Chapter twelve:
Rule No.9 Don’t be Paranoid (part II)
------------------------------------------------------------------------------------
-Bianca’s POV-
Huwebes ng Umaga. Maliwalas ang lansangan. Lahat ng aking makakasalubong ay nagkakaroon ng buhay dahil sa aking kasiyahan. Okay na okay ako ngayon. Dahil kasi kay David. Binigyan niya ako ng santan at choc nat. Edi ba ang sweet?
Pero maiba nga muna, asaan na ba si Ash at si Mia? Ipapamalita ko pa naman ang kasiyahan ko. At ililibre ko na rin sila.
Naglakad ako sa hallway. Mamaya pa kasing 8 ang pasok namin. Medyo napaaga ako. Ikinalat ko ang aking paningin baka sakaling makita ko siya. Pero iyon nga unfortunately hindi ko siya mahanap. Ugh. Saan ba iyong mga lukaret na iyon?
Lakad lakad lakad.
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa aming klasroom. May mga klassmate na ako doon pero syempre inuna ko munang hanapin si Mia. May goodnews ako sa kanya. Pero hindi ko naman siya mahanap. Sad face.
Haist. Makaupo na nga lang. Baka sakaling pag-upo ko dumating siya. At tama nga ang hinala ko, biglang bumukas iyong pintuan. Nakita ko agad ang kagilagilalas na mukha ni Mia. Ngumiti ako. Pero siya nakasimangot. Ano na naman kayang problema neto? Palagi na lang nakasimangot.
“Mia, buti dumating ka! May goodnews ako sayo! Pero mamaya ko na sabihin, hintayin natin si Ash.”
Lumapit ako sa kanya. Pero nilagpasan niya lang ako at tumuloy sa silya niya. Anong problema neto?
Linapitan ko ulit siya. Meron na naman sigurong dalaw ang babaeng ito.
“Ui Mia? Ano problema? Huwag mong sabihing meron ka na naman.” Pabiro kong sabi. Alam kong sasabihin neto ang problema niya sa akin. Sa akin lang naman siya lumalapit pag ganito ang sitwasyon. Maliban kay Ash na tomboy.
“Wala. Gusto ko munang mapag-isa.” Bigla niyang saad.
Hindi na ako nakarinig pa ng anong salita. Gusto kong kulitin siya pero parang gusto kong magtanong ng ‘Anyare? Bakit ang cold mo? Nabuhusan ka ba ng ice?’ Pero nanahimik na lamang ako at bumalik sa upuan.
Pero ang inaakala kong wala lang sa mood, ay ginawa na niyang hobby ang pag-iwas sa akin. Kaya noong PE namin sinubukan ko siyang kausapin. Pero hindi ako nabigyan ng oras para gawin iyon.
Dahil laro namin ng volleyball ngayon. It serve as our grade. Kateam ko siya. Tapos kalaban ko si Ash.
Nagsimula ang laro at halos hindi niya ako pinapansin. Puro si Ash ang kinakausap niya. Noong naglalaro na, kapag sinasabi kong ‘mine’ inaagaw niya. Minsan sinisiko niya pa ako. Or binabangga. Hanggang sa apakan niya ang paa ko na naging dahilan ng pag-alburoto ko. ANONG PROBLEMA NG BABAENG ITO!?
“Mia!” Sigaw ko sa kanya. Pero matamlay lang siyang nakatingin sa akin.
“Ano.” Matipid niyang sabi. Hindi patanong, walang emosyon.
“Bakit ka ba ganyan?!” Buti na lang break that time. Or else gagawa kami ng eksena.
At imbis na sagutin ang tanong ko. Denedma lang ako. Kaya hindi ko na matiis kinuha ko ang kanyang braso saka pinaharap sa akin. Naramdaman ko din ang paglalaban niya.
“Anong problema mo? Ilang weeks ka ng umiiwas saakin? May nagawa ba akong masama sayo?”
Hindi siya sumagot. Nagtangka siyang maglakad pero hinarang ko siya. Nagtangka ulit pero hinarang ko parin.
“Padaanin mo ako.” Cold voice ang peg. Pero hindi, hindi ko siya papadaanin hanggang hindi ko nalalaman kong bakit siya umiiwas saakin. Nasasaktan ako sa ganitong treatment niya.
“Ayoko. Hindi ko alam kong bakit ka nagkakaganyan. Mia naman.”
Naiiyak na akong sinasabi sa kanya iyon. Pero still hindi parin siya tumitingin sa akin. Hindi parin niya ako kinibo. Naglakad ulit siya. Tinangka niyang kumawala sa presensya ko. Pero that time, sobrang higpit na ng hawak ko sa braso niya. Doon siya nagburst.
“Akala ko kaibigan kita, pero bakit mo ginawa sa akin iyon!” Pasigaw niyang sabi. Nagulat ako. Anong pinagsasabi niya?
“A..anong ibig mong sabihin?” Maging ako, napapaiyak narin. Mula sa bibig niya napakasakit ng aking narinig. Perstym kong masabihin ng ganito. Perstym kong maexperience ito sa isang kaibigan.
Ang lakas na ng impak ng pagkatingin niya sa akin. Isang salita lang ang nabasa ko. Isang salita lang. GALIT.
“Manhid ka? Tanga? Walang alam? Bianca! Nakakainis pero, kahit pigilan ko ang sarili ko na walang isipin sa oras na iyon hindi ko mapigilan! NAGSESELOS AKO! Nagseselos ako kasi buti ka pa napapasaya mo siya! Nagseselos ako kasi buti ka pa nakasama mo siya! Nagseselos ako! Nagseselos ako! Shet naman. Ayoko na sayo.”
Humiyaw hiyaw siya saakin. Nagkalat na ang luha niya sa pisngi. Hindi na siya iyong kilala kong Mia. Ibang Mia. Takte! Ilabas niyo ang bestfriend ko!!
“..Bianca. Akala ko kaibigan kita. Pinagkatiwalaan kita. Siguro kaya mo ako pinapalayo kay Joseph para maiwasan ko siya. Para mapasayo siya! Para--“
Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko napigilan na siya’y masampal. Isang sampal din kasi ang naririnig ko mula sa kanya. Ngayon naiintindihan ko na kong bakit ganoon siya. Pero ang hindi ko maintindihan kong bakit ganoon nalang siya. Hindi niya ako kayang intindihin. Mas iniintindi niya ang selos na bumabalot sa kanya ngayon.
Pero hindi ko hahayaang mabalot siya doon. Kaya sinampal ko siya. At ngayon, ito ang huling salitang sasabihin ko sa kanya. Kong hindi niya ako papakinggan well nasa kanya na iyon.
“Mia. Kaibigan kita. Wala ng papantay sa pagkakataong ibinigay saakin para makilala kita. Hindi ko sinira iyon. Lahat ginawa ko, para lang hindi kita nakikitang masaktan. Pero hindi ko aakalain na ganyan ka mag-isip. Mas inuna mo pang maniwala diyan sa nararamdaman mo keysa sa kaibigan mo. May nakita ka lang na isang bagay nagagalit ka na. Ganyan ka na ba kaparanoid? Ganyan ka na kakitid? Ikaw ang tanungin ko. Sige nga, akala ko ba kaibigan kita? Mia. Akala ko ba KAIBIGAN KITA?”
All of the students na nasa gym nakatingin na rin namin. Maging si Ash agad na tumakbo at pumagitna. Ako, umiiyak na. Hindi na mapigilang magburst. Ang sakit eh. Bakit ganito na lang niya ako itrato? Dahil lang sa simpleng bagay na nakita niya? Pakshet.“Hanggat kaya kong intindihin ka, gagawin ko, pero kung sakaling sumuko na ko at di ko na kinaya, please lang, intindihin mo”
Hindi ko na pinatapos. Ayoko na kasi itong nararamdam ko. Hindi narin ako nakarinig ng pahayag sa kanya. Umalis na ako at iniwan ko na siyang mag-isa. Perstym ko. Perstym kong magkaroon ng kaaway, sa kaibigan ko pa.

BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Ficção AdolescenteDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...