* Chapter Four ♥

846 27 8
                                    

Rule #3 Never Assume. Take it for granted!

 

Bangag akong humihigop ng slurpre na binili ko sa pinakamalapit na 7-11. Kasama ko ngayon si Ash. Katatapos lang ang concert at tila ba mayroon paring aftershock saakin iyong mga kanta ng Maroon 5. Pero kahit papaano napagaan ang loob ko. Kasama ko ngayong si Ash. Kanina pa ito tahimik. Maging sa concert ay hindi ko mawari kung prayer rally ba ang dinaluhan niya at hindi concert. Pero hindi ko na siya pinansin. Baka retuwal niya lang talaga ang pagiging tahimik.

Naglakad kami hanggang sa nagawi kami sa baywalk. Maraming tao pero mayroon pang pwedeng upuan malapit sa sea board. Kaya niyaya ko si Ash. Umupo kami sa hindi mataong lugar at pinagmasdan ang mga ilaw na sumasanib sa tubig ng dagat.

“Bakit mo nga pala iniiyakan iyong inidoro?” Biglang tanong ni Ash, doon ko siya tinignan. Nakatingala siya sa kalawakang puno ng mga bituin.

“Ah. Hindi iyong inidoro ang iniiyakan ko?” Napatigil siya sa paghigop ng slurpee at saka tumingin saakin.

“Eh. Bakit ka umiiyak? Kanino ka umiiyak?”

Bigla akong nalungkot sa mga oras na iyon. Naaalala ko na naman siya. Napayuko ako. At itinuloy ang paghigop sa slurpee ko. Pero ilang segundo din hindi ko mapigilan ang sarili ko para ikwento sakanya kong ano ba ang iniiyak ko noong oras na iyon.

“Ash, sa palagay mo bakit umiiyak ang isang tao?” I asked. Nahahawa na yata ako sa kaweirduhan ng kasama ko.

 

“Hmmm.”

Nakita kong biglang napakunot noo siya saka hinanap ang sagot kong bakit nga ba umiiyak ang isang tao.

“Ang sa pagkakaalam ko umiiyak ang tao depende sa mood niya meron kasing tinatawag na tears of joy.”

“Eh paano kong iyong iyak na iyon eh tears of sadness?”

“Meron bang ganon?” Pagtataka niyang tanong sa akin. Ngumiti lang ako.

Higop. Hindi ko ma-istraight to the point iyong gusto kong sabihin sa kanya kasi hindi naman talaga ako mahilig mag-share ng aking nararamdaman sa nino man. Mahilig akong maglihim. Mas gusto kong ikwento ang buhay ko sa papel kaysa sa oral. Kaya bagsak ako sa recitation.

“Meron, siguro, ako. Ako ang nakakaranas ng tears of sadness ” Bigla kong saad. Napahinto siya at tumingin na sa akin. Parang nakita ko na nagets niya ang gusto kong sabihin.

“Alam mo, ang labo mo rin ano? Magpaalon ka na kaya sa mga alon ngayon dito sa bay ng mahimasmasan ka.” Bigla niyang joke, pero hindi ako natawa. Tumingin ako sa malayo. Saka nagsimulang magsalita.

“Umiiyak ako dahil sa tears of sadness. Alam mo ba na sa buhay ng tao, kapag umiiyak sila at tears of sadness ang reason either napapagod sila, nalilito,  o hindi na kondisyon ang katawan at higit sa lahat nasasaktan?”

Nakaramdam ako ng init sa pisngi habang dinedefine ko kung ano iyong tears of sadness sa kanya. At sa hindi ko malamang rason niya, bigla niya akong inakbayan.

“Umiyak ka lang.”

Sa pagsasabi niyang iyon, parang inutusan niya ang mga luha ko para lumabas. Hindi ko naman kasi in-expect na hanggang ngayon narito parin sa puso ko iyong nangyari kanina. Nakakalito kasi. Sa mga pinapakita ng lalaking iyon sa akin na care, na concern, na love, mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon. Ako ang nahihirapan. Kahit na wala naman talagang dapat mahirapan.

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko na pinansin kong mabura man ang make-up ko, hindi ko na pinansin kong maraming nakatingin na tao. Sa pag-iyak ko parang nailabas ko na rin ang sama ng loob ko. Tinapik tapik lang ako ni Ash sa likod.

“Ang pag-iyak isa iyan sa relief para kumalma ang nararamdaman ng isang tao. Sa pag-iyak, nabubuhos lahat lahat ng nararamdaman niya.  Di ba ang bata kapag nadapa, umiiyak siya? Hindi dahil sa lampa siya o mahina, pinapakita lang na, nasasaktan din siya. Kaya walang masama sa pag-iyak. Iyong sinasabi nilang iniiyak mo ang isang tao eh katangahan? Bigwasan ko pa sila. Iniiyakan mo ang isang tao, dahil alam mong siya ang kahinaan mo. At after mong umiyak, saka mo marerealize na malakas ka pala. At doon makakamove-on ka na. Lalo’t alam mo na ang lesson.”

Pangaral niya sa akin. Tama nga naman si Ash, pero ewan ko rin ba, bakit ba ako ganito? Kahinaan ko ba talaga si Joseph? Pero bakit sinasabi ng puso ko na huwag kung pakinggan si Ash. Na mahirap iyong sinasabi niyang move on thingy.

“Hindi naman kasi madali e.” Umiyak parin ako.  Para akong batang nadapa noong oras na iyon.

“Eh kasi hindi talaga madali. Kelan pa ba naging madali ang buhay aber? Sa pagtaya nga ng lotto pahirapan na. Pipila ka, pipili ka ng numero, tapos hindi mo pa alam kong mananalo ka. Asaan doon ang hustisya? Di ba?”

Hindi ko alam pero lalong gumagaan ang pakiramdaman ko habang kausap ko ng oras na iyon si Ash. Parang naramdaman kong may mga taong handa talagang dumamay saakin. Hindi katulad noon na sinosolo ko lang ang problema ko. Kay Ash, hindi ko nararamdaman na sinosolo ko na ngayon. Kundi may dumaramay na saakin.

 

“Ikwento mo, sino ba talaga iyang nagpapaiyak sayo?” Pagtatanong niya.

Umayos ako ng pagkaupo. Saka inihanda ang sarili ko, hindi ko ugali na mag-share ng problema. Pero ngayon, susubukan ko.

“May tao akong mahal. Noong una, hindi naman ganito iyong nararamdaman ko. Actually. Hate na hate ko siya noon, kasi suplado siya, tapos ang yabang pa. Pero tama nga sabi nila, the more you have the more you love. Napamahal ako sa kanya, due to his other side. Mabait pala siya at super sweet. At nag-assume ako doon na may gusto din siya sa akin. Pero hindi ko alam, ganon din pala siya sa iba. Then. Kahit alam kong ganoon din siya sa iba. Umasa pa rin ako. Tuwing kasama ko siya, walang ibang sumasagi sa isipan ko kong gaano niya ako pinapasaya. Isang araw, dahil sa obsession ko sa kanya. Sa acquintance party natin noon. Talagang ginawa ko ang lahat para hindi niya ako makilala. Nagdress up ako. Then sinayaw ko siya. At doon ko siya hinali--”

“Malandi ka.” Biglang sumingit si Ash, habang poker face iyong mukha niyang humihigop ng slurpee.

“Oo ako na malandi pero nagawa ko lang naman iyon dahil mahal ko siya e.” Sumimangot ako.”

 

“Hindi ka lang malandi, tanga ka pa.” Panenermon niya ulit. Tama siya, hindi lang ako manhid, hindi lang ako tanga, hindi lang ako malandi. Masakit mang pakinggang iyon pero iyon ang totoo.

 

“Bakit mo pa kasi kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal? Malinaw naman na hindi ka niya gusto. Kasi kapag gusto ka nang lalaki ayaw niya sa lahat ay makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya. Kaya kung anong kalokohan man iyang nararamdaman mo itigil mo na kung ayaw mong sumama sa mga diapers na nakikita mong lumulutang ngayon.”

 

Napatahimik ako sa sinabi niya. After noon hindi na muli syang umimik. Inisip ko ng mabuti lahat ng sinabi niya. At alam kong may point siya. Gusto kong gawin ang mga sinabi niyang kailangan ko na siyang kalimutan. Pero habang papauwi naisip ko, papaano mo kakalimutan ang isang taong lagi mong nakakasama at nakikita?

 

Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Mama naghuhugas na ng pinagkainan. Bigla ko siyang nilapitan. Saka tinanong.

 

“Ma, papaano mo iiwasan nag isang bagay na ayaw mong iwasan?”

 

Pinagalitan niya ako. Masyado na raw gabi. Tapos kung ano ano pa ang pinagsaabi ko, kaya naman umakyat na lang ako sa kwarto.

Alas nuebe na, matutulog na ako. Long quiz pala bukas sa humanities. Makapagmura nga.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon