Chapter 5 - The Encounter

12.1K 351 8
                                    

Jessica Galanza.

Ugh, what a morning. Ang saya saya ko kanina tapos biglang na bad trip dahil sa babaeng yun. Nagkagulo gulo na tuloy yung laman ng folders ko. 

Dimiretso na ako sa office namin. I need Kris ASAP, nasaan na ba yun? Then I saw her at the desk.  

"Here's your coffee Bes, o bakit nakasimangot ka?  Ikaw rin baka mahipan ng hangin at maging ganyan ang face mo forever. Huwag mong sabihin may problema tayo sa presentation mamaya naku Jema, yari ka sakin. Nilibre pa naman kita ng coffee." daldal agad ng best friend ko.

Huh, alam niya agad na may problema? Napaka assuming naman, hahaha. Kainis talaga itong si Kris pero kahit ganyan yan, labs ko yan. 

Mabait si Kris tapos maganda naman konti. Joke.

Matapos akong magpasalamat sa kape ay ikinuwento ko na sa kanya ang nangyari sa elevator kaya agad syang tumayo para tulungan akong iayos ang mga papers na kakailanganin namin mamaya.

"O nag sorry naman pala sayo yung tao eh bakit galit ka pa rin ha!  Buti sana kung hindi ka man lang tinulungan o kaya ikaw ang sinisi niya sa nangyari.  Anong itsura ba nung girl?" tanong niya.

"Ay naku Bes super pangit hahaha, mukhang galing sa bundok." sagot ko.

At bigla kong naalala ang mukha nung babae. 

Mapungay at singkit ang mga mata, makapal ang kilay, parang higad sa kapal. Kissable ang mapula niyang lips, ay bakit ko ba napansin ang mga yun, hmmp. 

Naka jeans and black polo shirt. Medyo matangkad lang sakin ng konti. Halos same lang din katawan namin.

"O bakit tumahimik ka na dyan? If I know baka mas pretty sayo yung girl kaya insecure ang Bes ko hahaha." ani Kris.

Tinignan ko siya ng masama habang humihigop ng kape.

"But don't worry, ikaw ang pinaka maganda dito sa building, pangalawa ako, hehe. Kalimutan mo na yun ha. Our meeting will start soon so let's get ready." dagdag pa niya.

Nag prepare na kami and waited na lang sa conference room. As usual andun na si Melanie, nagbibigay ng agendas and some materials about our potential client, CREAMLINE. 

Masyadong hyper ata itong si girl today, todo smile samin. After a while, kumpleto na kaming lahat na nasa Sales and Marketing department. We are just talking while waiting for ma'am Fhen. Nung bumukas ang pinto, tumahimik ang lahat.

"Good morning team!!!" bati nya sa amin.

Bumati kaming lahat sa kanya. Pumunta na sya sa harap pero may kasunod syang babae. Pagtingin ko, nabigla ako ng makita ko yung girl na bumangga sakin kanina.

"Before we start, I would like to introduce to you my cousin, Ms. Deanna Wong. She is the one I mentioned before that will help us in getting this particular client and hopefully some more. We need a positive result on this so I can convince her to work with us and stay here for good." Fhen said.

Nag HI sya samin and everyone greeted her back except me. 

My gosh naman, nakakahiya. Siya pala yung pinsan na tinarayan ko kanina. Sana hindi niya ako nakilala.

As if.

I don't know why I was like that to her. Mainit ang dugo (dugo daw oh) ko sa kanya. Ahhh ewan ko ba, naku yari ako nito. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso. Kung pwede nga lang eh nagtago na ako sa ilalim ng lamesa.

Isa-isa kaming ipinakilala sa kanya. When it was my turn, she suddenly stopped and looked at me. Then she smirked. 

"O hi Jessica, I think we've met already, right?" she asked.

"Yes po Ms. Deanna, n-nice to.... meet you aaa-again po." nahihiyang sabi ko. 

Bakit ba ako nabubulol at nagba-blush?

"Just call me Deanna or D please. It's great to finally meet everyone.  As Fhen have mentioned, I am here to help. Hopefully I won't disappoint you guys. So let's get to work as a team." she said.

After that introduction, nag present na kami ni Kris and the rest of the team. We showed the layout of the commercial which includes the volleyball players of CREAMLINE. 

Dahil nga bago pa ang product na ice cream, we used pink since it is like the children's popular favorite color. It will also give good vibes kasi yung coach nila is yun ang mantra, "Happy Happy".

Ma'am Deanna was keen on our presentation then she asked if we are aware of any CREAMLINE players na marunong or mahilig magsayaw. The team said yes, lalo na si Alyssa Valdez. She suggested that we include in the proposal ng commercial yung dance portion ng mga volleyball players.

Wow, ngayon ko lang naisip yun ah. In fairness,  magandang idea nga ito. Mas lalong makaka relate sa mga fans ng CREAMLINE ang mga players na nagsasayaw. Good vibes nga talaga. Nag agree naman lahat sa mga suggestions ng team kaya natapos ng maaga ang meeting.

Since it's Friday already, ma'am Fhen invited everyone to join her and ma'am Deanna. Lalabas daw sila tonight, parang welcome party sa kanya.

Dapat daw ay mag relax muna kami since weekend naman na at day off namin kinabukasan.

Sasama ba ako? 

Wala naman akong gagawin tonight. Ang plan ko lang is, stay in then watch movies while having pizza. I asked Kris and sabi nya we should join. Okay, go na talaga ako.

---------------

Please vote and comment.
Let me know if I should continue.
This is my first story.

Thanks.

I'm Yours ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon