Chapter 8:

6K 214 0
                                    

Euclid Astral Gemini

Makalipas ang ilan pang minuto ay narating ko na ang bangin. Wala itong pinagkaiba sa itsura nito dati. Klaseng hanggang ngayon ay iwas padin sa lugar na ito ang mga tao. Ng dahil sa misteryo at mg kwento-kwentong bumabalot dito.

Kaya ito ang tila naging tirahan at lagian namin ni Arkal.

Tahimik at medyo madilim ng dahil sa hamog na bumabalot sa paligid. dahan-dahan kong tinawid ang layo mula sa bungad hanggang sa bunganga ng balon. Sa aking bawat pagtapak, ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng aking pakiramdam.

Muli namang humangin ng malakas ng sa wakas ay makalapit ako. Sa unang tingin ay aakalain mong doon nagtatapos ang mundo. Tahimik akong umupo doon ay hinayaan ang paa kong tumatayon-tayon sa kalaliman nito. Hindi alintana ang kamatayang maaari kong makaharap sa isang bangga lamang.

Ngumiti ako at inalala ang mga pangyayari noong mga panahong wala pang bahid na kasamaan at malisya ang mundong ito para sa akin. Noong mga araw na ang buhay ko ay pumo ng mga kasiyahan.

Napahigpit ang hawak ko sa bungkos ng bulaklak. Tulad ng dati kong ginagawa ay isa-isa kong pinitas ang petals noon at isa-isa itong marahang tinatapon sa bangin.

"Arkal...." Untag ko sa mahinang boses. "Kumusta ka na?" Pagbati ko sa kanya kahit na hindi ko ito kinukuha. Pinagmasdan ko ang mga parte ng bulaklak na aking hinuhulog. Parang mga ala-ala ko sa kanyang unti-unti nang nawawala.

"Alam mo ba Arkal," napahinga ako. "Hindi na ako mangnanakaw." Nakangiti kong saad. Sana ay maging masaya s'ya saaking kwento. "Noong isang-isang buwan kasi, habang nagnanakaw ako ay may nakilala akong mga tao." Napapikit ako at inalala ang araw na 'yun. Maikli pa lamang ang pagsasama namin ngunit para saakin ay naging isa na silang malaking parte ng aking puso. "Alam mo ba, medyo kinabahan ako dati kasi kala ko masasama sila noong una." Kuwento ko at muling nagmulat. Lalo na ng maalala ko ang unang pagpapalitan namin ng tingin ni Loki. Ang mga mata n'ya noon ay parang mata ng isang lobo. Malamig at nakakatakot. "Kala ko ay papatayin nila ako. O di kaya'y, gagawing katulong. Kinabahan ako dahil ayaw kong mabuhay ng ganoon. Lalo na ng dahil ito ang pangalawang buhay na ipinagkaloob mo saakin." Humangin namang muli ng malakas. Lumawak ang aking ngiti. "Klaseng naririnig mo ako ah?" Pagak akong napatawa. "Maganda na ba ako? Malayo na ba ako sa batang sinasabi mo noong gusgusin at napakadumi?" Tanong ko. Nagpatuloy naman ako sa pagku-kwento. "Alam mo ba Arkal, ng dahil sa kanila ay naging ganito ako. Ang mga taong akala ko dati'y mananakit saakin ay ang mga taong s'ya ring tumulong para mahanap ko kung ano talaga ang tadhana ko sa mundong ito.... Naging parte ako ng Elra." Taas noo kong sabi kay Arkal. "'Yung grupo na tutulong para mabuhay ang isang dyosa na magliligtas sa 'sang katauhan. At alam mo ba Arkal? Lahat ito ay nangyayari dahil niligtas mo ako. Lahat ito ay nangyayari dahil sa pahiram mong buhay." Unti-unti nang lumabas ang luha mula saaking mga mata kaya't napasinghap ako. At muling bumulong ng kanyang pangalan tsaka inalala ang mga nangyari noon.

--

Crescent Frendall Altair

Inayos kong muli ang aking buhok at marahang tinapik ang aking pisngi. Ito na... Ito ang gabi kung saan malalaman namin 'kung ano ba talaga ang kakahantungan ng mundo.

Napangiti ako ng matamis ng mapagmasdan sa salamin ang aking hikaw.

Ang mahal ko...

Gagawin ko ang lahat upang mabuhay kaming muli at nang maipagpatuloy ang aming naudlot na pagmamahalan.

Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Binuhat ko ang mabigat na laylayan ng aking puting bestida at lumapit doon. Pagbukas ko ay nakita ko agad ang kinakabahang mukha ni Kuya Pio.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon