Chapter 6:

7.3K 250 2
                                    

Sa isang parte ng gubat Altaria ay labis na naghihinagpis ang isang babaeng may katawang usok.

"Putang*na!" Inis nitong mura at sinampiga ang isang lalaking kanyang tagapagsunod. "Sino ang hampas lupang babaeng 'yon?! Ano ang kanyang kapangyarihan?! Paano n'ya nasira ang pinakainiingatan kong Casia?!" Tukoy nito sa kahoy na ginagamit n'ya upang makapagpalabas ng kapangyarihan. Hinigit n'ya sa leeg ang lalaking kanyang tagapagsunod at halos pigain na ang buhay mula rito. "Pati ang aking Teira!" Sigaw pa nito ng iabot sakanya ng isa pang alagad ang kwintas na ginagamit n'ya upang bigyang buhay ang mga bangkay na gusto n'yang gamitin.

Hindi mapagkakaila na isa s'yang duwag at magaling lamang lumaban mula sa malayo.

Unti-unting nawalan ng hininga ang lalaking hawak-hawak ng dyosang si Hera sa leeg. Sumabog ang mga mata nito at lumawit ang dila.

Tahimik na lamang namang nanood ang tagapagpayo nito sa gilid.

Hindi inaasahang ang dyosang kay bait at kay ganda noon ay maakit at tuluyang malalamon ng kadiliman. Nang dahil lamang sa isang emosyong tinatawag ng madami na pagibig.

Hindi pa nakontento ang dyosang si Hera sa pagpiga ng buhay ng lalakeng kanyang inuutusan. Inilapag nito sa lupa ang walang malay nitong katawan at ipinasok sa loob ang kanyang duguan nang kamay.

Doon ay isa-isa n'yang pinira-piraso ang lamang loob nito. Sa harap ng kanyang matandang tagapagpayo kumalat ang amoy ng masang-sang na dugo at ang mga hati-hating buto at iba pang parte ng katawan.

Napahinga na lamang ang matanda at napatingin sa buwan sa itaas.

Sana ay dumating ang araw na matigil na ang kahibangan ng reyna. Sana ay dumating ang tagapagligtas na isinaad ng propesiya.

--

Sa kabilang dako naman ng Altaria ay isang binatang lalaki ang nakasandal sa pader sa isang terasa. Doon ay pinagmamasdan n'ya ang mga bituwin.

Ang binata ay may maamong ngunit maotoridad na mukha. May gintong mga mata at 'sing pula at tamis ng mansanas na mga labi.

Ang binatang ito ay si Loki.

Napatigil s'ya sa pagmamasid ng makarinig ng isang tikhim mula sa likuran. Nanglumingon, natanto n'yang ito pala ang isa pa n'yang kaibigan at kasanggala na parte rin ng Elra.

Si Khan.

May dala itong tsaa at nakatali ang mahabang buhok sa likod. "May I?" Mabining tanong ng lalaki kung maaari ba s'yang sumama kay Loki. Wala namang pagdadalawang isip itong tinango ng binata.

Naglakad si Khan patungo sa may railings ng kastilyo. Doon ay pinatong niya ang tsaa at sumandal papatalikod dito saka nilingon ang mga tala.

"Nalilito ka na ba Loki?" Tanong nito at tiningnan si Loki. May kasunduan silang lahat. Na hanggang sa ika-labing walong kaarawan ng prinsesa ay maaari silang mabuhay ng kanya-kanya. Ngunit pagsumapit ito ay wala na silang magagawa kundi ang magsama.

Pero, tulad ng iba, ay hindi pa sigurado.

Dahil ang nararapat lamang na maging asawa at pakasalan ni Loki ay ang babaeng tatanggap ng kapangyarihan ng buwan at ng katauhan ni Diana.

Dahil noong unang panahon, ay ang sundalong Elra na nakatalaga sa Aquarius and inibig ng dalaga. At kung hindi man masummon sa buhay na ito si Artemis, ang dugo nilang mananalatay ang maghahatid sa susunod pang Luna. Isa itong tradisyong hindi na maaaring mabura at mabago pa.

Napahinga na lamang ang binatang si Loki at inis na napasuntok sa may pader. Dahil totoo ang sinabi ni Khan. Na kung ano man ang kanyang kapalaran ay hindi na n'ya ito maaaring mabago pa.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon