Chapter 37

10.7K 340 89
                                    


Jema.

OMG, ikaw ba yan Deanna?  Parang sinapian ata ng kung anong espiritu si Wong.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga revelations ni Deanna.  I asked for explanations and answers before pero di ko inakalang ganito.

I didn't expect her to open up like this.  Nakaka touch sya, sobra.

Nung una medyo hindi ko pa naiintindihan ang gusto nyang sabihin.  Mukha kasing nagpapaligoy ligoy lang, pa ulit ulit na si Elaine ganito, ganyan, blah blah blah.

Pero nung nabanggit nya na yung voicemails ko, bumalik na naman yung alaala at sakit. 

That was the time na very vulnerable ako.  Walang filter yung mga sinabi ko dun, totoo lahat.  Kasi birthday ko nun.  Umasa ako eh.

Tapos ngayon babatiin nya ako ng "belated happy birthday".  Kahit four months late pa yan, tatanggapin ko.  Kaya naiyak ako grabe.

Yan yung wish ko noon, yung babatiin nya ako kahit sa text man lang.  Yung kahit hindi sya sumipot sa dinner, OK lang basta may message galing sa kanya.  Ang babaw ko noh.

When she saw me crying, nataranta ata.  Bigla syang napahinto sa Petron station. 

Eto kami ngayon, nakaupo lang inside the car.  Walang nagsasalita kaya kinuha nya yung kamay ko pero iniwas ko.

Akala ko tapos na pero nag start uli sya sa pag confess ng feelings nya. 

At ngayon ko unti unting naramdaman na sincere sya sa kanyang apologies.

When she touched my face and let me look at her, hindi nako nagmatigas.  Ang mga mata nya, sobrang nangungusap.  Nakatitig talaga sya when she told me this;

"We might have started on the wrong way but I want to end it the right way."

Kinilig ako talaga, sobra.  Alam mo yun. Yung feeling na ang haba haba ng hair ko.  Pero siempre hindi ako nagpahalata.

Pinunasan ko uli yung mga mata ko.  Si Deanna, nakatingin pa rin.

"Wala ka bang sasabihin?"

"Ah, grabe ka pinaiyak mo ako.  Pero salamat kasi nagkausap na tayo tungkol dyan. Hindi na ako magiisip ng kung ano ano pa.  Salamat din at naintindihan mo yung feelings ko sayo dati."

Ngumiti naman sya.  Yung mata naging singkit.  Hay Deanna, ang ganda mo.

"Buti naman ok ka na kasi ayaw kong makita na umiiyak ka.  In fairness, ang cute mo pa rin kahit iyakin ka." sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.

Natawa naman ako.

"Ikaw din kaya paiyak na, pinigilan mo lang."

"Me?  No way, haha pero kissing aside este kidding aside, do you forgive me na?" pa cute na sabi nya.

"Ay naku Wong, pasalamat ka cute ka kundi goodbye na talaga ako sayo."

Tinaas baba nya yung kilay nya tapos nag pout pa sya sakin.

"Oo na, sige na nga.  Forgiven na pero not forgotten. Kaya pakabait ka Wong, sinasabi ko sayo, kung...........

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko pa dahil hinalikan nya na ako sa lips.

Kung gaano sya kabilis humalik ganun din ang bilis nya sa pag ilag sa hampas ko dahil nakababa na sya agad ng sasakyan.

"Deanna......, kainis ka." sigaw ko pero hindi nya na ito narinig. 

Napahawak na lang ako sa labi ko at ngumiti.

After 5 minutes bumalik na rin sya na may dalang drinks and chips.  Iniabot nya ito sakin at umalis na uli kami.

"Love, paabot ng drinks po." sabi nya.

"What?" para namang bingi si Deanna dahil napalakas talaga ang sagot ko.

"Practice lang haha.  Uy, kinilig sya. Aminin, gusto mo yun na lang tawag ko sayo?" nakangising tanong nya.

Kahit hindi ako tumingin ng salamin, alam kong namumula ang pisngi ko.

"Bahala ka dyan Wong.  Eto drinks mo, you use your other hand, pwede naman eh."

Kahit na may cup holder, inilagay ko yung drinks sa pagitan ng mga hita nya at sinadya kong dumantay ang kamay ko sa thigh nya.

She suddenly gone quiet.  Haha, got you Wong.  Kung kaya mong mag flirt, mas lalo ako.

"Ang taray naman ng pasahero ko,  pero OK lang kasi bawi naman sa kagandahan." she said then took the cup to her mouth.

Inirapan ko lang sya then I turn the radio on.  Puro Tagalog music ang nakasalang.  We just listened to it. 

Binuksan ko yung bag of chips at nagsimulang kumain.  Tumingin si Deanna sakin.

"Pahingi naman nyan, favorite ko yan", sabi nya.

Raffles pala paborito nito huh, parehas kami.

Naawa naman ako kaya sinubuan ko na lang sya.  She tried licking and biting my finger pero mabilis ako.

Finally,  we're good and at ease with each other.  Wala ng tension between us kaya natatawa na lang kami sa mga kalokohan namin.

Medyo mabilis na yung byahe namin kasi nakalabas na kami at pa SLEX na.

I got my phone from my bag and called Mafe.

Sinabi ko na malapit na kami at malamang na lunch time na ang dating namin.  Sinabi ko rin na may kasama ako.  Bago pa nya ako tanungin kung sino ang kasama ko, I ended the call.

"Ahhm, did you tell them kung sino kasama mo? parang nahihiyang tanong ni Deanna.

"Ang sabi ko may kasama ako, yun lang.  Okay naman ang mga yun kaya wag kang kabahan haha.  Uy, magba back out ka na ba?"

"Hindi ah, ako pa.  I just want to check kung OK lang sa kanila na may isama ka dun."

"They're cool about it besides naisama ko na dati si Kris samin."

"But Kris is different, she's your best friend."

I momentarily hold her hand para mawala ang kaba nya.

After 30 minutes, nakarating na rin kami sa bahay.  Di na ako tumawag pa kasi binuksan na ni Papa yung gate pagkakita sa sasakyan.

I waited for Deanna na kunin yung bag ko bago kami pumasok ng bahay.

Nagmano ako at humalik kila Mama at Papa. Hinahanap ng mata ko si Mafe pero wala.

"Si Deanna po pala, kaibigan ko."

"Hello po sir and ma'am.  Nice to meet you po." pormal na bati ni Deanna. 

Ngayon ko lang ito nakitang pormal at seryoso ah.

Ngumiti naman agad si Mama dito.

"Hello iha, mabuti naman at nakapasyal ka dito sa amin.  Umupo ka muna at ihahanda ko na yung lunch natin.  Sigurado ako na gutom na kayo." sabi ni Mama.

Kinuha ko yung bag at sumenyas kay Deanna na aakyat muna ako at pupunta sa kuarto ko. 

Parang syang hindi mapakali na tumango sa akin.  Bago ko marating yung last step ng hagdan, nakita ko si Papa na umupo sa harap ni Deanna. 

Patay na, wag mong takutin yan papsy. 

Mamahalin ko pa yan.

----------------------------------------------------------

Ayan na si Deanna, gigisahin na ata haha.

Another update for you guys.

Please vote, comment and share.

Thank you 😊

I'm Yours ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon