Chapter 4:

7.7K 287 9
                                    

Euclid Astral Gemini

"You seem close." Napatigil kami sa paguusap ni Khan ng magsalita si Loki sa tabi. I raised an eyebrow. Ano ba kasing problema nito? Kung badtrip s'ya, h'wag s'yang mandamay.

Mula kasi ng magrecess kami at pumunta sa may cafeteria ay ganan na ang mood n'ya. Pati tuloy si Leo at Tauro na nagvi-video games sa tabi ay napapatigil sa paglalaro.

Isa pa, nagsasalita s'ya ng magisa. Sa t'wing pupunahin namin ay ipapakita n'ya ang cellphone n'ya at sasabihing may kausap naman daw s'yang iba.

"Does it still hurt?" Tanong ni Khan ng mapatingin s'ya sa kamay kong may benda. Umiling naman ako.

"Masakit lang pagnabubuksan. You see, someone put a seal on this. Kaya naman pagwala lang ang benda nagma-manifest." Mahaba kong paliwanag habang kumakain ng ginataang alimango. Naalala ko naman s'ya. "Okay lang ba sa'yong nakain kami ng alimango?" Taka kong tanong na ikinatawa nito.

"Yap! I also eat those you know." Sabi n'ya at ngumata ng isa. He get the flesh from its insides which made me shiver. Isn't that like... pure cannibalism? "Hey, are you ready for the party tonight?" Tanong ni Khan at liningon si Kris. Kris nodded her head yes. Ganoon din ang iba.

As for me, I kept quiet. What party is that? "Something like a feast?" Taka kong tanong.

"Oh! Nakalimutan kong sabihin." Natatawang sabi ni Kris. "It's my birthday Euclid. Invited ang lahat mamayang hating gabi! Ipapadala ko nga pala mamaya sa'yo 'yung dress mo. I'm sure that you'll look pretty on it." Kumikindat naman nitong saad. After that, I smiled and thanked her.

Speaking of, pareho pala kami ng birthday? At sa t'wing birthday ko, I always visit one place.

"Is it possible to leave the palace tomorrow? May dapat kasi akong puntahan." Nahihiya kong sabi. Baka kasi sabihin nilang masyado akong mapapel kahit na singit lang ako dito.

"Sure! Kung gusto mo, magpahatid ka sa isa sa mga 'yan." Natatawa n'yang sabi habang napapatingin sa mga lalaki. I just laughed.

"No. Kaya ko na." Masaya kong sagot.

Sa t'wing kaarawan ko, I always feel a tinge of both happiness and sadness. Lalo na't iyon ang araw na nawala ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko. I am a curse myself.

"You okay?" Khan asked while chewing. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

--

I looked at myself as I watched the transparent sleeves of the dress fall down. Kulay asul na may itim ang binigay saaking bestida ni Kris. At hanggang ngayon, kahit malapit nang magsimula ang selebrasyon ay nasa kwarto parin ako ng dahil sa sobrang paghanga sa ganda ng bawat tabas at tahi ng damit.

Inayusan naman ako ng isang katulong kanina ng buhok upang bumagay ito sa aking suot. Nakatirintas ang dalawang gilid nitong hinati patungo sa gitna. At ang iba pang parteng bahagyang kulot ay lumandas hanggang sa aking may bewang.

Sa dalawang buwan kong pagaaral dito ay humaba nang muli ang aking buhok. Siguro ay ipapagupit ko na lamang muli pag nagkaroon ng pagkakataon.

Ngunit kaylangan ko pang humanap ng pagpapagupitan. Madalang kasi akong magikot ng campus. Lalo na't mainit parin ang tingin ng ibang estudyante saakin t'wing ako'y kanilang makikita.

Hindi naman nakalagpas sa pakiramdam ko ang marahang pagtibok ng aking kanang kamay. Bawat kaarawan ko ay lagi itong tumitibok na tila ba sasabog. Na para bang may pwersa sa loob ang gustong makawala at magpakita.

The Elven Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon