* Chapter Three ♥

1K 28 19
                                    

Chapter Three:

Rule#2 Never Demand, WHATEVER! He’s mine!

 

Alam mo ba iyong feeling na ang aga-aga mong nagising at tinatamad kang pumasok sa school pero wala kang madadatnang instructor? At halos sampung bote ng sleeping pills ang nainom ko at antok na antok para lang pasukan siya pero binigo lang ako? Masarap mag-rally habang isinisigaw ang hustisya ng aking pagtulog. Kaya’t para bawiin iyon ay tumunggo na lang ako sa aming opisina.

 

Ito ang maganda sa amin. May sarili kaming opisina. Mahal na mahal yata kami ng presidente ng school dahil may sarili kaming opisina at amin lang ion Samantalang iyong other league of organization dito sa rooms lang sila. Minsan masarap lang magmayabang. Kunting tawa.

 

Well, habang naglalakad ako sa hallway bigla kong nakasalubong si Madam EIC.

 

“Oy, buti na lang nakasalubong kita. Papunta ako ngayon sa klase mo. I-eexcuse sana kita kasi presswork natin ngayon.” Saad niya sa akin. Napa-smile naman ako bigla doon. What a day, araw ko yata itey.

 

Pero sa dulo ng aking utak merong sumisigaw na kailangan kong magtrabaho. Pumasok ako sa organisasyon para matuto. Matutong magsulat at syempre matutong magmahal. Chos.

 

“Sige punta ka na sa opisina. Naghihintay na sila doon.” Tapos sabay alis ni Madam EIC na parang nagmamadali siya. Oh well, hindi na importante kung saan ang lakad niya. Ang importante dito ay atat na ang puso ko para makita si Joseph.

 

Kaya pumunta na ako sa administrative building kung saan naroon ang opisina namin. Second floor. May sarili kaming office, syempre espesyal kami sa unibersidad na ito. Kami ang nagbabalita ng mga magagandang nagawa ng university. Pabango ika’nga. Pero mahirap din kaming kalaban dahil ilan sa amin ay aktibista.

 

Pagdating ko roon una kong naabutan doon eh iyong mga kapwa ko staff na abalang nakatutok ang kanilang mukha sa dala nilang laptop.  Ilinilibot ko ang aking paningin sa isang taong nais kong makita.

 

Pero napabuntong hininga na lang ako ng wala akong Joseph na nasilayan. Kaya’t tumunggo na ako sa aking desk kung saan kasama ko si Crispy, isa din sa mga feature writers.

 

“Hi?” Bati niya. Pero noong nilingon ko siya nakatutok ito sa laptop habang tumitipa ito. Si Crispy ang medyo close ko sa lahat ng writers na bago. Kasama ko siya kasi sa mga napili. Crispy ang palayaw ko sa kanya. Kasi Cristian talaga ang pangalan niya pero dahil paminta siya, pinalitan ko ito. Na gusto naman niya.

 

“Hello.” And after I responded inaasahan ko na rin na hindi na siya mag-oopen ng kahit anong rason na pwedeng bumuo ng aming conversation.

 

I shift myself to the direction of my desk. At doon ko kinumbinsi ang sarili na magsulat for awhile habang hinihintay itong si Joseph.

Sulat.

Sulat.

After 15 minutes ng aking pasusulat sinubukan kong tumingin sa may pintuan para i-check kong naroon na ba si Joseph, pero still wala pa rin. Kaya I continue my work.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon