Chapter 38

11.1K 332 41
                                    


Deanna.

I'm happy, really happy. 

After naming mag usap ni Jema, everything felt great.  Bumalik yung dati naming samahan pero mas naging sweet.

Yung mukha nya nung ninakawan ko ng halik hahaha, priceless.  I can always do that, para lang makita yung reaction nyang magkahalong gulat, inis at saya.

Ganito pala ang feeling pag kasama mo ang mahal mo.

Naks, mahal na talaga?

The time just flies by so fast.  Hindi ko namalayan, nasa harap na kami ng bahay nila sa San Pedro.

Up and down ang bahay nila na may gate.  Nakita ko na may nagbukas nito.

"Ayan si Papa, mabait yan kahit ganyan hitsura nya." nagbibirong sabi ni Jema.  She's trying to ease my nerves.

Bigotero ang Tatay nya tapos anlaki ng katawan.  Yung tipong kaya kang ipaglaban sa sapakan kung may rambol.

Sumunod na lang ako kay Jema papasok ng bahay.  Nagmano muna sya at humalik sa parents nya.  Tapos nagyakapan pa sila. 

Ang lambing talaga ng baby ko. 

I suddenly remember my parents.  How I wish na ganyan din kami.  When was the last time I hugged them?  But I immediately stop my current line of thoughts.

You can see na tuwang tuwa din yung parents nya na makita sya.  Mukhang wala yung kapatid nya kasi hindi ko pa nakikita.

Pinakilala ako ni Jema kaya bumati na ako sa kanila. 

Mukhang mabait yung Mama nya, pinaupo muna ako.  Tapos pumunta na sya ng kusina at maghahain na daw.

Jema picked her bag and went upstairs muna.  Iwan ba akong mag isa dito sa Tatay nya.

"So, Deanna right?" he asked and sat down.

"Yes sir."

"Wag mo na akong tawaging Sir, para kasing nasa school pa ako nyan at estudyante kita.  Tito Jess na lang or uncle Jess."

"Ah opo Tito.  J din pala start ng name ninyo."

"Ay oo.  Yung name ni Jessica, galing sa akin, Jessie ang full name ko."

I just nodded my head.  Less talk, less mistake sabi nga nila.

"Alam mo, nung pinagbubuntis yang batang yan, hindi namin pina reveal agad sa doctor ang gender para surprise." 

"Gustong gusto kasi naming mag asawa na yung panganay na anak ay lalaki.  Magiging junior ko sana pero nung lumabas babae.  Pati yung sa bunso namin, babae din."dagdag pa nya.  Hindi madaldal si Tatay ha.

"Ganun po ba.  Nabanggit nga po ni Jema sa akin na dalawa lang silang magkapatid."

"Dalawa lang sila kaya mahal na mahal namin ang mga yan.  Pinalaki naming mababait, may takot sa Diyos at higit sa lahat tinuruan namin na huwag mananakit o manloloko ng kapwa."

Bigla atang uminit dito sa bahay nila Jema kahit may electric fan.

"Alam mo bang nabanggit ka na sa amin ni Jema?  Last year ata yun.  Tama, birthday pa nga nya nung nagkwento sya tungkol sayo."

Bakit parang hindi ko gusto ang takbo ng usapan namin ng Tatay nya.  Wahhh, nasaan ka na ba Jema?

"At base sa mga kinwento nya sa amin, hindi naging maganda ang paghihiwalay ninyo." 

"Hindi nya rin nasabi sa amin na nandito ka na uli sa Pilipinas.  Kaya ang gusto ko lang malaman iha kasi nagtataka lang ako,  paano mo napapayag si Jessica na dalhin ka dito?" biglang tanong nya.

I'm Yours ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon