Euclid Astral Gemini
Napahikab ako at unti-unting binuksan ang mata. Agad akong napakunot ng mapansing gumagalaw ang aking kinakaupuan. "Loki??" Gulat kong tanong. Tsaka ko lang naman naalala ang palitan ng mga salita sa gitna naming dalawa, naramdaman ko ang pagakyat ng dugo at paginit ng aking mga pisngi.
Nakakahiya!!!
"Morning~" Napatingin naman ako sa aming tabi. It was Kuya Rico, greeting me with the happiest of smiles.
"Good morning," Bati ko nalang pabalik. Tsaka ko lang nakilala ang daang aming ngayon ay tinatahak. Malapit na kami sa may eskwelahan.
Sa kanan, sa parteng unahan naman ng kabayo ay napansin ko si Kuya Felis at Yura, tahimik lang ang mga ito. Bigla namang napalingon sa gawi namin ang babaeng nagngangalang Yura, napaka-ganda n'ya--Sobra. Hindi ko mapigilang mapangiti dito sa sobrang pagkamangha.
Nagulat naman ako ng sagutin n'ya iyon ng isang irap.
May nagawa ba ako dito?
Tsaka ko naman naalala sila kanina ni Loki. Kung hindi ako nagkakamali ay magkasama sila kanina. Di kaya ay nobya n'ya 'to? Kaylangan kong ipaliwanag mamaya na pawang magkapamilya lang kami ni Loki. "Loki," Bulong ko habang nililiko namin ang huling daan patungo sa gate ng kastilyo at eskwelahan.
"Hmmm?" Maikling sagot naman ni Loki. Pero halata dito ang pagiging masaya para sa araw na ito. Ano kaya ang ikinasaya n'ya? Na pagkatapos ng napakahabang panahon ay muli silang nagkita ng nobya n'ya?
Napahawak ako ng medyo madiin sa buhok ng kabayo n'yang si Blade. Nandoon nanaman kasi ang isang hindi kanais-nais na pakiramdam na tumutigil sa aking puso.
"Dapat ay hindi mo nalang ako inaya sa kabayo mo, baka magalit sa'yo ang GF mo, sige ka!" Pananakot ko dito at medyo lumayo.
"Sino?" Kunot-noo nitong tanong.
I was about to say Yura ng makarinig kami ng sigawan. Napabalik ang tingin ko sa may gate ng palasyo. Doon ay may mga taong naghihintay saamin. Kumpol-kumpol sila. At sa likod naman ay mga pinaghalo-halong estudyante lamang.
"Anak!!!" Sambit ng isang malalim at baritonong boses. nang makarating ay agad na bumaba si Yura sa kabayo ni Kuya Felis at yumakap sa lalaki.
"Ama!" Tuwang-tuwa nitong sagot. Napunan ng kasiyahan ang aking puso habang pinapanood silang magyakapan. Kung ako kaya ay magkakamagulang, may babati din ba sa t'wing paguwi ko?
"Krisenda, iha..." Bati naman ng haring Osiah at tinulungan ang anak n'yang bumaba sa kabayo ni Leo. hinawakan naman ni Leo ang bewang ni Krisenda para sa suporta. "Salamat Leo, at hindi mo hinayaang masugatan ang aking anak." Tumango naman si Leo sa turan ng hari at magalang na tumango.
Pagkatapos yakapin si Kris ay niyakap naman ng Hari si Leo. Hindi naman kasi prinsipe si Leo, tinulungan at kinupkop s'ya noon ng hari, ng pamilya nina Kris. Ngunit kahit ganoon ay kita mo ang pagmamahalang nananalaytay sa bawat isa.
Natuwa naman akong panoodin ang iba naming mga Kuya sa Elra, may mga babae kasi ditong agad na bumati. Si Tauro naman ay binati ng kanyang ina na school principal namin. Habang si Kuya Verge at Kuya Gita ay pinagkaguluhan lamang ng mga kababaihan.
Unang bumaba si Loki saakin. Inniabot n'ya ang aking kamay na tinanggap ko ng may ngiti. Pero agad ko din naman iyong hinigit pababa ng mapatingin sa gawi namin si Yura. Baka kasi kung anong isipin n'ya.
"Anak," Napabaling kammi ni Loki sa isang babaeng tumawag. Tulad ng buhok ni Loki, kulay gkupas na ginto din ang kanyang buhok. Mahaba itong nakatirintas hanggang bayawang at nadedekorhan ng isang korona sa taas. Nakasuot ang ginang ng isang damit pangreyna. Agad itong lumapit saamin at inilabas ang isang tuwalya 'saka pinunasan ang mukha ni Loki. "Kumusta?" Masasya n'yang tanong at yumakap dito. Napansin ko naman ang pagaalinlangan ni Loki na yumakap pabalik, kaya naman tumango ako dito para maenganyo s'yang gawin iyon.
"Ma," Napabuntong hininga si Loki. "Ayos naman po kami, dapat ay hindi ka na nagpunta dito. Baka magalit si Ama." Nangangambang saad ni Loki. Dito palang ay alam ko nang maaaring may problema sa gitna nila.
Binigyan naman ng isang manipis na ngiti ng ginang ang anak. "Ano ka ba, hindi 'yun magagalit. Ako ang bahala." Napalingon sa akin ang ginang, masaya ko naman itong tinanguan. Napabalik ito ng tingin kay Loki, saka muling tumingin saakin. "Magandang umaga ija!"
"Magandang umaga po!" Balik ko namang bati. Nakita ko naman ang bahid ng pagtataka sa kanyang mga mata kaya nagpakilala na ako. "Euclid astral Gemini nga po pala, parte ng Elra." Nanlaki ang mata ng ginang saaking sinabi.
Naging isang linya ang kanyang mga mata at tila ba kinikilatis ako. Pinasok ng kaba ang aking dibdib at napatingin kay Loki. Hindi kaya alam n'ya na pinatay ko si Loki dati? Lihim akong napailing sa iniisip. Sana naman ay hindi n'ya ako kamuhian. "Kamukha mo ang kumare ko." Natutuwa naman nitong saad na aking ikinagulat. Kinuha n'ya ang aking kanang kamay at walang habas iyong kinalog. "Theia Renee Fergarro, mommy ni Loki." Kumikindat nitong sabi na masaya kong ikinatango.
"Nagagalak po akong makilala ka..." Ano ba ang dapat kong itawag? "Reyna," Banggit ko nalang. Baka kasi aayaw n'ya palang tawagin ko s'ya ng basta pangalan lamang.
Biglla naman nitong kinurot ng marahan aking aking tagiliran. "Tita nalang iha, Tita Theia. napakaganda mo nga pala. Pwera bales!" Puno ng buhay at enerhiya naman nitong kumento na aking ikinangiti.
Buti pa talaga ang nanay ni Loki. Ang bait-bait!
"O, halina kayo sa loob?" Paanyaya ng bagong dating na lalake. Ito ay ang ama ni Yura. Saglit s'ya saaking napatingin at napatitig. Ganoon din naman ako. Pero naputol iyon ng si Yura mismo ay napatikhim.
"Magandang umaga po," Wala sa sarili kong bati sa ama nito.
"Magandang umaga din binibini." Bati naman n'ya pabalik. Liningon n'ya si Tita Theia. "Theia, if you don't mind. Ikaw na ang magpatigil sa asawa ko. She still singing in the auditorium, hindi man lamang saakin nakinig na ligtas na sila."
"Well Lykos, wala kang magagawa. Mahirap mawalan ng isang anak. Isa pa, hindi lang naman para sa mga bata 'yung kanyang kanta. It's also for the safety of the world. Basta sa kung ano mas kumportable si kumare, dun ako." Natatawa namang sabi ni Theia sa ama ni Yura.
Speaking of Yura and Loki, nandoon sila sa isang tabi at naguusap. Marahil ay matagal na nilang hindi nakita ang isa't-isa. Naramdaman ko ang biglang paginit ng gilid ng aking mga mata.
Napailing ako sa aking sarili.
Hindi ka dapat malungkot Euclid. Dapat pa nga ay masaya ka! Dahil sa wakas ay nakahanap na ng pagibig si Loki.
Nanatili lamang akong nakasunod sa pamimilya ng iba. Pero para akong natuod sa aking paglakad ng makarinig ng isang kanta.
Isang napakapamilyar na kanta.
"Euclid?" Tawag pansin saakin ni Kris ng mabunggo ako nito mula sa may likuran.
"Sorry." Paumanhin ko dahil sa bigla kong pagtigil. Naramdaman ko naman ang kagustuhang sumuka ng dahil sa tila mga bagay na naglalaro sa aking mga kalamnan at bituka.
"Okay ka lang ba? You look pale." Binigyan ko si Kris ng isang matamis na ngiti. Kahit na gustong-gusto ko nang mauna sa kwartong pinanggagalingan ng boses. Nagdidilim ang paningin ko sa sobrang pananabik. Alam kong imposible ang aking naiisip pero paano kung s'ya nga..? "Hey!" Kumaway-kaway pa si Kris sa harapan ko at inalog ako.
But my non-stop beating heart just won't let go of the feeling. Hindi ko na nakaya ang maghintay at nagtatakbo patungo sa kwarto. I stare in awe habang pinapanood ang isang babaeng nasa taas ng isang plataporma. May mga notang umiikot-ikot sa kanyang paligid habang kinakanta nito ang awit na iisang tao lamang ang alam kong may alam bukod saakin.
Napaluha ako ng makita s'ya.
"Euclid!!!" Tawag pa ni Kris, marahil ay kinabahan sa aking iniakto. Nakasunod naman dito ang iba pang nagtatanong kung anong nangyari.
Ngunit ni isa ay hindi ko sinagot. At ang tanging mga salitang namutawi lamang sa aking bibig ay ang tawag ko sa isang babaeng aking pinakamamahal.
Ang aking ina.
"My...."
~*~*~*~*~*~*~*~
VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
THANKS FOR READING!!!
BINABASA MO ANG
The Elven Round (COMPLETED)
FantasyEuclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all the persons she once loved all disappeared. So she decided to build strong, strong walls. She decided to live her life as dust. Alone and unno...