Reynang Hera
Napangiti ako habang pinapanood ang pagbalik ng isang Luna pang nagngangalang Yura. Hindi pa ako huli.... Hinding-hindi pa!
Hinawakan ko ang bolang kristal at hindi ko mapigilan ang inis na mapamura ng mapansin ang kamay kong ngayon ay tila naaagnas na parte ng patay na.
Napatingin ako sa Elrang Gemini. Ang walang kwentang babaeng iyon, tingin ba n'ya ay mamanatay ako?
Noong itinapon ko ang aking puso, ay sigurado na akong mabubuhay akong muli. Lalo na kung walang makahawak nito.
Tapos na sana ang lahat ngunit mas pinili nilang magsaya ng masyadong maaga. Mga hangal! Mga tanga!
Napahalakhak akong muli ng mapansing ang pangalawang Luna na ang sumasagwan patungo sa bato. Dahil alam kong kahit kaylan man ay hindi gagana ang ritwal na kanilang ginagawa, dahil bago pa ito ay may mga salitang nauuna pa rapat banggitin. Napangisi ako sa kanilang mga kabobohan. Mga inutil at makikitid ang utak!
Tulad ng kanina ay muling lumiwanag ng sobrang liwanag ang buwan, umilaw rin ang armas ng mga Elra, sinambit nila ng malugod ang kanya-kanyang titulo, ngunit muli ay walang nangyari pagkatapos ng ilang minuto.
Bumakas na ang pangamba sa mukha ng mga tao sa lugar. Napakagat-labi ako ng maamoy ang takot at lito sa kanilang mga dugo.
Tumayo na ako sa kinauupuan kong nitso dito sa may sementeryo. Tinapon ang bolang kristal at lumingon kay Henesis.
"Simulan na natin." Nakangiti kong saad. Sa pagkakataong ito, papatayin kita Gemini. Papatayin kita!
--
3rd Person's PoV
Bagsak ang balikat ng lahat ng bumalik ang pangalawang Luna sa tabi ng lawa ngunit wala pading nangyari. Muling pinasadahan ng punong orakulo ang hawak n'yang papel. Lahat ng naroon ay kanyang isinagawa, ang bawat hakbang na dapat sundin. At lahat ng iyon ay nagmula pa sa unang Diana.
Na sa panahon ng sumpa ay iyon ang banggitin upang tumawag sa kanya. Natigil ang kanyang malalim na pagtataka ng biglang may sumabog mula sa langit.
Doon ay bumaba ang isang babaeng halos bangkay na ang itsura. May buhok ito ngunit kay nipis, may balat ngunit naagnas. Wala ang isang mata, isang balikat at isang paa. At ang pumalit doon ay ang tanging mga buto n'ya lamang.
Hindi alam ng Elra ang kanilang gagawin, inakala nilang patay na ito at hindi na muli pang maghahasik ng lagim.
Humalakhak ito ng malakas na dumagundong sa buong lugar, at nilingon si Gemini.
"Pagbabayaran mo ito." Malakas nitong banta na hindi nakaligtas sa pandinig ng lahat.
"Sino ka?!" Gulat na saad ng punong orakulo. Nilingon naman ito ng babae sa sobrang inis.
"Ako ang nagsumpa lamang sa inyo matanda, at ako narin mismo ang nagsasabi, kahit kaylan ay hinding-hindi dadating ang pinapaniwalaan n'yong mga hibang kayo!" Banggit pa nito at humalakhak ng sunod-sunod. Hindi na ininda ng punong orakulo ang katotohanang maaaring magulo pa lalo ang ritwal at agad na nagpalipad ng isang bola ng liwanag tungo sa taong naging tila personipikasyon ng dilim, kasakiman at kasamaaan.
Ngunit bago pa marating ng liwanag na 'yon ang lugar ng babae ay agad itong naging usok at nawala. Nabalot ng dilim ang paligid kaya't pumintig ng mabilis ang lahat ng pusong naroroon sa lugar.
BINABASA MO ANG
The Elven Round (COMPLETED)
FantasíaEuclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all the persons she once loved all disappeared. So she decided to build strong, strong walls. She decided to live her life as dust. Alone and unno...