Chapter Eleven:
Don’t Get paranoid [Part I]
Marami ng nakakakilala sa akin at nagtatanong, bakit hindi ko ba kayang pakawalan si Joseph? Bakit hindi na lang ako humanap ng iba? Bakit kailangan kong ipagsiksikan ang sarili ko sa isang taong ayaw naman ako?
Minsan ko na rin iyan natanong sa sarili ko, pero ni minsan hindi ako nakahanap ng sagot.
Sabi nila, Once na na-fall ka, magready ka na sa libu-libong sakit na mararamdaman mo.
Nahulog ako sa taong hindi pwede. At kahit sabihan ko ang sarili kong itigil na. Tama na. Pero hindi eh, kasi araw-araw na nakikita ko siya, palagi na lamang akong nahuhulog sa taong alam kong wala namang pag-asang magkagusto sa akin.
Oh, God. Ano bang dapat kong gawin?
Matagal na talaga akong nahihirapan mula sa kanya. Siya ang nagiging dahilan ng tulala ko at pagkabalisa. Napaka-OA pero pramis kapag kayo ang nakaranasan noon, ganoon din ang mararanasan niyo. Oo, dati nasabi ko na sa kanya na mahal ko siya. Pero parang may isa pang kulang sa akin. Parang ambigat parin ng pakiramdam ko. Lalo na’t hindi ko mahanap ang dahilan kong bakit ko nararamdaman iyong pakiramdam na iyon.
“Anong iniisip mo?” Napatigil na ako sa pagdradrama ng bigla akong ginulat ng isa sa mga kalurkey kong kaibigan, si Ash.
“Sino pa ba iniisip ko?” Bumuntong-hininga ako saka yumuko na aaktong matutulog.
“Tamo, sabi ko ano iniisip mo hindi ko sinabing sino. Hay. Obsession.” Sabay upak sa akin. Pero hindi naman ganoon kasakit. Midyu lang. Pero nahahandle pa naman ang pagiging brutal ni Ash.
Tinignan ko ang katabi kong kaibigan. Payapa kami ngayon dito sa klasroom. Dahil walang masyadong tao at dahil nasa second floor ang aming room tanaw ko ang buong quadrangle.
“Matanong lang kita, namumublema ka rin ba?” Tanong ko bigla sa kanya out of nowhere. Napatingin lang siya sa akin.
“Oo naman.” Bigla niyang saad.
Napabuntong hininga ako. Umiwas ng tingin at biglang napunta sa mga taong nasa quadrangle. May sari-sariling nagawa. Minsan, kapag may time, gusto ko rin silang matanong. Nasasaktan din ba sila? Tulad ba ng nararamdaman ko ngayon ang sakit? At namumublema din ba sila sa pag-ibig?
“Alam mo ba kung bakit natanong ko bigla iyon?” Tanong ko ulit. Hindi ko na tinignan pa si Ash. Pero naramdaman kong gusto niya rin malaman.
Bumuntong hininga ako bago sumagot.
“Kasi gusto kong malaman kong pareho ba nila akong masaktan. Pareho din ba nilang nararamdaman itong nararamdaman ko?”
“Well, para sa akin, naramdaman naman na siguro nila iyang nararamdaman mo. Lahat naman tayo nagmamahal eh. Pero alam mo ba ang mga babae ang sobra kong magmahal? Sobrang inlove talaga. kaya madalas sila yung mas nasasaktan.”
Hindi na ako umimik sa sinabi niya. Okay. Pero, normal lang ba talaga ito?
Hindi nalang ako umimik sa oras na iyon. As in niyuko ko na at natulog dahil baka sakaling pag gising ko nasa panaginip lang ako. Na wala na akong nararamdaman sa kanya. Na okay ang buhay ko at hindi iyong prinoproblema ko ang dapat hindi naman prinoproblema.
At ilang oras di lang nagising ako dahil sa mga etsuserang mga kaklase ko na nagiingay na dahil tapos na ang klase naming ngayong araw na ito. Napalingon ako sabay angat ng mukha. Wala si Bianca, wala din si Ash, iniwan nila ako. Pero baka may kailangan silang puntahan kaya nauna na sila. Nevermind. Agad ko nalang inayos ang sarili ko. Uuwi muna ako. Kailangan ko munang magpahinga. Masyado ko ng iniisip ang isang sitwasyon na nagpapagulo ng buhay ko.

BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Teen FictionDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...