* Chapter One ♥

1.8K 41 17
                                    

Chapter One: I was too young, when the first time I met you

It’s 21st of July. Ang aming school ay nagtalaga ng isang acquintance party sa isang event center malapit rin sa school namin. Required kaming mga press dahil i-cocover namin ang whole event. Masquerade party ang eksena dahil iyon ang napagkasunduan ng mga SGO officers na theme at lahat ng mga nagsisidatingang estudyante ng school ay talagang hindi mo makikilala. All of us was covered with mask. All of us was pretty enough. Nagsigandahan ang mga nerd sa school. Mas lalong revealing ang mga estudyanteng walang ibang ginawa kundi magpakita ng katawan. At ako, maging ako, nabago pansamantala ng event na ito. And also ito narin ang pagkakataon ko, pagkakataon ko para ipadama ang nararamdaman ko sa isang taong noon ko palang kilala. Ang kaibigan ko, at isang associate editor sa press club namin. Ang taong kinakabaliwan ko at ang taong hindi ko ipinagpalit sa iba. Siya lang ang taong nanatili ang pangalan sa puso ko siya lang.

Dahil nga masquerade. Ginawa ko lahat para hindi ako makilala. From makeup to dress and the way I will act in front of public. Lahat ng iyon bago sa akin at sa mga makakasalamuha ko. Nakakatawa nga eh, iniisip ko pa lang na kapag nasa event na ako makikilala pa kaya ako ng mga kakilala ko? At oo nga pala, makikilala ko pa kaya sila? Silly and funny.

Alas ocho ng gabi magsisimula ang event. Nakisabay na ako sa best friend kong si Bianca. Buti na lang ay pumayag siya na gamitin ang kanyang kotse para transportation namin papunta sa event center. Even her ay hindi ako nakilala. Nakipag-away pa nga sa akin dahil poser daw ako. At worst, hiningian pa ako ng ID for my identity.

“Grabe! I think hindi ka na makaka-cover mamaya niyan.” Saad niya. Ngumiti lang ako. Nagpakita ako ng isang kakaibigang pagkatao ngayon.

“It’s okay. Hindi naman iyon ang purpose ko kong bakit ako pupunta sa event eh.” Pahayag ko sa kanya na tila ikinagulat niya.

“Hoy, pagkatapos nitong event huwag na huwag mong papanatilihin ang ganyang ugali kundi ibabaon ko na forever iyang maskara sa mukha mo. Nakakakilabot ka.”



Nagsimula ng paandarin ni Bianca ang kotse nito. Dahil mayaman ang pamilya ni Bianca ay madali lang para sa bestfriend kong ito ang makakuha ng driver’s license. Medyo nakakainggit pero hindi ko na masyadong inisip iyon. Dahil ang nasa isipan ko ngayon ay magiging masaya ako sa party.

Hindi ganoon kalayo ang bahay namin sa lugar na paggaganapan ng event. Halos ilang minuto lang ang itatagal nito kaya todo reklamo rin si Bianca dahil pwede naman daw mag-taxi o lakarin na lang. Pero aba, syempre hindi ako papayag baka masira pa ang beauty ko no.

Pinark ni Bianca sa hindi kalayuan ang kanyang kotse at kitang kita pa lang sa labas na sobrang dinumog na ang event ng aming school. Hindi ganoon ka-rich university ang aming school. Sakto lang siya sa popularity at mataas din sa passers. Kaya bilang isang gift sa aming mga estudyante ay medyo grande ang aming acquaintance day ngayong year.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nagmadali na akong pumasok sa event hall and when I stepped in the party proper. All ball gowns, the masks, the lights and even the atmosphere. Kuhang kuha para maging royal. And guess what? Lahat sila nakatingin sa akin noong pumasok ako. Wearing my pink black glittered cocktail. Nakataas na hairdo. Tapos blue glittered mask na talagang hindi nila ako makikilala. Dumaan ako sa red carpet. Nakita ko all eyes infront of me kaya pasimple akong ngumiti. Kumbaga ng mga oras na iyon iniisip ko na artista ako. At walang kokontra.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon