ang iniisip kong dahilan kung bakit marahil ako ang napili nilang gemini. May binaggit akong ilang katagang sinauna upang lumabas mula doon ang aking armas na kaya kong isummon.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon