* Chapter Two ♥

1.2K 32 13
                                    

 CHAPTER TWO: And the rule begin

Masakit ang ulo kong bumangon mula sa higaan. Alas dose na ako nakauwi noon. Talagang inilugmok ko ang aking sarili sa alak. Si Bianca narin ang naghatid sa akin pauwi. Without knowing what I did after I got drunk. Basta pakiramdam ko minanhid ng buo kong katawan ng alak.  

Nagpa-gulong gulong muna ako sa kama at tumunganga. I let myself reflenished mula sa nakaka-insulto kong tulog. Hanggang sa umatake ang migraine sa aking ulo dahil sa hang-over.

At pag-atake rin ng ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa lamesita at inalam kong sino iyong kaaga-agang nang-iistorbo ng umaga ko, pero kinain ko rin lamang ang aking sinabi ng makita ko kung sino ang nagtext.

From: Joseph <3

Message:

Goodmorning guys! The party was blast. Napakaganda ng acquaintance. But still, sino kaya siya?

.gm.

Sino kaya siya? Tinatanong niya kong sino kaya siya? Ibig sabihin ba noon, curious siya sa nangyari sa amin ng oras na iyon. Tinanong niya eh.

Hindi ko mapigilang hindi mag-assume. At kahit masama sa atay ang masyadong assumera ay hindi ko na pinagkailang ako iyong tinutukoy niya sa GM niya. Nakakakilig. Gusto ko tuloy magreply. I started to tap my keyboard and suddenly hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

Reply to: Joseph <3

Message:

Asus! Sino naman iyan?

-Message Sent-

Natutuwa ako dahil nasasabi ko ang mga katagang iyon sa text. Sa ilang years bang pagpapantasya ko sa kanya, syempre gumawa ako ng way para mapalapit. At pakiramdam ko na re-charge na ang buo kong katawan dahil sa text na iyon and ready to face the reality. Kaya bumangon na ako saka dumiretso sa banyo para maligo.

At sa sobrang obsess kong umaasang magrereply siya ay dinala ko ang aking cellphone sa banyo. At ilang sandali pa ay hindi ako nabigo. Nagbeep ang aking phone at siya agad ang lumitaw sa aking screen. Halos magpakalunod na ako sa timba ng makita iyon.

*MAY NAGTEXT!!*

From: Joseph <3

Message:

May gagawin ka ba ngayon? Pasyal tayo. Mall. Hehe.

At hindi lang paglulunod sa sarili ang naisip ko. Halos gusto ko naring iflush sa toilet bowl ang aking sarili dahil sa saya. At halos mahulog ko na ang cellphone ko sa nabasang text buti na lang nasalo ko pa ito. Ngunit ang hindi ko mapigilan ay ang paghiyaw ko sa banyo. Sa sobrang saya hindi ko mapigilan ang mapasigaw na naging dahilan pa ng pag-punta ni Mama sa loob ng kwarto ko. My mom even asked me if what’s wrong pero sinagot ko nalang siya na nanalo ako sa raffle, at prince charming ang grand prize.

Tulad ng isang sabik na babaeng gustong makasama ang pangarap niya ay kasing bilis akong nagbihis at binagtas ang daan papuntang mall. Nakakatawa nga dahil wala pang isang tatlongpu’t minuto ay nasa mall na ako na usually 45 minutes ang biyahe. Syempre I can do everything just for him.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon