Chapter 19:

5.7K 229 5
                                    

3rd Person's PoV

Mula sa lugar ng kanyang tinatayuan ay paikot na tumambling pababa si Euclid upang makalapit sa mga kalaban. Napansin n'ya ang lalong pagdami ng mga ito kaya naman ininguso n'ya ang pana at palaso sa langit. Sa pagtagal ng pagtutok n'ya dito ay ang paglaki din ng isang bilog na unti-unting lumalabas sa kawalan. Inasinta n'ya ang bilog sa pinaka-gitna.

Lumabas naman doon ang 'san daang mga pana na umulan sa mga kalaban. May susugod na tatlong vines sa kanyang harapan. Walang mintis n'ya itong pinatamaan.

Muli s'yang humigit sa tali ng pana ng makita ang likod ng tatlong golem na nilalabanan ni Loki. Pinatamaan n'ya agad ang mga ito sa dyamanteng nagbibigay buhay sa likod.

Napansin naman s'ya ni Loki na agad na nagpalipad tungo sa kanya ng espada. Tila bumagal ang lahat ng bagay ng muntik na itong dumikit sa kanyang pisngi ngunit naiwasan n'ya iyon ng lumingon sa likuran. Sumaksak ang espada ni Loki sa isang malaking insekto. Madami ang galamay at muntik na s'yang atakihin.

Bigla namang lumabas ang siloweta ni Loki sa likod nito at hinati ang katawan sa isang hagupit ng espada nito. Napansin ni Euclid ang isang kaluluwa sa likod ni Loki. Agad naman s'yang pumuweto sa likod ng binata at pinatamaan ang espirito, hinigit n'ya naman ang kamay nito ng makita ang isang gumagapang na nakakalasong baging sa paanan.

Nagtaka naman sila ng palibutan pa sila ng madaming baging. Ng wala nang mapuwestuhan, hinawakan ni Loki ang kanyang bewang kasabay ng pagikot nila habang pinapadaanan nito ng espada ang mga baging. Nahati naman agad ang mga iyon, binaba nito si Euclid kaya't nagka-pantayan sila ng likod. Nakikiramdam sa maaaring mangyari.

Biglang may lumabas na babae sa harapan ni Euclid. Iniamba n'ya dito ang pana, ngunit ng dahil sa sobrang lapit ay tumalon s'ya palikod. Umikot naman si Loki at sa isang wasiwas ay hinati ang katawan ng bangkay. Si Euclid naman ay pinatamaan ang mga palapit na maliliit at masasamang dwende.

Napansin ni Loki ang isang grupo ng golem na patungo kay Euclid mula sa gilid. Kinapa n'ya muli ang kamay ng babae at iniikot ito. Ang buhok naman ni Euclid na pilak ay sumabay sa hangin, wumagayway ito sa hangin na tila isang hampas ng dagat. Nakalampas ang golem at bumalik na si Euclid sa dating puwesto. Muli ay pinatamaan n'ya ito ng mga pana sa dyamante na nasa kanilang likod.

Napatalon palayo naman ang dalawa ng may isang malaking kapre ang gumitna sa kanila. Nagkatinginan sila ni Loki.

Humarap kay Euclid ang kapre at hahampasin na sana s'ya nito ng hawak na puno. Ngunit nasaksak ni Loki ang isang paa nito dahilan ng isang malakas na ungol at pagdaing. Nawala ang atensyon sakanya ng golem at nabaling ito sa lalake. Pinatamaan naman n'ya ng pana ang kamay nitong may hawak na armas upang maihulog n'ya iyon.

Nawala na ang atensyon ng higante at nagpapadyak dahilan ng marahang paglindol. Kasabay noon ang pagtalsik ng dugo mula dito. Napatalon sa gilid ang dalawa upang makaiwas sa nakakadiring bagay.

Tiningnan at hinanap nila kung saan nanggaling ang dugo, doon ay unti-unting nahulog sa lupa ang ulo ng higante. Kasabay din noon ang paglapag ng ama ni Euclid at Loki sa may lupa.

Nangmagkatinginan si Euclid at ang kanyang ama ay nagngitian sila at nagkatanguan. Napabaling silang dalawa kay Loki at sa ama nitong si Ytrio. Hindi mapigilang mapangiti ng dalawa ng magngitian ang dalawa at nagsaluduhan. May tumalong mga golem patungo sa kanila, ngunit agad din ang mga itong naglaho ng may isang guhit ng apoy ang humati sa dadaanan nito.

Nang makita ang dulo ay napagtantong si Leo pala iyon. Nagsaluduhan silang lahat at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

"Tangina! Putangina!!!" Inis at galit na galit na mura ng dyosang Hera. Namumula ang natitira nitong mata at nanunuyot na ang kanyang natitirang kanay ng dahil sa paggamit ng sobra at labis na masamang kapangyarihan. "Hindi pa s'ya namatay!" Sigaw nito habang pinapanood ang apat na taong nagngingitian.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon