“Mia, kunin ko na kasi ang number ni Bianca?”
Kanina pa ako pinagtritripan nitong David na ito. Halos hindi ko na matapos iyong article na sinusulat ko dahil magulo siya. Idagdag mo pa iyong kalandiang nakikita ko mismo sa harapan ko. Sino pa nga ba edi iyong si Marjorie at Joseph.
“WALA NGA!” Sinigawan ko na siya pero hindi niya ako tinigilan.
“Sinungaling!! Imposible!! Kaibigan mo iyon tapos wala kang number?” I glared at him. Sana mamatay na lang ito sa titig para tigil-tigilan na ako.
“Kaaway ko siya hindi kaibigan.” I told.
“Weeeh?”
Hindi ko pinansin iyong weeh niya, ang napansin ko iyong hawak ni Joseph kay Marjorie sa kamay. Gumawa ako ng ingay sa pamamagitan ng paghampas sa mesa. Attention catcher talaga ako, buti nalang lumabas EIC namin. Or else kanina pa niya ulit ako minura.
“Problem?” Napansin ni Joseph na sinadya ko iyon kaya sinungitan niya ako. Wow ha, kapag wala itong babaeng ito ubod siya ng sweet sa akin kapag meron naman akala mo hindi niya ako kilala.
“GHAD! ANG DAMING ANAY DITO SA LAMESA KO. LITSI.” Napakunot-noo silang lahat.
“Anay?” Tanong naman ni Joseph.
“OO ANAY.” Nilakihan ko siya ng mata. Iniemphasize ko iyong dalawang salitang sinabi ko.
“May anay dito sa office?” Tanong naman ng David na ito. Natural wala, kumukuha lang ako ng attention.
Kumukuha ng attention.
Kumukuha ng attention.
Kumukuha ng attention.
Kumukuha ng attention.
Maganda ang aking naisip. Hehe. Kukuha nga ako ng attention. Itinaboy ko si David sa aking lugar sa pamamagitan ng pagbigay ko ng number ni Bianca. Ngayon, gagawa ako ng eksena. Na tiyak eh, ako na ang magiging priority ni Joseph. Bwahahaha.
Nag-isip ako ng mabuti habang kunwaring nagsusulat. Sige, Marjorie magpakasaya ka. Ako naman mamaya.
Ilang minuto ang nakalipas. Umandar na ang kukute ko. magsisimula na ang misyon ko. Nagtungo ako sa coffee zone para kunwari kukuha ng kape. Ipagtitimpla ko si Marjorie ng kape.
Sampung kutsara ng kape.
Kalahating kutsara ng asukal.
At labing anim na kutsara ng cream para magtae.
Perfect. Idedeliver na kay Margarin. At tamang tama, may napadaang staff.
“Uy, bigay mo nga ito kay Marjorie. Wag mong sasabihing ako nagbigay ha.. tapos ito sayo.”
Binigay ko iyong toblerone.
“Oy toblerone.”
“Basta ibigay mo iyon sa kanya ah?”
BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Подростковая литератураDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...