Jema.Oh my goodness!! What have I done?
Deanna saw what I did to her ex girlfriend. She was surprised sa ginawa ko, I can feel it just by looking at her na nakatingin din sa akin.
Pero biglang kay Elaine uli ang attention nya because Elaine came running towards her.
"Babe, look what she did to me." sumbong agad ni Elaine.
I looked at Elaine and dumudugo nga yung ilong nya. Napalakas ata talaga yung pagkasapok ko. Ngayon ako nagkaroon ng pagkakataon para makilatis sya. Ang babaeng minahal ni Deanna o baka mahal pa hanggang ngayon.
Maganda nga itong si Elaine, kahit sino siguro magkakagusto at magkakandarapa sa kanya. Kawawa naman, mukhang masisira ang matangos nyang ilong dahil sa akin.
Nakupo, baka kasuhan pako nito ng physical injury, huwag naman sana. Hindi ko naman sinasadya, siya itong nauna na nang insulto. At Hindi rin ako basagulero na tao. She really provoked me. Sinadya nya kaya?
I was about to say sorry kay Elaine pero hindi ko na nagawa kasi hinawakan agad ni Deanna yung mukha nya at kamay. Inalalayan nya itong lumabas ng opisina pero tumingin sya uli sa akin bago sumara ang pinto. Blangko ang mukha nya.
Shit, bakit ganun? Ako ang nanapak pero ako ang mas nasaktan?
Mas gugustuhin ko pa na magalit sa akin si Deanna. Kahit na sigawan nya ako, okay lang. Pero yung ipakita nya sakin na parang balewala ako, mas masakit yun. Para na rin akong nasampal ni Elaine.
Mabuti na lang at kokonti pa mga tao dito sa office pero same pa rin ang effect nun, napahiya ako. I nearly cried but I stopped and controlled it.
"Okay ka lang Bes? Kalma lang ha, sya naman ang nauna at may kasalanan." sabi ni Kris.
Bea took my hand and lead me to my table. My hands are still shaking.
"Take a deep breath, J. Don't mind that bitch, she deserves it." sabi nya sabay haplos sa likod ko.
"B-but Deanna saw it. She will hate me for sure. Did you see her reaction? Hindi nya ako halos matignan kanina. I know naman na mali yung ginawa ko. Mag so-sorry nga sana ako pero umalis na sila." mahinang sagot ko.
"I'm sure babalik si Deanna dito Bes. Explain mo sa kanya yung side mo ah. Teka nga pala, yun ba yung ex-girlfriend nya sa US?" tanong ni Kris.
Tumango ako.
"Bakit nandito?" tanong nya uli.
Yan din ang tanong ko.
"Hindi ko rin alam, Bes." sagot ko sabay tulo na ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"What? You mean to say, Deanna didn't even tell you about her? Na nandito sa Pilipinas ang ex girlfriend / fiancée nya.?" medyo tumaas ang boses ni Bea.
I nodded. Wala na akong lakas magsalita pa. Inabutan ako agad ni Kris ng tissue. Si Bea naman ay tahimik lang pero bigla ring lumabas ng office.
Kung medyo nagkakaproblema na ang relasyon namin ni Deanna, mas lalo na itong lumabo sa ngayon.
I should have just stayed at home.
----------------------------------------------------------
Deanna.
We came back home before midnight kagabi. Nagyaya pa kasi si Elaine na mag dinner. I gave in to her request since gutom na ako.
Pagdating namin sa condo, mom is still awake, may jet lag pa ata. I greeted and kissed her sa cheek.
I immediately charge my phone and turned it on habang nagcha-charge. Andaming text messages na pumasok pero I read first yung galing kay Jema.
BINABASA MO ANG
I'm Yours ( Book 1 )
RomantikDeanna Wong Jema Galanza Deanna Wong came back to the Philippines to ease her hurting heart. Jema Galanza is an ambitious woman. Working hard to get the position she wants. An unconventional Iove between two people with different lives. I'M YOUR...