* Chapter 5 ♥

843 26 9
                                    

Chapter 5:

Know the limits. Hindi ako kotse na dapat may speed limits.

 

Tumunog na iyong bell habang wala akong ganang naglalakad sa hallway nakaksalubong ang mga estudyanteng nagmamadaling pumasok. Nababangga sila at nakakasalamuha. Pero ang nasa isip ko quiz pala namin ngayon sa humanities. Nakareview naman ako pero hindi ko talaga feel na mag-quiz ngayon. Ginawa ko ding baduy ang sarili ko. Nagbagpack ako this day kahit angsheyt tignan.

 

“Ms. Gonsales!”

 

Inis, Gonsales pa po!

“Sir, it’s Gonzales not Gonsales!”

Emotionless kong pagtatama habang nilalagpasan ko siya sa harapan at tumuloy sa aking inuupuan. Hindi naman siya nagreact sa sinabi ko. Feel ko ding nakatingin sa akin lahat, oo. All eyes in front of me ang eksena. Dahil siguro sa nakabagpack ako.

“Ano tinitingin tingin niyo?”

Walang mood pero siga kong sabi. Nagsiliparan na sila ng tingin. At hindi na trinay na tumingin sakin, dahil kong sinubukan nila. Babalatan ko sila mula sa bone marrow. Na parang pagbablat ni Sarah sa patatas. Badtrip parin ako eh. Tapos wala pa sa mood.

 

“Get one whol blah blah blah.”

 

Nagsabi na iyong teacher namin na kumuha ng papel. Nagquiz kami. Natapos iyong quiz. Next subject. Na curious ako, tumingin ako sa cellphone. Umalis iyong teacher namin sa next subject naming arts. Ang korney college na kami pero may art subject parin. Hindi naman ako fine arts major. Pagkaalis ng teacher namin, vacant biglang nagkagulo iyong mga klassmate ko. Pumunta sila sa isang babaeng nasa dulo. Na parang may tinitignan. Halos lahat na nandoon. Pwera ako tapos si Bianca na nagpaalam dahil pupunta sa OSA.

 

At dahil curious talaga akong tao. Pati ako nakichismis sa mga nagtutumpukang mga alien.

“Uy ano iyan?” Tanong ko, lahat sila napatigil at pinadaan ako. Well, ganoon talaga minsan ang batas.

“May nagpasa ng picture na ito o. Hinalikan iyong campus hearthrob na si Joseph! Iyong associate editor ng press club.”

Tarantang sabi ng babaeng may hawak ng cellphone nagbago ang mood ko, napalitan ng pagkataranta. Nahawa ako sa babaeng nataranta din. Pero I tried to calm myself from any kind of reaction.

 

“Di ba Mia, ka-org mo siya?” Biglang tanong sa akin ng klasmyt kong babaeng hindi ko na papangalanan pa, hassle. Tumanggo ako sa tanong niya.

 

Tinignan ko ulit iyong picture at pagkatapos noon, nakahinga ako ng matiwasay. Hindi halata na ako iyong babaeng naroon sa pic. Natakpan kasi ng mask and hindi ganoon ka-bright iyong lights ng mga panahon na iyon.  Akala ko katapusan ko na.

“Sino kaya ito? Kainggit naman.” Nag-iilusyong sabi ng babae.

“Kadiri.” Feedback ko nalamang. Playing safe. Para hindi halata na kunwari eh hindi ako iyon. Pero ang katotohanan doon ay super tuwa ko kasi nagflashback iyong kiss na iyon sa akin labi. Ibig sabihin mas malandi pa ako kay Lavinia.

Umalis narin agad ako matapos malamang hindi mapapahiya ang imahe ko dahil sa picture na iyon. Dahil kung hindi, hindi na ako magiging batas sa klassroom. Matanong niyo kong bakit ako ang batas? Syempre, sekreto ko na iyon ng malupit.

10 RULES IN SAVING YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon