* Chapter Six ♥

748 24 11
                                    

Chapter Six:  Rule #5 Know where to stand

______________________________________

Bangag akong dumating sa bahay ng araw na iyon, matapos ang pangyayari kanina. Niyaya ko si Rene na pumunta sa bar a para uminom narin. Gusto kong mabalutan ng alcohol ang aking katawan umaasang magagamot at maghihilom ang aking pusong sugatan.

*Flashback*

“Tulungan mo ako.” Sabi ko na ngayon ay nahimasmasan na ako’t tulala.

“Saan?” Tanong ni Rene.

“Punta tayo sa Bar. Inom tayo doon. Gusto ko kasing mabalutan ng alcohol ngayon.”

Hindi siya umimik, pagkatapos noon may kinuha siya sa bag na family alcohol.

“Ano iyan?”

“Alcohol. Di ba sabi mo gusto mong mabalutan ng alcohol?”

“Gago. Anak ka ng ina mo.”

“Pautang ng lima mo.”  Sagot niya sa mura ko.

*End of flashback*

 

Hindi parin ako makaget-over sa joke na binitawan niya kanina. Hanggang sa pagpasok ko sa bahay tumatawa parin ako na mukhang tanga kahit bangag na.

“Hoy nakainom ka ba?” Sita sa akin ni Mama na nasa salas pala, abalang nanonood ng paborito niyang primetime drama.

“Hindi ma, lasing lang ako.” Sagot ko.

“Sige. Kain ka na ng dinner, pagkatapos mong maligo. Para mawala iyang alak sa katawan mo.”

Concern niyang sabi sa akin pero syempre kabaligtaran lang iyon. Pinagalitan niya ako, hinila niya ako mula hagdan pataas at pababa. Pinalo niya ako sa pwet tapos hindi nila ako pinakain ng dinner. Lagi nilang tanong bakit daw ako naglasing. Hindi ko naman masagot. Pagkatapos ng aking pedal hour ng aking soronity mader. Tumungo ako sa kwarto, naligo, kumuha ng cup noodles sa baba. At nagkulong sa taas.

Migraine. Masakit. Pumipintig ang nerve sa utak ko.

And out of curiosity, kinuha ko iyong pang anim na sticky note na nakita ko kanina pagbalik sa opisina para kunin ang gamit. Kulay blue ang sticky note na ito, may nakasulat na..

Fifth rule, know where to stand

Binasa ko ulit, hindi ko magets. Hindi na ako lasing, mas lalo namang hindi ako bobo. Pero bakit hindi ko magets ang nakasulat sa sticky note na ito?

Where to stand? As in tagalog, alam ko kung saan ako nakatayo? Saan? Kanino? Kay Joseph?

Saan nga ba ako sa kanya? Kung may nakarenta na sa puso niya saan ako lulugar? Sa bituka nalang ba ako? Sa intestine? Sa anus? Saan?

Ito nga ba iyong sinasabi ng kanta na, “oo nga pala, hindi pala tayo. Hanggang dito nalang ako, nangangarap na mapasayo. Hindi sinasadya na hanapin ang lugar ko, asan nga ba ako?” Peg?

Asan nga ba ako kay Joseph? Hay, ayoko ng alamin dahil biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita kong may nagtext.

 

Nagulat ako ng buksan ito.

 

From: Joseph ko, <3

Message:

Mia, are you alright? Sorry kanina dahil napagalitan ka ni Cath. In-explain ko narin sa kanya ang lahat. Everything is settled na.

Hindi ko siya rereplayan. Hinagis ko muna ang cellphone ko sa pinakamalapit na lugar ng aking kwarto. Nagmuni, natulala. Nag-isip. Ayoko muna, hanggang ‘di ko pa nasasagot iyong tanong sa puso ko kong saan nga ba ako sa kanya. Hindi ko muna siya papansinin.

Nakailang text siya. Pinasahan pa niya ako ng dos. Pero nagpakabakal ako ngayon hindi na kasi uso ang pusong bato, kaya bakal nalang. Hindi ko parin siya ni-rereplyan. Tiis lang Mia, Saad ko sa sarili ko. Inaliw ko ang aking sarili.  Ginawa ko lahat ng assignment ko at project na sa next year pa ipapasa. Lahat natapos ko na, at tanging ang katanungan na lang sa puso ko ang  hindi ko parin masagot.

Saan nga ba ako sa kanya?

Hanggang sa nag-vibrate ang cellphone ko, hindi na text. Kundi tawag. Galing kay EIC namin  na agad naging dahilan ng aking nagpanic.

“Ate bakit po?” Sagot ko agad.

“Si Joseph to.” Sagot sa kabilang linya. Napatigil ako. Biglang nagulat, kasi bakit bigla nalang.. Teka. Ginamit niya number ng EIC namin para lang tawagan ako. Ha? Anong meaning nito?

“Bakit?” Cold voice parin ako. Pinipigilang magpakita ng kahit anong emosyon.

“Bakit hindi ka sumasagot sa text ko! Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sayo? Halos hindi na ako umuwi dito sa office kasi hinihintay kong pumunta ka dito.” Pinakinggan ko lang siya.

“Bakit naman ako pupunta diyan? Cold voice parin, emotionless. Pusong bakal! Pusong bakal!

“Hindi ka nga nagbabasa ng text.” Bigla niyang saad.

“Para saan?”

Wala pa ring feeling kong sagot.

“Ano bang problema mo? Kung iyong kanina, sorry na.” This conversation is taking so long. I can’t resist his presence on the phone.

“Bakit ka nagsosorry?”

“Mia!” Sumigaw na s’ya sa kabilang linya.

“BAKIT JOSEPH! SINO BA AKO SAYO PARA MAGING GANYAN KA! PARA SABIHAN KO NG DAHILAN? PARA I-UPDATE LAHAT NG GAGAWIN KO? SINO BA AKO HA?!”

Hindi ko na napigilan, nataasan ko na siya ng boses. Sobrang lakas na boses na halos katukin na ako ng aking nanay pero hindi ko pinansin. Nasasaktan na ako sobra, gusto ko nang masagot ang katanungan kong sino nga ba ako sa kanya? kong saan ba ako sa kanya? Kung sa puso ba niya ako dapat o hindi?

“Mia. Kaibigan kita, ikaw na ang best--”

Hindi ko na tinapos ang mga sasabihin niya. pinatayan ko na siya ng phone. In-off ko na iyong cellphone ko, at mahinang umiyak. Ngayon, heto, nalaman ko na sa sarili ko at sa mismong bibig niya kong sino ba ako, ano ba ako sa kanya.

KAIBIGAN LANG PALA. Kaya wala akong tatayuan na status na mas deeper sa inaakala ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon