Chapter Thirteen:
Rule No. 9 Part III (Him)
------------------------------------------------------------------------------------
-MIA’S POV-
“ Ikaw ang tanungin ko. sige nga, akala ko ba kaibigan kita? Mia. Akala ko ba KAIBIGAN KITA?”
Matapos ang pangyayaring iyon. Iniwan niya ako sa Gym. Nakatingin lang ako sa kalawan. Tumingin ako sa huling taong naroon. Si Ash. Gusto kong umiyak ng sobra sa kagaguhang ginawa ko. Paulit ulit na bumabalik saakin ang nakaraang nangyari. Para kainin ang katawan ko ng konsensya.
Masama ba akong kaibigan? Makitid ba ang kukute ko at hindi ko man lang siya kayang pakinggan?
Hindi ko na kaya.
Tumulo na ang luha na galing sa aking mata. Kasabay noon, ang pagkirot ng kalooban ko. Dapat kong malabanan ito. Nilapitan ako ni Ash. Pero hinarap ko agad siya.
“Puntahan mo si Bianca. Mas kailangan ka niya. Kaya ko ito.” I said. Tumingin lang siya sa akin. Binabasa ang aking nais gawin. Hanggang sa naramdaman kong nawala na ang hawak niya sa aking balikat. Saka siya tumalikod. Doon, nagkaroon ako ng panahon para mag-isa.
I went to the usual place. Sa field kong saan alam kong wala ni isang naroon at madadamayan ko ang sarili ko. Nagtunggo ako doon at umupo. Doon ko niyakap ang sarili ko. Hanggang sa naramdaman kong iyak na ako ng iyak. Sa pag-iyak ko hindi ko namamalayang humihina na ang buong katawan ko. Sumusuko na ang puso ko, literal.
Kaya naramdaman ko nalamang ang pagbagsak ko sa damo. Walang ng maramdaman ang buong katawan ko kundi ang pag-angat ko sa lupa at pagyakap sa akin ng hindi ko kilalang tao.
Nakaramdam na lamang ako ng isang malamig na klima. Kaya minulat ko ang aking mga mata para tignan kong nasaan ako.
Nakita ko agad ang dextrose. After that, napatingin ako sa ceiling, nasa hospital ako. Sa hindi maintindihang pagyayari ay agad gumana ang adrenaline ko kaya agad akong napabangon. Tinignan ang paligid. Dinouble check.
“Bakit ako nasa hospital?” Tanong ko kahit alam kong wala namang tao sa paligid.
Lumingon lingon ako hanggang sa may isang pumasok sa na lalaki sa kwarto. Nagulat ako sa nakita. What-the-frigde.
Kilala ko siya.
“Hi.” Matipid niyang bati. Ang pagbati niyang parang isang musika sa aking tenga dahil sa ganda ng pagbuka ng kanyang labi. Ang mahaba niyang buhok na hanggang balikat. Ang kanyang salamin. At ang kilalang goatee sa kanyang baba.
Kilala ko siya.
“Are you now okay?” Tanong niya. Napatingin lang ako. Saka napasagot using head signal.
“That’s good. Buti na lang that time, nasa field din ako. Nakita kita. Kaya agad kitang dinala dito.” Sabay emphasize sa lugar using his eyes.
“Okay. Thank you.” Natatakot akong kausapin siya. Sa totoo lang, kilala ko talaga siya. Seriously speaking. Siya ang graphic artist slash weird member sa organization namin. Siya ang kauna-unahang kong na-clash noon. As in nakabanggahan ko pagdating sa idea.
Masungit siya, weird, tahimik at kinakausap lamang iyong close niyang artist. Never siyang lumalabas sa cubicle niya unless kakausapin si Ate Cath. Matinik siya sa tingin. At higit sa lahat istrikto. Siya iyong nagwalk-out at KJ sa mga parties.
“Ahm, napunta lang ako dito para kamustahin ka. Mamaya andito na iyong mga kaibigan mo. Nga pala, may mga nagpapabigay sayo sa organization.” Saka inabot sa akin iyong box.
Agad ko naman kinuha iyon.
“Tatlong araw ka ng naconfine dito. So, hinihintay na lamang ng doctor ang paggising mo para marelease ka na. So far, wala naman na raw delikado sa iyo.”
“Anong nangyari?” Doon na ako nakasalita. Parang isang puwersadong tinig ang ginawa ko ng mga oras na iyon.
“Sabi ng doctor, nervous breakdown. Masyado ka raw stress, depress at umaangat ang anxiety level sa katawan mo. Then, napapabayaan mo na rin daw kumain. Kaya bigla ka nalang nawalan ng ulirat.”
Doon ko naintindihan. Tatlong araw na akong walang malay. At pakiramdam ko, sa tatlong araw na iyon naging maayos at naging payapa ang lahat. Walang baliw sa school na naghahangad na mahalin ng taong mahal niya. Walang carrier ng bad mode. Sana forever na akong tulog.
Hindi ako umimik.
“Anyway, babalik na lang ako dito bukas. Kailangan ko kasing tapusin iyong Layout.” Paalam niya.
“Kahit huwag na. I can manage.” I refused. Mas gusto ko ng mapag-isa ng sa ganoon wala na akong inaalala at nag-aalala sa akin.
Namalayan kong nakatingin siya sa akin. Iyong tingin na hindi ko alam kong bakit bigla na lamang akong nainis at the same time pakiramdam ko nasa safe na akong mundo.
“No. I’ll be back Miss Gonzales.” He uttured. Saka siya umalis. Napabuntong hininga na lamang ako. Saka binuksan ang box. Doon bumungad agad sa akin ang sticky note.
Rule #9 Don’t be paranoid.

BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Novela JuvenilDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...