Chapter 14:

5.8K 238 0
                                    

A/N: Malagayang linggo ng palaspas!!! And for this week po, let us accept the challenge of accompanying Christ during His passion. Sana po ay alalahanin nating lahat ang kanyang pagpapakasakit at paghihirap upang maikigtas tayo sa ating nga sala. Nawa po ay maging lakas po tayo n'ya upang magpatuloy. ^^

~•~•~•~•~•~

Crescent Frendall Altair

"What is she doing?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yura habang pinapanood na umiiyak si Euclid.

"Hey... Euclid." Tawag ko dito at lumapit. Wala parin naman s'yang tigil sa pagiyak. Mas lalo naman akong nagalala ng mahawakan ang mga braso nito. Nanaginginig s'ya at nanlalambot.

"My!!" Tawag pa nito kaya't napatigil si Tita Laia, ang asawa ng haring Lykos at ang ina ni Yura. Napatigil naman si Tita sa pagkanta ng isang awit na dasal para sa kaligtasan ng mundo. Ng magmulat ito ng mata ay doon ko lamang napagtanto ang labis nilang pagkakawangis ni Euclid.

Mapula ang mga labi at abo ang mga mata, kulay pilak ang buhok at maputlang balat.

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ni Euclid kaya naman sinuportahan ko din ito sa may likod. Maya-maya ay dumating si Tito Lykos sa may pinto. "What's happening?" Taka nitong tanong ngunit ng humakbang sa loob ay agad ding napatigil. Nagpabalik-balik ang kanyang tingin sa asawa at kay Euclid.

Biglang may tumulong isang patak na luha sa mata ni Tita Laia, "My...." Bulong muli ni Euclid ng hindi inaalis ang tingin sa ginang. Napahigpit ang hawak nito saakin. Pero lahat iyon ay nawala ng lumapit si Tita saamin at s'ya mismo ang sumuporta sa katawan nito.

"A?" Pagak nitong tawa na dahilan ng pagkakatinginan naming lahat.

Anong nangyayari?

--

"Ugh! Nasakit na ang ulo ko!!!" Sambit ni Kuya Irie at nangalumbaba sa mesa dito sa round table ng Elra. Hindi lang naman s'ya ngunit pati ako rin, kanina pang nanghahaba ang nguso ko ng dahil sa masyadong maraming impormasyon na natanggap ng aking utak sa loob lamang ng tatlong araw.

TATLONG ARAW!

Pakiramdam ko ay mas magulo at mahirap ba ang kwento at storya ng buhay ni Euclid kesa sa lahat ng lesson namin noong high school sa math.

"So," Huminga si Kuya Libra. "Si Euclid Astral Gemini ay hindi talaga si Euclid Astral Gemini dahil pinangalanan lamang ito ni Loki?" Napatingin kaming lahat kay Loki upang kumpirmahin iyon, binigyan n'ya kami ng isang tango. "Nangangahulugan din itong hindi si Euclid si Gemini ngunit may iba pang Gemini." Napakunot nalang ang noo ko sa turan ni Kuya. Parang ang gulo? I rolled my eyes. Oh please Crescent, magulo na talaga! Sambit ko sa aking sarili. "At kung siya nga ang nawawalang parte ng pamilyang Badar, ibig sabihin s'ya ang pinakanauuna sa pila ng mga Luna."

"Anong pila?" Kuya Verge asked. Hindi na nga din ito magkaintindi sa uunahin, kung ang naglalambing ba n'yang aso o kami.

"For one, the name of the Badar's first child is: Gemini Astral Eurea Luna Zaphana Badar. Earning her the nickname, Gael--At least for most. Ito ang nawawalang prinsesa way back thirteen years ago. The one rumored dead?" Napataas ang kilay ni Kuya Kael kay Kuya Libra.

"And you happen to know all of this because?"

"Well, it's juicy. Dahil hindi naglabas ng pinal na statement ang magasawa ukol sa kung nasaan ang Prinsesa Gael." Napakibit balikat ito at natahimik. We all frowned when we saw Kuya Lib wiggled his eyebrows. "Isa pa, issue 'to. Nararapat ko talagang alamin." He winked.

"At hindi ka pa talaga n'yan bakla?" Asked Kuya Gita na dahilan ng pagsasamaan nila ng tingin.

"Chill. Kayo ang matatanda dito, magsiayos kayo." Suway naman ni Taurus sa mga ito.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon