The last rule
Tik tok,tik tok.
Isang nakakaambalang umaga.
Tik tok, tik tok.
Tunog ng isang orasang Malaya. Tik tok.
KRRIIIIIIIIIIIIING! UMAGA NA!
“Ahhhh!” Napahikab ako ng malakas saka ginusot ang aking mga mata. Umaga na pala. Napatingin ako sa orasan, 5am. Oo, sinakto ko talaga ang alarm na ito para magising ako. Excited much narin kasi ako sa outing na mangyayari.
Ang bilis ng araw. It’s outing day today! O diba, hindi ko expected iyon. Pero tama na dada. Kailangan ko ng maghanda! Pupunta na kami sa Ilokos ngayon.
Breakfast meal, check!
T-shirt, check!
Blah .. blah.
Tulog pa sila dito sa bahay. Kailangan ko din munang icheck kong kumpleto iyong gamit ko baka kasi nagpupunta ako doon hindi ko alam naiwan ko na pala ang panty ko.
Pero ito kasi ang exciting kaya excited akong pumunta. May bagay na akong igigive-up. Sabi ko kasi sa sarili ko kagabi bago ako matulog at ngayon ay nagtotoothbrush na ako, itong araw na ito, itong araw na tatanggapin ko na kong anong mangyayari.
Oo, pagod na akong umasa. Mahirap ding ma-obsess nalang lagi. Kailangan ko na ring tanggapin ang lahat. Kung anong mangyari ngayon, I’ll be happy for it.
At higit sa lahat, ang pinakaclimax ng pangako ko na ngayong araw na lang na ito, itong araw na huli ko siyang kakabaliwan. So after neto, bukas, siguro. Hindi na ako masyadong magiisip sa kanya.
Kay Joseph.
O, tama na drama. Kukunin ko na ang gamit ko. Alas sais na kasi. At sa school pa naman kami magkikitang mga press. Syempre, itaboy muna natin ang work. Lakwatsa na!
Nagbisekleta akong pumunta doon. Feel ko kasi iyong breeze ng maagang umaga. Ano raw? Pero wag na kayong mag-isip pa tungkol doon, dahil hindi iyon ang big issue.
Nauna ako sa may school. Excited e, kaya nauna. Sumunod saakin si ate Cath, iyong EIC namin. Hanggang sa padagdag kami ng padagdag. Pero sa pagdating ng mga iyon, wala parin iyong inaasahan kong dumating.
“Looking for something?”
Napalingon ako sa nagsalita. Si David pala iyon, ginulat nanaman ako. Nakaupo lang ako sa bench na tapat ng main gate.
“Wala. Upo lang habang wala pa ang lahat.”
Dahilan ko naman, syempre, kasinungalingan iyon. Dahil ang true hinihintay ko si Joseph.
“'Wag mo nga akong lukuhin. Si Joseph lang naman hinihintay mo.”
Sabi niya, tapos hindi ako nakaimik. Kahit kailan talaga hindi ako makakalihim sa lalaking ito.
“Oo na siya na.”
“Mahal mo nga talaga siya, Pero Mia naisip mo narin bang sumuko minsan?”
Doon, napatingin ako. Oo, tama si David. Naisipan ko na rin bang isuko ang lahat? Kagabi. Nangako ako na gagawin ko ang lahat ngayon araw na ito para magkasama kami. Dahil bukas, susubukan ko na siyang layuan at iwasan. Pero sapat na bang rason iyon para masabi kong naisuko ko na siya?
Magulo.
“Nangako ako David, kagabi. Habang nag-iisip ako ng pwedeng mangyari sa araw na ito. Na gagawin ko ang lahat, lahat lahat para sa kanya. At pag natapos na ang oras na iyon. At dumating na ang bukas. Tutulungan ko ang sarili ko para magmove-on, nakakatawa nga e. Hindi naman naging kami, pero kailangan kong magmove-on.”
BINABASA MO ANG
10 RULES IN SAVING YOUR HEART
Teen FictionDue to some nice purposes. I declared that my first published novel in this account will be experiencing some reconstruction thingy. I will post the edited version. Mia, a feature writer, always tells her heart to be calm every time she sees Joseph...