“YUCKY! EWWY EYEBAGS!”
Pagpasok ko palang ng room. Bigla nalang akong inasar ni Bianca. Ano na namang trip nito?
“Tse.”
Hindi ko siya pinansin. Dumiretso na ako sa aking upuan at saka nagsimulang maging emo, as in emosyonal, Kahit hindi na uso iyon ipapauso ko ulit for the sake of my humanity.
“Kamusta ka naman? Anong balita sa’yo?” Lumapit siya sa akin at sinubukang maki-tsismis.“Huwag ngayon Bianca, broken heart--”
Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla niya akong hinampas ng chemistry book na makapal. Tumingin ako sa kanya. Kalmutin ko kaya ito? Masyadong sadista eh.
“Anong problema mo? Nawala lang ako ng ilang araw suplada ka na? Ikulong kaya kita sa garbage bag?” Pagrereklamo niya habang hinahaplos ko pa iyong may hang-over kong ulo sa pagpalo niya ng makapal na chem book.
“Ikaw! Masyado kang nagiging tanga sa taong alam mong hindi ka naman mahal. Tanga!” She added. Pag-uulit niya ulit sa masamang word na iyon, murahin ko ito eh.
Humarap ako sa kanya.
“Alam mo, isa ka rin eh. Siguro ikaw iyong nagpapadala sa akin ng anonymous notes sa desk ko sa opis no? Nakakarindi.” Ginulo ko na ang buhok ko. Masyado na akong na-iistress.
“Ha? Anong note?” Bigla niyang sigwey. Tumingin ako ng masama sa kanya.
“Pwede ba Bianca, alam kong may kapangyarihan kang pumunta sa opisina para magpa-aircon at ikaw lang ang nakakaalam ng sitwasyon ko kay Joseph kaya huwag ka ng magsinungaling.”
Bigla naman siyang nagpakita ng pagtataka hanggang sa ako ulit ang nagdrama. Hindi ko na rin kasi hinintay pa ang respond niya dahil hindi ako interesado. Marami pang problema sa mundo kaya ito muna ang aatupagin ko.
“Gusto ko ng umamin.” I said. Short words make her hysterical. Bigla niya akong sinigawan.
“Tanga ka ba Mia? Aamin ka in what? Para masabi mo iyang lintik na nararamdaman mo? Mas lalo mo lang sasaktan ang sarili mo Mia.”
I don’t know kung kakampi ko ba si Bianca. Pero isa lang ang alam ko. Bukod kay Ash na wala namang kaalam-alam sa pangyayari si Bianca lang talaga ang maasahan ko. Bumuntong hininga ako. Alam kong magulo, alam kong imposible niya akong mahalin. Pero nakakapagod din kasi, iyong maghihintay ka sa isang pangyayaring imposible namang mangyari. In short, assuming.
“Mas lalo niyang sasaktan ang sarili niya kong patuloy niyang didibdibin ang nararamdaman niya.” Napatigil ang conversation namin ng biglang may sumingit na boses ng isang lalaki. Napatingin kami doon at kitang kita naming nakaupo sa may desk si David. Teka, bakit narito ito, first year siya napapadpad to sa department namin?
“Sino ka?” React agad ni Bianca, na parang hindi niya gusto ang presensya ni David.
“Hi. I’m David.”
Inabot niya ang kamay nito sa harapan ni Bianca, but Bianca automatically refuse it. Wow ha. Ano ito? Bakit may nabubuong love story dito? Eh ako ang bida dito ha!
“I’m not interested on you. And,” Bigla niyang tinignan ang ID noong nawawalang bata saka ngumiti. Ang creepy noong ngiti, “you’re a first year student. Bakit ka narito? Di mo ba alam na department ito ng Second year? Wag kang--”
BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Teen FictionDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...