Chapter 10:

5.9K 215 0
                                    

Euclid Astral Gemini

Siguro sa mga panahong iyon ay doon ko sinumpa ang aking sariling kapangyarihan. Ang kapangyarihang mana ko pa saaking mga ninuno.

Kaya naman hindi ko ito binuksan at ginamit sa matagal na panahon. Hanggang gusto ko muli itong subukan. Iyon ay noong nakilala ko si Khan sa lawang aking pinagkanguyan.

Niyakap ko ang mga natirang tangkay na pinagkuhanan ko ng mga talulot ng bulaklak.

"Paalam sa'yo Arkal. Hanggang sa muli." Natangis ko pading saad. "Pero sisiguraduhin kong sa muli nating pagkikita ay mapupuri mo na ako at mapagmamalaki. Sisiguraduhin kong hindi ka magsisising ibigay saakin ang pagkakataong mabuhay para saating dalawa." Nahikbi ng malakas kong sabi pero nakangiti.

hinugot ko naman ang panyo n'yang binigay saakin at pinantali iyon sa aking buhok. I ponytailed my hair up high at ginawa itong tila isang ribbon. "Hinding-hindi kita makakalimutan." Buong puso kong sambit at pinunasan ang luhang malapit nang matuyo.

Tumayo nanaman ako ay itinapon sa bangin ang lahat ng natirang tangkay. Bilang patunay na hindi ko na muling iisipin pang masamang ala-ala ang mga nangyari. Dahil alam kong sa buhay na ito, kung matagumpay man aming maililigtas ang mundo, ay sigurado akong magiging masaya din si Arkal.

Ganoon s'ya kabait at sa ganoong paran ko din ibibigay ang lahat upang maibalik ang pagmamahal n'yang ipinamalas kahit na hindi kami magkadugo.

Para sa'yo Arkal... buong puso kong gagawin ang lahat.

Masaya at nakapikit akong tumalikod. Ngunit napatigil ako sa paghakbang ng may tumawag saaking pangalan. Muli kong inikot ang aking katawan, ganoon din ang aking paningin. Nanlalaki ang mga mata kong tinanaw ang napakaliwanag na siloweta ng isang tao.

Natameme ako ng lingunin ako ng lalaking may buhok na kakulay ng sinag ng liwanag at may mga matang 'sing ganda ng araw na kulay ginto. Oo nga't mahigit na walong taon na kaming hindi nagkikita, pero kahit ganoon na katagal ang huli naming pagkikita ay tandang-tanda ko padin ang bawat detalye na nagde-depina sa kanyang mukha, sa kanyang katawan at sa kanyang anyo.

Natuod ako sa aking kinatatayuan ng unti-unti itong lumingon saakin. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ng banggitin n'ya ang aking pangalan. "Astral..."

--

Crescent Frendall Altair

"Ilog uli? I never knew that Gemini signs like rivers." Gita commented as we pass another river. Sinamaan naman s'ya ng tingin ng iba. "What? I'm just trying to lighten up the mood." Naiiling nitong sabi at napakibit balikat.

Yura from Kuya Felis' horse hissed at Kuya Gita. "Well you and your pouty mouth's not helping Gita." Away nito dito.

Naghinatay naman si Loki na makatawid kaming lahat sa kabilang dulo ng ilog. As we reached the next entrance ay ramdam mo ang pagbaba ng temperatura. It was very cold... And foggy.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Leo sa tali ng kanyang kabayo. We all stay close to each other, afraid that one may get lost. Ang pinaka-huling bagay na nais naming mangyari.

"I wonder how Loki knew kung nasaan si Euclid." said Kuya Verge na nasa bandang likod. Pabulong n'ya itong sinabi. Marahil ay dahil ayaw nitong marinig ni Loki ang kanyang mga sinasabi. He was born a hearsay-er, kaya naman hindi na ako nagtataka na nangunguna s'ya sa pagtatanong ng mga bagay na ganito. "And you Khan, paano mo nalaman na alam ni Loki?" Panggugulo nito kay Khan na nananahimik sa likod. Khan shrugged his shoulders.

"Didn't you know that Cancers have such great sixth sense?" Nakangiti naman nitong sagot. Kuya Verge just nod.

"Yes, pero hindi 'yun sigurado. You need a vast population para mapatunayan ang isang bagay." Kumikindat namang payo ni Kuya Verge na ikinairap ng madami.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon